Chapter 2

43 1 0
                                    

Chapter 2


"Alam mo Megan , hindi ko na kailangang magpapansin dahil nuon pa man nasa akin na ang spotlight. Ikaw diyan ang papansin dahil kailangan mo pang gumawa ng eksena para mapansin nila. Ciao! " nagmartsa siyang palabas sa canteen.


"Hahaha. Wow! ikaw ba yan? Idol na talaga kita Abby.Tagapagtanggol kana ngayon ng mga naaapi." she chuckled.


"No Im not. Naiirita lang ako kay Megan." I glared at her.


"Abegail Kaye Morales! " sino yun? napahinto kami sa paglalakad ni Janine at nilingon yung tumatawag saakin. At nakita ko yung lalaking nerd na tinulungan ko kanina. Hmm. Hindi pala, hindi ko siya tinulungan. Inaway ko lang si Megan. Tumatakbo papunta sa direksyon namin si Mr. Nerd. Napatigil ang ibang students at napatingin kay Mr.Nerd at sa akin. Napataas ang kilay ko. Nang makalapit siya lumuhod siya sa harapan ko. Nagbulung bulungan ang mga nakakita sa ginagawa niya. "What the hell are you doing ?" pinandilatan ko siya . Bakit naka luhod siya sa harapan ko? Nagkibit balikat nalang ako. This is the first time na may taong lumuhod sa harapan ko. Nakayuko lang siya.


"M-Ms.Aby, Ako nga po p-pala si Johan Alrei. Yung nerd na tinulungan niyo po kanina." sabi niya. Oo alam ko na siya yun. Hindi pa naman ako ulyanin para makalimutan agad yun. At correction lang, hindi kita tinulungan , naiinis lang ako kay Megan kaya inaway ko yun at hindi dahil sayo. Gusto ko sabihin sa kanya ito, pero parang pinipigilan ako ng bibig ko na magsalita . " Gusto ko po sanang magpasalamat sainyo ng marami, dahil hindi ko po ineexpect na tutulungan niyo ako. " dagdag pa niya. "Aww.. How sweet naman." pinat ako sa balikat ni Janine. Mapepektusan ko talaga sa tonsil itobg babaeng ito. "M-Ms.Aby, kahiya hiya man pero lalakasan ko na ang loob ko. Please help me. I want you to change me. A-ayoko nang maging ganito , yung laging binubully dahil sa nerd ako. Please." itinaas niya ang ulo niya at tumitig sa mga mata ko. Ang mga matang desidido sa gusto niyang mangyari. Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya . Ako? Saakin siya humihingi ng tulong? Anong tulong ang maibibigay ko sa kanya. Hindi ko alam sa sarili ko, namalayan ko nalang napatango nalang ako sa mga sinabi niya . Biglang nag form ang labi niya at ngumiti ng parang ngiting tagumpay. Nakita ko ang mga ngipin niya , ang ganda ng ngipin niya pantay pantay at maliliit pa. Lumabas din ang dalawang malalim niyang dimples. Duon ko lang napansin na may dimples pala siya. Parang pinasadya niya yun. Tinanggal niya ang salamin niya at pinunasan ito , mayroon pala siyang mahahaba na mga pilikmata . Isinuot niya din ito ulit at tumayo na .Bigla siyang yumuko at nagpasalamat saakin. May lahi ba itong Korean? "Naku maraming maraming salamat po . Wag po kayo mag alala, hindi po ako magiging burden saiyo . Makikinig po ako sa mga ituturo mo at tatandaan ko pong lahat ng iyon. " mabilis siyang tumakbo paalis at nagtatatalon sa tuwa. Oh my gee, hindi ko talaga alam ang pinasok ko. Hindi ko kailanman nakita ang sarili ko na magiging teacher niya, napaka short tempered ko pa naman. Pwede ko naman siguro bawiin yun, pero ayoko naman na masaktan siya dahil naka-OO na ako sa kanya . And I have one word. F*ck. I dont know what to do .


"I can't believe this bitchy, na pumayag ka. Well , goodluck nalang sayo. " Actually ako din. Ang bilis niya akong napapayag, para niya akong hininipnotize.


*Bzzzzt*


Nag vibrate yung phone ko. Kinuha ko ito sa aking bag. May nagtext sakin. Unknown number. I open it.


From: 09192345678


Hi Ms.Aby, Johan Alrei here. Nakuha ko po yung number niyo duon sa pinsan ko. Salamat po ulit.



Ms.Playgirl meet Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon