Fiancé
Kinabukasan, di gaya dati na laging dumidistansya sa akin si Leo, ngayon ay para na syang tuko kung makakakapit sa akin.
Narito kami ngayon sa mini forest dahil magpa-practice sila ni Travis para sa skate contest na sasalihan nilang dalawa next week. "Umusad ka naman ng kaunti. Kulang na lang kandungin mo ako." Puna ko sa kanya.
Amusement immediately flicked across his face then he pulled me into his lap. "You're so brilliant, Nadia!" He exclaimed.
"Hoy, bitaw." Sigaw ko dahil ipinulupot niya ang dalawang braso niya sa bewang ko. Pero imbis na sundin ang aking sinabi ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.
"Naku po, nagkandungan na!" Napabalikwas ako sa boses ni Belle mula sa aming likuran kaya naman kaagad akong umalis mula sa hita ni Leo.
"Dati-rati di kayo mapagtabi ngayon halos magsanib na ang mga katawan niyo ah." Puna naman ni Kate na ngayon ay umuupo na rin sa bermuda grass tulad namin.
"Paano nga pala kayo nagkagustuhan kung hindi naman kayo nag-uusap?" Nagtatakang tanong ni Kate at saka humarap sa aming dalawa.
It also hasn't immediately occured to me that I like Leo. All I know is that his presence is too much for me. Lagi niyang pinapabilis ang tibok ng puso ko. Lagi akong kinakabahan sa presensya niya kaya naman ayaw kong malapit siya sa akin. Napagtanto ko lang na gusto ko siya dahil selos pala ang naramdaman ko noon kay Ara.
"Hindi ko rin alam." Tipid kong sagot at saka bahagyang tumingin kay Leo na itinatago ang ngiti sa labi.
"Leo, tara na!" Tawag sa kanya ni Travis. Tumingin si Leo sa akin na para bang nagpapaalam siya na iiwan na muna niya ako saglit. I nodded and smiled at him then he went to Travis.
Pagkaalis ni Leo ay nilapitan ako ng dalawa. "Nililigawan ka na ni Leo?" Tanong ni Kate sa akin.
"Oo." Sagot ko at kaagad na inalog ng dalawa ang magkabilang braso ko na para bang kinikilig.
"Sabi ko sa'yo e. May gusto sa'yo si Leo!" Nginitian ko na lamang ang dalawa at saka pinanood sila Leo sa pagpa-practice.
"Fuck this bullshit!" Rinig kong sigaw ni Leo at saka niya hinagis ang kanyang skateboard.
"Ang hirap no? Ako rin di ko pa rin makuha iyan." Puna ni Travis na ngayon ay ginagawa rin iyong flip na hindi magawa ni Leo.
Gusto ko siyang lapitan para pakalmahin siya iyon nga lang ay natatakot akong baka sa akin mapunta ang pagkainis niya. Kaya naman hinayaan ko na lang siya. Nakita kong sinubukan niyang muli iyong flip na pinapraktis nila pero di pa rin niya iyon magawa. Nakita kong umupo muna siya sa pavement at saka isinandal ang skateboard niya sa puno. Makaraan ay may kinuha siyang lighter at sigarilyo sa bulsa ng kanyang cargo pants.
Tumayo ako at lumakad papunta sa pwesto niya. Gusto kong matawa dahil kitang-kita ko ang salubong niyang kilay. Kulang na lamang ay umusok ang ilong niya sa sobrang pagkainis. When I reached his direction, his gaze softened and a wide smile flitted across his face. His heavy look replaced by a lighter one. "Nadia." Tawag niya sa akin.
Nagulat ako nang ihagis niya sa sahig ang bagong sindi niyang sigarilyo. Pagkaraan ay tinapakan niya iyon. "Sayang ito." Puna ko at saka pinulot iyong sigarilyong nasa sahig.
"You hate cigarette smoke." Sagot niya na siyang ikinangiti ko dahil natandaan pala niya ang sinabi ko kahapon.
"Tubig oh." Alok ko sa kanya at saka ko inabot sa kanya ang yellow tumbler ko. Kinuha niya iyon at saka uminom.
"Kanina na lang tinotoyo ka Leo ah!" Pang-aalaska sa kanya ni Travis. Minura lamang siya ng barumbadong si Leo.
"Magpunas ka ng pawis." At saka ko binigay sa kanya ang panyo ko. Tiningnan lamang niya iyon at hindi man lang kinuha mula sa kamay ko. Kaya naman kaagad akong nakaramdam ng kaba. Galit ba siya? Sabi na e. Dapat hindi na lang ako lumapit. Sa akin lang mapupunta ang pagkainis niya.
"Sorry." Paghingi ko ng pasensya kasabay ng aking pagtayo.
Ngunit hinila niya ako pabalik. "Punasan mo ako." He said softly. Kaagad na nawala ang kaba ko dahil sa sinabi niya.
Umupo akong muli at saka ko pinunasan ang mukha niya gamit ang aking panyo. "Tinakot mo ako. Akala ko nagagalit ka na sa akin." Pag-amin ko sa kanya.
He just messed my hair then smiled sweetly at me."I'll never get mad at you. Kahit pa babuyin mo ulit ang skateboard ko." Natawa ako sa kanyang sinabi. Hanggang ngayon kasi ay gamit pa rin niya ang skateboard na pininturahan ko noon. Nandoon pa rin iyong mga iginuhit ko sa skateboard niya.
"Bakit di mo takpan ng sticker o kaya pinturahan? Ang pangit tingnan oh." Kinuha ko iyong skateboard at hinawakan ang deck noon.
"I got a kiss from you because of that ugly drawing. Bakit ko aalisin?" Inirapan ko siya dahil sa panlalait niya sa drawing ko.
"I hate you!" He just chuckled.
"You like me, Nadia." Pagtatama niya sa sinabi ko na siyang nagpapula sa aking pisngi.
Sasagot pa sana ako sa nang biglang nag-ring ang aking phone. "I'll just answer this." Imporma ko sa kanya at tinanguan naman niya ako.
Lumakad ako at pumuwesto medyo malayo kay Leo. Makaraan ay sinagot ko ang tawag. "Hello?"
My mom's voice echoed in the line. "Nadia, anong oras ang uwi mo?"
"Five pm pa Mommy. Bakit po?" Tanong ko.
"Your Tita Elena wants to see you." Tugon ni Mommy. Mukhang alam ko na kung saan tutungo ang usapang ito.
"Mommy, I won't go home if you'll still force me to marry that boy." I said in a low but irritated voice.
"Nadia, we talked about this right? You agreed with this. Sabi mo ay susubukan mo." She said firmly.
"Yeah." I drawled. Noong wala pa kasing namamagitan sa amin ni Leo ay sinabi ko kay Mommy na susubukan kong makipag-date sa lalaking iyon. That maybe I'll get along with my fiance.
"But it's just that.." I added. Because now, I know to myself that it's Leo. Siya ang gusto ko. Siya lang.
"Okay I'll meet Tita Elena later." Pinal kong sabi. Para na rin malinawan si Mommy at si Tita Elena na hindi ako papayag sa arranged marriage na gusto nilang mangyari.
"Thank you, anak. You make me so happy, Nadia!" Na-guilty tuloy ako sa sinabi ni Mommy.
"I'll hang up now, Mom." Pagpapaalam ko. Then I ended the call.
Pagkatapos ng tawag ay bumalik akong muli kay Leo. Umupo ako sa tabi niya. "Are you okay?" Tanong niya sa akin.
"Yeah, it's Mom who called." Sagot ko.
"I want to meet her." I immediately shook my head upon hearing what he said. For sure hindi sya magugustuhan ni Mommy dahil ang anak ni Tita Elena ang gusto niya para sa akin.
I saw his forehead creased because of my reaction. "I mean, maybe some other time." Paglilinaw ko sa kanya. I'll introduce him to Mom and Dad after I talk with Tita Elena.
"Okay, if that's what you want." He said then he gave me a small smile.
BINABASA MO ANG
Pulang Panyo
RomanceWARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh my..." She gasped, lost for words, teary-eyed. "Marry me again, Nadia. Willingly this time, love." S...