Chapter One

405 5 2
                                    

 

NAKASIMANGOT si Bee habang nakapila sa labas ng Samsung Hall sa SM Aura habang hinihintay ang pagsisimula ng concert ng bandang Rai's.

"Ano bang sinisima-simangot mo diyan, Bee?" tanong ni Jolly, ang best friend niya at isa ring Rai's Girl—iyon ang tawag sa fangirls ng Rai's. "Hindi ba't ikaw ang number one fan ng Rai's? You should be happy and proud sa second major concert nila na 'to."

Totoo ang sinabi ni Jolly. Nasa college pa lang siya ay sinusubaybayan na niya ang Rai's—ang banda na binubuo ng magkakapatid na sina Rykard, Rydell, at Ryford McDonough. Hindi nagkakalayo ang edad ng tatlo. Rykard was twenty-four, Rydell was twenty-three, and Ryford was twenty-two. The three were also known as the "McDonough brothers."

Si Ryford ang kasing-edad niya at naging kaklase pa niya noong high school. Hindi pa sikat noon ang Rai's ay sinusubaybayan na niya ang banda hanggang sa naging magkaibigan na sila ni Ryford. Iyon ang dahilan kung bakit si Ryford ang "bias" niya sa banda at kung bakit isa siyang Ryford's Girl. Idagdag pa na siya ang presidente ng Ryford's Girls Philippines—ang tawag sa fandom ni Ryford sa Pilipinas. Umabot na rin kasi sa ilang estado ng Amerika ang kasikatan ng Rai's bilang half Irish ang magkakapatid at tumutugtog sa Florida at Ireland tuwing may pagkakataon.

Nagtatrabaho si Bee bilang writer sa Baby Pink Magazine, ang magazine na nagfi-feature sa mga "boy-next-door" na hinahangaan ng mga teenager. Ang mga fini-feature nilang lalaki sa magazine ay pulos wholesome ang image para maging inspirasyon at modelo ng kabataan.

Dahil sa trabaho ay lalo siyang napalapit sa Rai's. Maganda ang imahen ng Rai's sa kabataan dahil kahit pop-rock band, may iba pang trabaho at pinagkakaabalahan ang magkakapatid. Rykard was a chef. Rydell was a college professor. And Ryford was into charity works. Iyon ang dahilan kung bakit minsan nang na-feature ng Baby Pink ang McDonough brothers.

Ang article tungkol kina Rykard, Rydell, at Ryford ang naging big break niya sa Baby Pink, at iyon din ang dahilan kung bakit kahit fresh graduate lang siya noon ay naging regular writer agad siya ng magazine.

Naging emosyonal na si Bee. "Paano naman ako magiging happy? Hindi na sila ang Rai's na kilala ko."

Bumuga ng hangin si Jolly, saka siya tinapik sa likod. "Bee, hindi ka pa rin ba nakaka-get over sa nangyari? It's been half a year already."

Napasinghot siya. "Kahit half a millennium pa ang lumipas, hindi ako makaka-get over na tinanggal nila sa banda si Ryford ko para palitan lang ng kung sino."

Nagulantang ang buong Rai's Girls Fandom nang ianunsiyo ng banda ang pag-alis ni Ryford, anim na buwan na ang nakakalipas. Walang ibinigay na paliwanag sina Rykard at Rydell bukod sa nagbabakasyon umano si Ryford sa Florida. At bigla-bigla ay ipinakilala na lang sa publiko ang bagong front man ng banda. Parang bulang naglaho si Ryford—nawala rin ang binata sa social media.

Ginawa niya ang lahat para ma-contact at mahanap si Ryford, pero hindi siya nagtagumpay lalo't ayaw siyang tulungan nina Rykard at Rydell.

Pero ang pinakamasakit para sa kanya ay ang mabilis na pagmo-move on ng Rai's Girls. Mabilis nakalimutan ng karamihan ang pag-alis ni Ryford sa banda at mabilis at mainit pang tinanggap ng fans ang bagong miyembro ng Rai's. Pati ang mga bagong fans ng Rai's, hindi na kilala si Ryford.

Heto nga at kahit nawala si Ryford, ipinagpatuloy pa rin ng Rai's ang second major concert ng banda para i-promote ang bagong album.

Pakiramdam ni Bee, siya na lang ang hindi makatanggap sa pagkawala ni Ryford sa Rai's.

"Bee, listen to me," seryosong sabi ni Jolly, kaya napilitan siyang harapin ang kaibigan. "Writer ka ng Baby Pink. Binigyan ka ng free VIP ticket ng concert na ito hindi para ipagluksa ang pagkawala ni Ryford sa banda kundi para gawan ng review ang magiging performance ng "bagong" Rai's ngayong gabi. Ang sarap nga ng trabaho mo, best friend. Makakapanood ka na ng concert ng libre, babayaran ka pa. Kalimutan mo muna ang pagiging Ryford's Girl mo, okay?" Inabot nito sa kanya ang supot ng Jollibee na naglalaman ng burger at fries. "Here. Comfort food mo para naman ma-good mood ka."

Blow Me A Kiss, Baby (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon