Eto na ang araw na pinakamalagim sa buong buhay ko... ANG KATUKIN ANG KWARTO NI KAMATAYAN. Joke. Kaharap ko na ang natatanging pinto ni Bebang. Hindi ako ready.
Vince:
Mahigit isang linggo na kaming lumipat sa bahay na binanggit ni Sir Ramil at may kunting distansya ito sa mansion nila. Masasabi kong... masaya na akong unggoy dahil may bahay na kami at libre na ang pag-aaral namin ni Virgie. Ang problema, si Bebang. Akala ko nga noon makikita niya kami habang lumilipat ng bahay malapit sa kanila pero buti na lang hindi pa.
Madalang daw lumabas ng kwarto si Bebang. Sabi ng kapatid ni Raven, may pinagkakaabalahan daw ang ate niya. Malamang pangextra-curricular activity nanaman 'yun.
(***Speaking of Raven, pinopormahan niya nanaman ang wapakels kong kapatid. Lagi-lagi niya kaming binibisita sa bahay at kadalasang may dala na Fruit Basket. Pero... sabi ko nga... WAPAKELS si Virgie. Gwapito naman si Raven at nasa kanya na lahat pero kung babasahin mo kasi ang ekspresyon ng mukha ni Virgie, Gaaah! Hindi siya interisado.)
Minsan ay natanong ko si Raven kung bakit ayaw niyang turuan ang ate niya mismo. Ang sagot niya,
"Hindi sa ayaw ko! Pwede bang wag mong sirain ang buong plano..."
SHOCKING di ba. So, plano lang lahat ito ni Raven para mapalapit siya kay Virgie? Grabe, hanga naman ako sa pagmamahal ng kumag na 'to.
"...pasalamat ka dahil nagkaroon na kayo ng instant bahay." Dagdag niya. Plinano niya ngang talaga! Ano ba, dapat ba akong masaya o galit?
Nagpasalamat na lang ako ngunit sa kabila ng lahat... ako naman ang nabibiktima. AYAW KONG MAGING TUTOR SA TOTOO LANG, LALO NA KAY BEBANG. MAGKAAWAY NGA KAMI!
Hmp! TAMA NA ANG DALDAL!!!
Heto na... kakatok na ako sa pinto ng kadiliman.
(*Tok tok tok!)
Walang sumagot.
Kakatok pa sana ako pero biglang bumukas ang pinto. Hindi naka-lock. Eeeeeeek!
Nakita ko na siya. Nakaupo at kaharap ang laptop. Ang gulo ng kwarto niya. Andaming mga papel sa sahig at... NGARAG ang bruha.
"Ehem!" Hindi pa rin siya lumingon. Busy pa rin si Bebang.
"MARCELINE!" sigaw ko. Sa wakas nakuha ko rin atensyon niya.
"WATDAPAK?!!! BAKIT NANDITO KANG UNGGOY KAAAA?! ANONG GINAGAWA MO DITO?"
"Di mo ba alam. Ako ang tutor mo?" Nandiri ako at napalunok.
Hindi siya agad umimik. Napahinto siya sa kaka-type at biglang tumayo.
Ilang saglit ay...
"PWAHAHAHAHAHA! Tignan mo nga naman o! Kung minamalas yung tao, may mas minamalas pa palang unggoy! HAHAHAHAHA!" Lang ya tong Bebang na 'to. Sinali pa ako sa kamalasan niya.
"Ikaw? Magiging tutor ko? Niloloko mo ba ako?! HAHAHAHA! Pusa! E di meow! HAHAHAHA!" Sige, tumawa ka pa. Hindi kita matiis jan, baka patayin na kita.
Lumapit ang ngarag na halimaw at tinapik-tapik ang balikat ko. Yabang. "Alam mo... ano kaya kung malaman ng mga kaklase natin to?"
"UTANG NA LOOB, WAG! Uupakan kita!" Panakot ko habang intension na ipalo sa kanya 'yung makakapal na libro na hawak ko.
"HAHA! AKO? Tinatakot mo? Sige. Raven pakitawag nga si daddy! Pakisabi tinatanggal ko na si-"
"WAG! Oo na! SORI!" dagli ko.
"Yan ang gusto kong marinig sa'yo! Lang ya tong unggoy na 'to. Akala mo kung sinong aangas-angas tapos dito din pala ang bagsak! Pwahaha! Subukan mo pa akong laitin sa iskul at ibro-broadcast kong tinu-tutor mo ako."
"Si Marceline naman di mabiro. Hehe." Pameke ko. Kakasuka. Nambla-black mail pa!
"Aba! Hindi ka lang unggoy...pasipsip pa! Tinatawag niya na ako sa tamang pangalan ko. Pero kahit anong gawin mo... hindi ako papaloko. Sipain kita jan e."
Psh. Ayan. Nagkandaletse letse na buhay ko. Hindi na ako pumatol sa bruha. Baka i-flying kick niya pa ako.
FROM NOW ON...
I am officially a private tutor of bebang! WAAAH! Ansakit sa tenga! Ano ba 'tong pinasok ko. Mas masahol pa sa stress and strain na pinag-aaralan namin. Nakakasakal sa leeg!
***
BINABASA MO ANG
EASY LUNGS, Oh! Puso The Lovestory of Engr. Four Eye and Engr. Goldworm
RomanceMay mga peg na ANPREDIKTABOL May mga istoryang ANBELIBABOL Eto yun. Sabi nga ni Lola Basyang… ehe!… si Lola Basyang ba yun o si Lola Aswang… a a a… basta. Sabi ni Lolabels, GREAT STORIES COMES FROM EVERY PEOPLE’S LIFE.---- tama ba? Ou tama kamo. V...