Chapter 5
"... pero hindi niya po ako napapansin. Baka hindi nga niya alam na nag eexist ang tulad ko. Matagal ko na siyang gusto, pero alam kong hindi niya ako magugustuhan dahil sa ganito ako." Dugtong pa niya. Sino kaya yung babaeng yun at may isang lalaki na katulad niya ang gusto mag bago para sa kanya. Para mapansin siya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, napapagbago ang isang tao. Ibigsabihin yan na ang ibigsabihin ng Love ngayon? Base on appearance nalang? This is one of my reason so that I dont believe that thing called Love. Hindi sa bitter ako pero yun ang nakikita ko. Puro sakit lang naman ang nararanasan ng isang tao. Rejection. Hindi ka magugustuhan kung hindi ka maganda o gwapo. Pang display lang? , Not contented. Pag sawa na sayo iiwan ka nalang, pag nakuha na nila ang gusto nila sayo. Manloloko. Magaling mag paasa , mapalalaki man o mapababae, magaling lang sa mga mabulaklak na salita , pero hindi kayang panindigan hanggang sa huli. Iiwan at iiwan ka din nila. Kaya hindi ako naniniwala sa love na yan. Kaya ayokong ma-inlove , dahil alam ko ang magiging ending niyan sakit sa puso lang. Bakit kailangan mo pa subukan ang isang bagay na kung alam mo naman sa sarili mo na masasaktan ka din sa huli.
"Appearance na pala ang batayan ngayon. Sa totoo lang hindi love ang tawag dyan, physical attraction lang. Hindi mo kailangan magbago para sa kanya. Kung magbago ka man at magustuhan ka niya, tingin mo dahil sa love ka niya? Hindi dude." I pat his shoulder. Sana maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kanya.
"... magbago ka para sa sarili mo, hindi para sa ibang tao. Akala ko pa naman ang talino mo, ang tanga mo pala." I sighed. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung mga sinabi ko, kinikilabutan nga ako dahil lumabas ito sa bibig ko. Ang galing ko mag advice, pwede nang madam bertud .
" S-sorry po."
"The heck! Wag ka nga mag sorry kung wala ka namang ginawang kasalanan. Kaya ka binubully e. "
"G-ganon po ba."
"Bukas dahil half day naman , Ill txt you kung saan tayo magkikita. Tutulungan kita, dahil naka OO ako sayo pero hindi ibigsabihin nun close na tayo." Nag nod lang siya. Agad naming tinapos yung mga chinechekan na test paper at umalis ng faculty.
---
"A-ano po una nating gagawin?" I glared at him. Nandito kami sa mall, at kailangan ko muna siya turuan ng tamang pananamit. Itinuro ko sa kanya ang isang store duon ng mga damit. Alam kong alam niya na ang ibig kong sabihin kaya hinatak ko siya sa loob. Kumuha ako ng mga damit at ipinasukat ko lahat sa kanya yun, tinuruan ko siya ng tamang porma niya. At kada lalabas siya sa fitting room napapanganga ako sa kanya, shit! Damit palang ang nababago sa kanya, napapanganga na ako. Isang salita lang ang mag dedescribe sa kanya H-O-T. HOT. After sa mga damitan , pumunta kami sa mga sapatos at pumunta din kami sa Eye Optical , para hindi na siya mag salamin pinalitan namin yun ng contact lense. At ang huli naming destinasyon sa salon.
"Hello Ms.Aby, ngayon ka nalang ulit nakabalik dito."
"Oo nga e, uhmm. By the way gusto kong ayusan mo itong kasama ko. Kailangan niya ng make over." Itinuro ko sa kanya si Johann Alrei.
"Ahh. Yun lang po pala, madali lang po yan." sabay kindat saakin. Hinila niya si Johann Alrei at inupo sa harapan ng salamin. Gusto ko matawa sa reaksyon ng mukha ni Johann Alrei, parang natatakot siya. Ibinaling ko nalang ulit ang sarili ko sa pagbabasa at pag titingin tingin sa mga magazine duon.
" Ehemm." Napaangat ang ulo ko at nagulat ako sa nakita ko.