Chapter 3

49 0 0
                                    

Chapter 3



"Honey hindi pa natatapos itong araw na ito, nakikipag break kana agad sa akin? Ano bang nagawa kong mali? " nakakainis naman itong lalaki na ito. Parang buntot , sunod ng sunod.

"Pwede ba tumigil kana kakasunod sa akin. Ayoko sayo. Ang pangit mo." sabay irap ko sa kanya. Mabilis akong naglalakad papalayo sa kanya. Iniwan ko siyang nakatulala. Siguro iniisip niya kung pangit ba talaga siya. Hahaha. Actually hindi naman siya pangit, super hot niya nga . Kaya lang nabad trip ako sa kanya dahil napaka daldal niya .

Gusto ko sana siya paabutin kahit hanggang one week man lang , pero dinaig pa ako sa kadaldalan. He's so annoying.


"Tss." he chuckled. Nilingon ko ang lalaking sumasabay sa akin sa paglalakad ko. Geez. Si Mr.Pretty Boy pala. Exciting. I cant help myself, pero ang lakas ng dating niya sa akin. Crush ko na siya .


"Para saan naman yang Tss. na yan?" tinaasan ko siya ng kilay. Patuloy parin ako sa paglalakad at patuloy lang din siya sa pag sunod sa akin.Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na kasi akong klase, at ayoko pa umuwi . Si Janine naman hindi pumasok ngayon, tamad yun mag-aral.


"Wala naman, nagpapapansin lang."

"Hindi muna kailangan mag papansin, dahil una palang kitang nakita nakuha muna ang atensyon ko." I bit my lip. Napaawang naman ang labi niya , hindi ko alam kung sa narinig niya o sa nakita niyang pagkagat ko sa labi ko. Sa sobrang ganda ko, siguro bakla nalang ang hindi mabighani sa akin. Hindi ko napansin at sa parking lot ako dinala ng mga paa ko. Isinandal niya ako sa kotse. Nakakulong ako sa pagitan ng mga bisig niya. Ang ganda namang tanawin ito, yung mga biceps niya. Inangat ko ang ulo ko at napatitig sa mga mata niya, mga titig na tila tumatagos sayo. Sanay na ako sa mga ganitong scene. At base on his gesture alam kong he wants to kiss me.


"Ano gusto mo ulit bang ientertain kita?" Nag cross arm ako at tinaasan ko siya ng kilay. Ewan ko ba , pero nahihiligan ko talaga ang pag taas ng kilay.


"Ssshh. Baby." he smirked. Itinaas niya ang index finger niya at inilagay niya sa labi ko. Kailan pa naging Baby ang endearment namin? At bakit may endearment na kami agad? But I love the way he said Baby on me. Ang sexy. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, halos one inch nalang ang pagitan. Naduduling ako sa kanya. Tinititigan ko siya, at siya naman ay nakapikit na parang inaamoy ang hininga ko. Ano ba ang huli kong kinain kanina?


" Ehemm. " O ehm. Kainis naman itong nag ehemm na ito. Napapikit ako at huminga ng malalim. Inayos ko ang sarili ko. At tiningnan ko kung sino ang panira ng moment, si Sir. Calbo. Oo nga pala yung parking lot, e nasa school ground lang at open area. Daanan ng mga tao. Si Gab , patay malisya lang parang walang kinalaman sa nangyari. Pa cool lang. Nakasandal sa kotse at nakapamulsa pa. Arrgghh. He just chuckled.


"Im so sorry Sir." Oh no , naniningkit na ang mata ni Sir.. sa galit. Patay !

" Ms. Morales, pang ilan mo na ito?"

"Uhhhhmm." Nag-isip ako at nagbilang sa mga daliri ko. Narinig ko namang tumatawa si Gab. Pakshet naman, kahit pag tawa niya ang sexy parin.


"MS. MORALESSSSSS, GO TO MY OFFICE NOW!! " Halos mawala na ang mata ni sir sa galit at pulang pula na ang mukha. Shit naman kasi, pang ilang beses na ba ako nahuling nag pi-PDA.

"Aye aye sir! " nag saludo ako kay sir.Nakita kong nagkuyom ang mga kamay niya . Galit na galit na talaga siya .Tumatawa parin si Gab. Siya ang may kasalanan nito. Bakit ako? Sinundan ko si Sir papunta sa office niya. Pero bakit ako lang? At hindi kasama si Gab. So Unfair.

Ms.Playgirl meet Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon