Mia's POV
Mabilis akong tumakbo papuntang kwarto ko pagdating ko mismo sa bahay. Gabi naman na kaya hindi na napansin nila Mama na dumating nako.
Humiga ako at tinakpan ng unan ang muka ko para di marinig sa labas ang iyak ko. Napakagaga ko talaga. Bakit ba kasi pumayag ako na sumama don sa party ni Veronica? Katangahan mo nga naman talaga Mia -_-
Hindi ko kaya. As in hindi ko maimagine. Na si Geof. Yung bestfriend ko. Yung mahal ko. May mahal nang iba. Putspaaaa! Gusto kong magsisisigaw sa inis, sa sakit, sa katangahan ko. Sa lahat.
Wala naman akong dapat sisihin. Kasi hindi naman ako pinaasa ni Geof eh, ako yung umasa. Oo, umasa ako balang araw na mahuhulog din siya sakin. Nahulog ako sa kanya, nahulog rin naman siya. Sa iba.
Parang sasabog ako sa mga pangyayari kanina. Masakit. Sobrang sakit. Napakasakit.
Kinabukasan...
Pupunta ako sa botica dun sa kanto dahil nautusan ako ni Papa na bumili ng tootbrush. Luh? Nauubusan na kmi ng toothbrush? Hahahaha dfq.
"Ming!"
Eto na. Ihanda mo na yung feelings mo Mia T___T
I faced him with a smile. Syempre hindi niya dapat malaman na umiyak ako dahil sa kanya kagabi no.
"Uiii. Bihis na bihis tayo ngayon ah? San punta natin? Ay oo nga pala, pasensya kna kagabe ha. Bigla kasing sumama pakiramdam ko eh. Sya nga pala, congrats. Yiiiieee! Binata na siya."
Ampupu. Best actress. Whoo.
"Okay lang. Saka thankyou. Ay teka nga lang? Bat namamaga yung mata mo? Umiyak ka kagabi no?"
"Ahhh.. etooo.. Eh sobrang sakit nga kasi ng ulo ko, parang mabibiyak na ata to kagabe eh. Kaya yun, umiyak ako. Oh san pala punta mo?"
"Ah susunduin ko si Nica. May date kasi kami ngayon. First date."
"Ah kaya pala ang bango bango mo. Hahaha."
"Di nga? Hahaha tara sabay kna."
"Ah wag na, dyan lang ako sa kanto oh. Sge na. Take your time."
"Sigurado ka ha? Ok sge mauna nako Ming. Bye." *tsup*
At kiniss niya ko sa noo.
Buset naman oh. Sinasaktan ko lalo puso ko eh. Nakanang -_-
--
Thankyou guyssss. Sml to all readers of DNHB :*
Stay tuned :)
BINABASA MO ANG
Di Hamak Na Bestfriend
Teen FictionMia is nothing but completely ordinary and her bestfriend Geof is a hot jock and famous personality in their school. People said they shouldnt hang-out because their life is in different aspect. But Geof just doesn't care. Until Mia grew feelings fo...