Dear Thunder,
Urg! I don't know what to say..
Naiinis kasi ako, sayo at kay Storm. Galit ako kay Storm kasi iniwan ka nya, pinagpalit sa mismong kapatid mo. Nakakainis sya kasi sya ung dahilan kung bakit ka naging ganyan. Pero mas naiinis ako sayo. Nakakainis ka kasi iniwan ka na nga pagkatapos pinili mo pang maging ganyan.
Hindi lang ikaw ang nag iisang tao na naranasang maiwan at masaktan. Kahit kaming mga readers/fans mo, minsan na rin kaming nasaktan, iwanan at higit sa lahat nagago. Masakit, oo sobra! But you know what, proud ako sabihin sayo na kahit sobra sobra ako, kaming nasaktan hindi kami naging kagaya mo. Umiyak kami, hindi dahil mahina kami. Umiyak kami kasi masakit, umiyak kami kasi matapang kami para ipakita yung totoo naming nararamdaman. Ikaw umiyak kaba? Diba hindi? Kasi mas pinili mong gumamit ng ibang tao/babae para pagtakpan yung sakit na nararamdaman mo.
Wag kang mahiya kung umiyak ka man. It only means that your capable of loving someone. Umiiyak ka at nasasaktan ka kasi totoo yung nararamdaman mo. Lagi mong tandaan na may rason lahat ng bagay. Pag may umalis, may darating na mas higit kaysa sa nauna. Umiyak ka man ngayon, bukas o kaya sa susunod na araw ikaw naman yung sasaya pagkatapos ung nang iwan sayo naman yung iiyak.
"There is always a rainbow after the rain." Kung hindi ka naniniwala, isipin mo na lang; Digital na ang karma nowadays. Kaya ikaw, don't use other girls mahalin mo na lang si Rain malay mo sya na pala yung Forever mo.
Hindi ako galit hah! Sinasabi ko lang lahat ng 'toh sayo kasi feeling ko, kailangang may mag pa intindi sayo tungkol dito para iwasan mo nang gawin. :)
xXOXOx

BINABASA MO ANG
My Love Letter for Thunder Dela Cruz (lead man of No Strings Attached)
AlteleThis is not a collaboration with vampiremims story, No Strings Attached. Resulta lamang po ito ng aking pagmamahal para kay Thunder :-)