12: The Choice I'll Never Know

0 0 0
                                    

Lizette's Point of View

Naglagay na ng mga food ang maid sa lamesa at sabay-sabay din kaming kumain. I actually can't process that Basti's father is the Foster U's head. If he's the head, for sure kilala siya ni lolo. Akala ko ba gustong bumalik ni Sebastian sa school na 'yon? Bakit hindi siya humingi ng tulong sa tatay niya? 

"Ms. Flores, Kung afford niyo naman pala ang tuition sa Foster, bakit sa Anastasia ka nag-aaral?" tanong ng Dad niya. 

Huminto ako saglit sa pagkain at binaba ang kutsara at tinidor ko.

"Dad!" Basti stated. His sister looked at him and gave him a glare. Tumigil siya sa pagkain at tumayo na.

"We better go. Lizette must be tired. Happy Birthday to your mom, Penelope!" Basti said then pulled me right after. Sandali akong tumigil kaya napahinto rin siya. Ano bang problema niya? Hindi ko pa nga nasasagot ang tanong ng tatay niya, 'e.

"Bye po, tita, tito and ate Penelope. Nice meeting you po," I said calmly. I bowed and I let Basti finally took me out there. Nasalubong namin 'yung lalaki kanina at mukhang kanina pa siya nakikinig sa may pintuan. Isa pa 'to.

"What room?" Basti asked. That guy threw keys at Basti's hand as he continued to pull me away. His behaviour was bizarre. He always became sensitive when it comes to Foster University. Hindi ko na siya maintindihan.

"Everything's okay with me. You don't have to do that in front of your parents," I said and hissed.

He stopped walking and faced me. "Shut up!"

"Ang insensitive masyado," iritang bulong ko. His emotions changed. I was stunned when he pinned me on the wall in a blink, resting his arm on my side locking me inside.

"I just saved you from my Dad," he whispered. 

"Hindi naman kita sinabihan na gawin mo 'yon, a!" 

"At hindi rin naman kita sinabihan na pumunta rito pero nandito ka!" he exclaimed. He suddenly turned gloomy. Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tinuro ko ang pinto sa labas. "Umuwi ka na." 

"Ha?"

"Umuwi ka na. Gamitin mo na lang 'yung kotse ko," he added.

"I can't!"

"Ano na namang problema?" iritang tanong niya at binigyan ako ng sobrang talim na tingin.

"I don't know how to drive!" I replied irritatedly. May kinuha sa bulsa niya at inihagis niya ang susi sa akin.

"Magpahatid ka kay Isaac!" sagot niya pabalik saka ako binagsakan ng pinto. Napatingin ako sa susi at bumalik sa dinaanan namin. At sino naman si Isaac?

Nakita ko 'yung lalaki kanina na kausap ni Jerome na nakaupo sa sofa. He followed me by his stares while massaging his forehead. Ano bang problema nito? Kung makatingin parang kakainin ako.

"May kilala ka bang Isaac?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.

"Tss."

Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sagot niya. Kakambal ba 'to ni Jerome at pareho sila ng ugali? Napakasungit!

Love, D #4: If Love is MischiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon