Little bear?
Lumabas na si Ara kani-kanina lamang at naiwan ako sa kama na nag-iisip sa sinabi niya. Wala akong kaide-ideya kung ano iyon. Kung may sense ba o wala iyon dahil sa totoo lang ay wala akong matandaan na kahit anong konektado sa mga salitang sinabi niya. Dali-dali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili para sundan siya. Ang bilis niyang lumakad. Parang sanay na sanay sa bahay namin. Parang gamay na gamay na ang bawat sulok dito.
"Ara!" Tawag ko sa kaniya para magtigil siya. Nasa may hagdan pa lang naman siya. Hindi pa nakakababa sa may sala. "What is little bear? Ano ang ibig sabihin n'on?"
She shrugged saka nagpatuloy sa paglalakad. Hinabol ko siya at agad na naharang. Tumigil naman siyang nakanguso at tinatamad na tiningnan ako.
"Nauuhaw ako." She said. "Painumin mo muna ako, Kurt."
"Okay. Stay here."
Inalo ko siyang parang bata. Iniwan doon saka ako na mismo ang bumaba at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Nilakihan ko na rin ang baso just in case magreklamo siya ay hindi na ako nito papabalikin pa. Nang makabalik ako ay pati pag-inom niya ay pinanood ko. Nang matapos ito ay halatang-halata ang paghihintay ko sa magiging sagot niya. I am so curious right now.
"Little bear, what does that mean? Does it have anything to do with anything? With you? With me or even with us?"
"Baliw ka na, Kurt? Para kang hyped na hyped d'yan ah." She laughed. Ibinalik sa akin ang baso at saka tinapik ako sa aking balikat. "You'll fall for me even harder kapag naalala mo na. But right now, mukhang mas malabo pa iyon sa hugas-bigas."
"Ara, hindi ako nakikipaglaro." Reklamo ko sa kaniya. Kulang na lang ay lumupaypay sa sahig na parang bata. "Tell it to me, please."
"Yes, daddy?"
I am so damn curious on what the hell is she suddenly talking about, but I couldn't help but to laugh at her sudden cuteness. Sobrang gustong-gusto ko iyong malaman hindi lang dahil sa sinabi niyang sasagutin niya ako kapag nasabi ko ang ibig sabihin noon kung hindi mayroon din na kung ano sa sistema ko ang nagsasabing kailangan kong malaman iyon. Pero dahil napakakulit niya, nadidistract ako. Nawawala ako sa sarili ko.
"Ara naman, e. Sabihin mo na sa akin. Binitin mo na nga ako e papag-isipin mo pa ako?"
"You're cute." Imbes na sagutin niya ang itinatanong ko ay pinisil niya ang magkabila kong pisngi. "You are so damn cute, big bear."
"Ara, ano ba 'yang kakabear-bear mo na 'yan."
"Lumayas ang masasamang espiritu ng kalandian sa pamamahay na ito!" Sabay kaming napalingon sa sala ng sumigaw si Kianna. Doon din lamang napansin na kanina pa pala ito nakahiga lang sa sofa nang tumayo ito at tingnan kami ng tinatamad. "Sumainyo ang kaharutan! Tugon, everybody!"
"Shut up, Kianna." I hissed at her.
"At sumainyo rin!" Si Ara.
BINABASA MO ANG
Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)
Romance"My mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?" ©️ 2022