Roughly thirty minutes have passed. Panay usapan, sigawan, at tagay lang ang nakikita namin sa ngayon. Kaharap ko si Ara. She's drinking in front of me. Sa kaniya lahat ng tagay at kahit uhaw na uhaw na ako at gustong-gusto nang masayaran ng alak ang lalamunan ko ay hindi ko magawa. Ara is the one drinking while I am the one pouring it.
"Hindi ka pa tinatamaan?" I asked her. Napapailing habang muling sinasalinan ang shot glass niya. "Nakakakalahati ka na."
She shook her head. Tiningnan pa ako saka nilaklak ang alak. Sa totoo lang kung titingnan ay para lang siyang umiinom ng tubig. Walang ka-thrill thrill ang inumin niya ngayon base sa hitsura niya.
"Basic. Sa amin nga sa probinsya kainuman ko minsan mga kumpare ng Papa ko. Mga ninong ko nga rin minsan, e. Hard liquor. Pulang kabayo minsan hinahaluan pa ng emperador. Solid parang kinakalkal bituka mo the next day. Doon legit papaikutin mundo mo." She laughed. "Minsan umiinom kami nina Papa lang ng tuba kapag trip namin."
"Tuba? The coconut wine?"
"Oy alam mo 'yon? Wow province boy ka, Kurt?"
"Nah. Just heard about it."
Muli niya akong pinagsalin ng alak niya. Hindi naman niya agad iyon ininom. Tiningnan lang iyon saka tumingin na rin sa akin. Mga ilang segundo siyang nakatingin sa akin nang walang sinasabi hanggang sa hindi na ako makatiis na tanungin siya.
"Bakit? May masama ba sa nakikita mo?"
Ang pag-iling niya ang muli kong nakita kasunod ang pagtagay sa kakasalin ko lang na alak.
"Tama na nga. Enough with the drinking, Ara. I don't know how you behave when you are drunk."
"No. Mataas alcohol tolerance ko. Baka kalahati lang ng level mo." She hissed. "Tinatanong mo kung may mali ba sa mukha mo. Marami."
I almost had a sarcastic grin if she didn't continue what she's saying.
"One month ago, and these past few weeks, I am just watching you flirt with some girls here. Tangina, legit lang 'yong saya ko ngayon kasi di ba? Finally, ako na 'yong nilalandi mo. Ako na kasama mo magbar. Ako na inaaya mo ng sex. Ako na tinitingnan mo nang ganito. I'm happy, Kurt." She said. "Kaya lang tangina ka, dami kong dinanas para makaharap ka nang ganito. Tangina ka."
"Shush. Are you drunk right now? Bakit ang dami mong mura? You know girls don't seem too cool when they curse-"
"Bakit? Tangina, magbabago ba ako kung 'di ako magmumura? Ha? Fuck them."
"Ara, shush!" Natatawa ako.
I think she's a little bit drunk right now. Dumadalas ang pagmumura niya. Kahit hindi ko mahalata sa kilos niya, umaatake naman ang pananalita niya.
"Alam mo, Kurt. Ang pagmumura, parang tite lang ng lalaki 'yan." Awtomatikong napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at nanlaki ang mga mata. Napalingon pa sa paligid just in case someone hears us. Just in case someone hears Ara talking this way. Pero sa tingin ko naman ay wala. "It won't change a woman."
BINABASA MO ANG
Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)
Romance"My mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?" ©️ 2022