SLS-One shot.

41 2 0
                                    

=Yamasona=

♥          ♥          ♥          ♥           ♥          ♥          ♥          ♥          ♥          ♥           ♥          ♥           ♥          ♥    

Hindi naman ganun kahirap maging simple,Diba?. Yung walang taong nengengelam sayo, sa ginawa at iniisip mo. Mas masaya pa ata yung walang kaibigan kesa naman yung marami ngang nakakakilala sayo pero wala namang ginawa kundi husgahan ka. Kaya naman isa lang ang taong kilala ko, Ang best friend ko. Yung best friend ko since grade school.

" Lara! Ang panget Mo!" Iyan ang lagi niyang bungad sakin. Pano ba naman kasi, Kamuka ko daw si sadako. Sobrang puti, dull at malaki ang eye bags. Mahaba ang itim na itim na buhok at walang ibang sinuot kundi kulay puting damit. Masisisi niya ba ako? Kasalanan ko bang idol ako ni sadako at pati Style ko ginaya niya?.

" Ewan ko sayo." Tinarayan ko nalang siya. Puyat na naman kasi ako. Like always, Di ko alam kung bakit ba ako di makatulog. Pagod lang siguro.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, College na ako pero same cloths from high school pa din ang pamporma ko. Kaya naman 'tong best friend ko ay kulang nalang ay isumpa ang kabinet ko.

" Lara, Kaya di ka nagkakaboy friend kasi yung pag-aayos mo ay kulang nalang ay mag-belo ka at kamuka mo na si lotospit." Bulyaw sakin ni Carlo. Bwiset! Bakit kasi lalaki ang best friend ko, Mas mapanglait pa sa babae ang lalaki no.

Ang dami kasing PATAY na iniidolo ang looks ko. Kaya ito tuloy ako! Naleleft out.

" Pano ako magkakaboy friend eh. Ikaw 'tong kulang nalang mag-lagay ng bakod sa paligid ko at ipangalandakan sa buong campus na best friend mo ko at bawal nila akong lapitan." Sagot ko, Totoo naman kasi possesive si carlo. He doesn't like any boys getting near me. Daig ko pa ang may boy friend.

" Puro naman kasi manyak ang nagkakagusto sayo, Masisisi mo ba ako?." Sagot niya, Sabay kaming naglalakad papasok ng school. Sa ayaw at sa gusto ko, Mag-hihintay at maghihitay 'tong lalaking 'to. Wala eh! Nakasanayan na. At as if naman na makatakas ako eh. Sa likod lang naman ng mansion nila ang bahay namin.

" Masisisi ko bang maganda ako?." Pakunwari pa siyang nasuka sa daan at pati yung aleng nakasabay niya ay napailag, Sira ulo talaga 'tong mokong na 'to.

Kung sisimulan ko kung kelan niya ako sinimulang laitin? Baka siguro halos kalahati na ng buhay ko ay maikukuwento ko na sa inyo. Every time na papasok kami, uuwi simula nung grade school kami ay mapanglait na siya. Pero wala na akong magagawa e. He's all I got.

Nang makarating kami sa University, Agad din akong lumayo sa kanya. I can't stand him sometimes, I can't bear to feel him around me and breathing down my neck. Nakakasakal minsan. Kaya nga akala ng mga magulang ko na boy friend ko siya kasi kung makapag-protekta siya akala niya pag-mamay ari niya ako.

" Lara!  San ka pupunta?." Sigaw niya.

" Tatalon ng balon!!" Sigaw ko sa kanya sabay agad na umalis papaunta sa first subject ko.

Di naman sa iniiwasan ko siya, Sadya lang talaga ako na ang kusang lumalayo sa tuwing nandito na kami sa loob ng university. Gusto ko kasing maging malaya mula sa matatalim at nagbabagang tingin sakin ng mga babaeng may gusto kay carlo.

Iba si carlo kesa sakin, Oo aaminin ko, Gwapo siya at mayaman. Habang ako naman ay isa lang babaeng kapitbahay niyang may kaya sa buhay.. Nakatungtong lang ako sa gantong iskuwelahan ng dahil rin sa magulang niya. Kaya naman kahit ayokong dumikit at maging P.A wanna be ni Carlo. Tinitiis ko nalang kasi Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sadako's love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon