Natalo ko pa ang ipinapako sa krus habang katabi ni Ara sa hapag kainan at ang pamilya niya ay nakapalibot sa amin. Nakaupo silang lahat sa harapan ng napakahabang mesa na mukhang ipinasadya pa para magkasya sila at magkasabay-sabay sa pagkain. Si Manong Lucio ay nakaupo sa may tabi ng Papa ni Ara. Mukha ngang magkumpare ang dalawa. Wala munang nagsasalita at tinitingnan lang ako.
"’Pa, 'Ma!" Si Ara ang hindi nakatiis. Tumayo siya at tumingin sa parents niya na nasa dulo naman. "Tigilan n'yo kakatingin sa boyfriend ko. Kausapin n'yo sa, okay? Hindi 'yan inglesero."
Tumikhim ang ilan. Mayamaya pa ay halos sabay-sabay namang nagsalita lalo na ang mga pinsan niya yata. Medyo may hawig kasi kay Ara at ang mismong kapatid naman niya ay kilala ko na. The pregnant one, si Aria ay katabi sa mesa ang mapapangasawa nitong si Jake yata ang pangalan. Ito ang pokus ng atensyon niya at palaging inaasikaso si Aria. No one's videotaping us. Not even the vlogger couple.
"Kurt Valenzeula. Okay, pasado sa apelyido. Pang mayaman at hindi mabantot. Maganda rin siguro ang lahi mo, ano? Matangkad ka tapos alagang-alaga ang katawan. Hindi ganoon kaputi pero maganda ang pagkakayumanggi mo. Mukhang sosyal ka rin. Mayaman ka, ano?" Ang isa sa dalawang lalaki.
"Yane, siguro babaero 'tong hayup na 'to. E kagandang lalaki ay malamang marami nang-"
"Tumigil ka, Sidsid. Sasampalin kita makita mo." Asik ni Ara sa nagsalita.
"Parang tanga 'to hindi na mabiro. Por que sabi ni Delai kanina d'on nakita niya raw na pumasok dito iyan ay napakalegat daw. Ay sows!"
"Kurt? What do you really do?" Nabaling ang tingin naman ng lahat nang magsalita si Ariosh. Iyong sinasabi ni Ara na magpipiloto. Seryoso itong nakatingin sa akin at kahit na pinagbabantaan na ng tingin ni Ara ay hindi nito mapigil. "Are you sure you can take care of Ate Ara? She's high maintenance and the most annoying person in this world."
I can see that.
"We are not kidding here. You are the first boyfriend she let in our house. We know she have past relationships but even with Gian, he has never been inside her room. So, I want to know what really your intention is for being here. What do you really want from Ate that you came here? That you committed to her? Are you willing to marry her?"
The tension is making me feel nervous as much as I do not want to. Kung kanina ay para akong ipinapako, ngayon ay para naman akong inaapuyan habang ipinapako. Mas matindi ang mga mata nila at ang level ng kanilang pagkilatis sa akin sa ngayon.
"Because if the goal is not to marry, you should stop wasting both of your time."
"I will marry her, but the problem is she doesn't want to." Seryoso kong sambit.
Sa pagkakataong ito ay kay Ara naman napukol ang tingin ng lahat ngunit ang tingin niya ay nasa akin. She doesn’t even know all the eyes are fixed on her trying to hear the answers. Ara's look is priceless. Her face looking at me is unexplainable. Hindi ko maintindihan kung naguguluhan lang ba siya o nabibigla at natutuwa. Hindi ko talaga maipaliwanag kung dapat ba akong matuwa sa reaksyon niya sa ngayon.
"Bunso, ni-reject mo si Kurt?" Ang Mama niya na nakakunot ang noo. "Paano? Baliw ka ba? Sabi ko nga pikutin mo na kagabi, e. Kung puwede sana magpabuntis ka na kasi twenty-six ka na. Ito namang mga ito, kahit pinigilan na e pumasok pa rin sa kwarto mo."
BINABASA MO ANG
Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)
Romance"My mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?" ©️ 2022