Tita Joyce
Tuesday 8:13 PMMagandang gabi, Ianna.
Kamusta ka naman diyan sa bagong nilipatan mo? Saan nga pala iyan?
Maayos naman ba ang kuryente at ilaw?
Hindi ba riyan delikado?Good evening din po, Tita.
Maayos naman po, nag-aayos pa lang po ako ng gamit. Maayos din naman po yung kuryente at tubig dito sa Limasawa, malakas din po yung tulo ng gripo rito.
Hindi rin po delikado, may guard naman po sa labas kaya safe naman po.
Salamat po talaga, Tita. Pwede ko naman po pagtrabahuhan yong pambayad ko po rito sa bahay.Ano ka ba, maliit na bagay lang yan. Pamalit na lang yan doon sa nanay mong walang kwenta na hindi nagsusuporta sayo. Para saan pa at niluwal ka sa mundo kung hindi ka naman susuportahan sa gusto mo.
Hahahahaha, hayaan mo na po yon, tita.
Haynako, mabuti na lang at umalis ka roon.
Nakahanap ka na rin ba ng trabaho mo? Maayos ba suweldo?Opo, malapit lang din po rito yung Laundry shop na pinapasukan ko. 600 po kapag whole day, tapos 300 po kapag half lang.
Ayos na ba yan sa iyo? Pupwede ka naman humingi ng allowance sa amin ng Tito Robert mo.
Hindi na po kailangan, sapat na po yung bayad niyo sa tuition ko. Malaking tulong na po yon sa akin. Ako na lang po bahala sa mga gastusin ko.
Kung saan ka komportable, iha.
Wag mong kakalimutan na pwede ka lumapit sa amin ha, pati na rin ang kapatid mo. Hindi katulad ng nanay mo.Hahahaha opo
Sige na at matutulog na kami, mag iingat ka lagi, Ianna.
Kayo rin po, tita.
[TWITTER]
ila 🔒 @iannalogs
kung may tao man na gusto kong pasalamatan habang buhay, yun ay si tita joyce.ila 🔒 @iannalogs
at kung may tao man na isusumpa ko habang buhay, yun ay ang kapitbahay ko.shaun 🔒 @ishaundipa
kumati bigla tenga ko amputa, @bassistbfniemma tama na kakaisip sakin
|trav 🔒 @bassistbfniemma replied:
ulul, sino namang mag iisip sayo ⁉️🤨
BINABASA MO ANG
Limasawa Street
RomanceA place where time was standing on bare feet, where nobody could tell Ianna and Shaun who they should be. Limasawa Street Tulips Scars Series An epistolary by rashiane Copyrights December 2022