-Eight-

2 0 0
                                    

"Gusto mo tulungan ka na namin magbukas ng mga gifts mo? Baka malate na tayo sa last mass."


"Ayy naku Sofia, sana kanina mo pa yan sinuggest, hindi yung kain ka ng kain d'yan."


Nandito na kami ngayon sa kwarto ko, nagbubukas ng regalo. Yung ibang bisita umuwi na, yung iba naman kausap pa sina mama at papa sa baba. 9 o'clock ang last mass ngayon at magsisimba kaming lima: Allison, Eli, Sofia, Clarence at ako. Buti nalang dumating yung dal'wa, kundi hindi talaga ako magpapakanta at hindi ko hihipan yung candle sa cake. Arte lang!


Inamin ko na rin sa kanila na searching pa rin ako dun sa lalaki. At as usual, si Sofia nainis, bakit daw kasi hindi ko siya hinayaang kunin yung pangalan nung lalaki nung gig, e di sana kahit papano raw natulungan niya ako. Na para kahit papano nasearch ko sa fb at nakitang may girlfriend na para hindi na ako naasa. Wala talagang kwentang kaibigan 'to, saktan daw ba ang damdamin ko.


Nainis din siya sakin kasi bakit daw hindi ko kagad sinabi sa kanila, hindi ko raw ba sila kaibigan? Hindi ko raw ba sila pinagkakatiwalaan? At hindi raw ba nila ako maiintindihan? Sabi nila sakin, tutulungan daw nila akong makalimot. Ano pa't naging kaibigan ko sila kung hindi nila ako tutulungan.



"Oh, tapos na. Grabe ang dami! Iba talaga kapag may kaya ang mga bisita e. Echapwera na ata ang gift namin."


"So kelangan taun-taon mong sinasabi yung linya na yan?" Parang every year ata kasi naririnig ko kay Sofia yung linyang yan.


"Lexi, akin nalang 'to." Kinuha ni Eli yung regalong relos, bading lang Eli?


"Pang babae yan."


"Alam ko, ibibigay ko kay Alli." Sabay tawa ng mokong at tinawanan lang din siya ni Alli.


"Ayy nakakahiya! Buti pa ang Clarence ko hindi hingi sa ate niya ang binibigay sakin." Sabay bulong naman ni Clarence na ang sadya talaga ay marinig namin, "Akala mo lang yun." At tumawa na kaming lima.


"Grabe kayo, joke lang e. Syempre oras ko at hindi oras ng iba ang ibibigay ko kay Alli." Sabay akbay ni Eli sa kanya. Ano ba naman tong kapatid ko, hindi na nahiya samin.


"Relo ang pinag-uusapan dito. Palusot ka pa dyan."




Bumaba na kami, medyo may mga bisita pa kaya hindi kagad kami nakaalis. May mga pahabol pa kasing regalo at bati. Nagpaalam na kami sa kanila at sumakay na ng sasakyan. Si Clarence na ang nagdrive at kaming tatlong babae sa likod umupo.


"Thank you sa regalo guys ha! Don't worry, ipaprioritize ko yung mga yun kahit hindi ganun kagandahan."


"Alli, parang gusto mo bang bawiin yung regalo mong shoes? Kasi ako parang gusto kong bawiin yung regalo kong bag e." Sabay tawa nilang dalawa. Hays! Kahit sila lang naman ang kasama ko masaya na ako e. Pero ngayon bakit feeling ko may kulang na? Bakit feeling ko kailangan ko na ng boyfriend para maging buong muli? Bakit parang gusto ko na itry magkaboyfriend?



Dumating kami sa simbahan ng sakto lang, entrance pa lang nila Father, pero syempre wala na masyadong bakanteng upuan. Si Eli at Allison nakahanap ng dalawang bakante kaya naman hinayaan na namin sila.


"Ayun dun tayo may bakante pa." Suggest ni Clarence.


"Tumayo nalang tayo, nakakahiya maglakad." Pa'no ba naman ang bakante nalang ay yung mga upuan sa harap. Napapansin ko 'to lagi sa simbahan, karamihan sa likod naupo, hindi naman ito classroom kung saan tatanungin ka ng teacher, para matakot umupo sa harapan. Parang classroom lang kasi may nagtuturo satin, nagpapabukas ng ating isipan. LOL!


"Tara na Lexi, bahala ka dyan." Ay at talagang iiwan nila ako'ng mag-isa. Hoy birthday ko kaya! Tch. No choice, naglakad kami sa unahan. Buti nalang matagal ang entrance kasi medyo mahaba yung aisle kaya nakatayo pa rin kami pag dating dun, may space pa sa tabi ko, sana pala dito nalang si Allison tapos si Clarence nalang kasama ni Eli dun.


"Susunod ka rin pala e."


"Malamang, ayokong mag-isa dun."


Nagsimula na ang mass kaya nanahimik na kami. May part sakin na hindi pa rin 'siya' maalis sa isip ko, kasi dito yung pangatlong beses na nakita ko siya e. Hoping pa rin ako na baka lang naman, baka sakaling isa siya sa mga nagsisimba ngayon, kahit may dalawang mass na nauna na.


Nakinig, nagpasalamat, nahdasal, umawit at nagbigay papuri, salamat at nawala siya sa isip ko kahit papano, ang ganda kasi ng homily ni Father e.


Nung aawitin na yung 'Our Father' nagulat ako nang may biglang tumabi sakin at hinawakan yung kamay ko. Hindi na ako tumingin kasi nakapikit ako habang inaawit yung Our Father at inisip ko baka yung nasa kabilang dulo ng katapat naming upuan ang humawak nito para maging konektado. Nakakahiya naman kung tanggalin ko yung kamay ko sa pagkahawak niya, at mas nakakahiya kung isipin kong holdap na pala. Simbahan to e.


"... Deliver us from evil, amen."


Binitawan na nung katabi ko yung kamay ko at idinilat ko na ang mga mata ko. Tumingin ako sa kanya para ngumiti, pero imbes na matuwa ako e nagulat ako sa kung sino yung katabi ko! :O


Bakit? Ito ba ang sagot sa dasal ko?

WonderstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon