CNWM: 23

12.6K 264 77
                                    


Trigger Warning: Death



Faye quickly turned around after she heard Athena calling her.



Athena noticed that she was wiping tears when she turned around while hiding her classmate's phone in the pocket of her uniform.



"Faye? Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ka pa raw pumasok sa last subject niyo? Totoo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Athena na alalang-alala sa kapatid niya.



"W-Wala kasi akong gana para pumasok kanina. Saka gusto ko mapag-isa kaya pumunta ko rito. Pasensya na, Ate," tugon naman nito. Halata sa mukha nito na kagagaling pa lang sa pag-iyak.



"Ayos lang 'yon, huwag mo na lang uulitin. Saka 'di ba sabi ko kapag may problema ka huwag ka mahihiya magsabi sa akin? O kaya naman sa mga kaibigan mo, 'di ba, Tracy?" Athena advised, Faye's classmate was even surprised after Athena called her.



"Correct ka r'yan, Ate! Magsabi ka lang kapag may problema ka, makikinig naman kami sa 'yo e. Para ka namang others, Faye!" pagsang-ayon ni Tracy. "Nga pala, na sa 'yo phone ko 'di ba? Puwede ko na kunin? May i-c-check lang ako."



Kinuha naman ulit ni Faye ang phone sa bulsa ng uniform niya. "Salamat sa pagpapahiram, Tracy, ah?" ngumiti naman at tumango si Tracy bilang pagsagot. Mabilis naman itong nagtitipa sa phone niya.



"Alam mo, bilhan na lang kita ng sarili mong phone para hindi ka na manghiram," singit ni Athena.



"Hndi na, Ate. Hindi ko rin naman masyadong kailangan, gagastos ka pa," tanggi ni Faye na kinuha na ang bag niya't iyong paper bag ng hardware na nakapatong sa upuan na gawa sa kahoy.



"Hays. Huwag ka na tumanggi, minsan lang naman 'to!" Athena continued to persuade.



"Ano palang ginagawa mo rito, Ate? 'Di ba mamaya ka pa pupunta?" pag-iiba ni Faye sa usapan.



"Nag-alala lang ako sa 'yo. Akala ko ay kung napano ka na. Mabuti na lang ay nasa maayos kang kalagayan. Pero sobra mo akong pinag-alala no'ng 'di ka namin mahanap, Faye."



"OMG! Totoo kaya 'to?! 'Yong terror nating professor, patay na?!" gilalas ni Tracy na napalingon sa kaniya ang magkapatid.



"S-Si Sir V-Vargas?" Faye stuttered while asking.



"Oo! Mabuti nga 'yon sa kaniya! Bilis ng karma 'no? Matapos ka niyang i-rape, tama lang 'yon na nangyari sa kaniy—"



Tracy couldn't finish what she was going to say. She covered her mouth while looking at Athena in shock after Tracy realized that she was listening.



"Anong ibig mong sabihin?" tanong dito ni Athena na nakakunot ang noo.



"A-Ah, Si F-Faye na lang po magpaliwanag sa inyo," Tracy replied nervously, "Sorry Faye, nadulas ako at hindi ko naman sinasadyang mabanggit ang nangyari sa 'yo."



Tracy thought that Athena still didn't know what Faye had been through, so she just reacted like that.



"Alam ko na ang nangyari kay Faye. 'Yong professor ba na sinasabi mong namatay ang gumahasa sa kapatid ko?"



Hindi makasagot si Tracy kaya tumingin muna ito kay Faye. While, Faye nodded to her, so Tracy dared to speak. "Opo, Ate Athena. Siya nga po."



"Nalaman mo ba kung anong nangyari sa kaniya?" si Faye naman ang nagtanong sa pagkakataong ito.



"Nabasa ko sa post na nagkabanggaan daw 'yong kotse na minamaneho ni Sir Vargas at 'yong isang truck," salaysay ni Tracy.



Countless Nights with the Mayor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon