Nasa labas ako ng bahay nina Ara ngayon kaharap sa upuan ang Papa niya. Wala pang nag-iinuman dahil ayaw daw ni Ara. Mamayang mga alas sais na raw niya papag-inumin sila. Kakatapos lang namin kumain ng letson at ilan pa sa mga handa nila. Daig pa nga ang may piyestahan sa dami. Nakakatuwa lang na napakaraming ulam, kakanin at desserts. Hindi ko iyon ini-expect. Nainform ko na ang mga susundo sa amin sa tabing dagat. Doon na rin sa pinagbabaan namin and thankfully ay alam ni Ara mismo kung saan iyon matapos na ipaliwanag ni Manong Lucio. Tatlong speed boat lang ang pinapasundo ko. Ngayon rin ay hinihintay na lang namin si Ara na lumabas dala ang gamit niya. Nagpapaalam lang yata siya sa pamilya niya.
"Kurt, anak." Ang Papa ni Ara.
Pinatayo niya ako saka inakbayan. Iyong tipo na para bang may isusumbong sa akin. Hindi naman ako nahirapan o yumukod pa dahil matangkad ito. Dito nagmana si Ara dahil maliit lang naman ang Mama nila. Kinakabahan ako pero kaunti na lang. They are very welcoming, and no one can explain how I am feeling right now. Tinatawag nila akong anak at surreal ang feeling noon.
"Alam mo ba kung ano ang tawag ng mga tao rito kay Yane lalo na iyong mga tambay diyan?" Tanong nito sa akin.
"Hindi po."
"Utol ang tawag nila kay Yane. Alam mo kung bakit? Kasi iyang batang 'yan, late bloomer. Bente na 'yan e para pa ring lalaking kumilos at umasta. Hindi siya tomboy, medyo matigas lang talaga. Hindi rin palaayos at kasama-sama ko 'yan sa pagdayo ng basketball noon. Hindi muse ha? Utol ang tawag sa kaniya kaya walang nagatangkang manligaw diyan na tagarito dahil una, ako ang boss dito. Pangalawa, mas matigas pa si Yane kaysa sa kanila. Siguro ay noong nagbente uno na lang 'yan nag-ayos-ayos. Sa Maynila na nag-aral ay."
"Talaga po?"
"Kilala mo si Gian?" Tanong ulit nito. "Iyong unang ex niyan? Taga-Banuyo 'yon sa Gasan. Teacher na ngayon 'yon. Unang ex niya 'yon pero ni hindi man laang nakatuntong sa bahay."
"Gian? Opo. Kilala ko nga po."
Tumango-tango ang Papa ni Ara. Tinapik ang balikat ko at saka napabuntong-hininga. Mayamaya pa ay mahina na ang pagsasalita habang kinakausap ako. Tumitingin-tingin pa nga sa likuran na para bang tinitingnan kung may makakarinig sa sasabihin niya.
"Alam mo baga na dati, kapag inatanong ko 'yan kung may katipan ay ang nasabi ay wala. Sabi rin ni misis ay wala rin pero hindi ako naniwala sa ganda ng anak ko. Si Aria, buntis, 'di baga?" He said. "Hingi ka ng tips kay Jake pero tangina 'wag na 'wag mong aisipin na inabugaw ko ang anak ko. Tiwala lang talaga ako sa anak ko dahil siya ang pinakamagaling sa mga anak ko. Hindi naman sa nakampihan at inasabi kong paborito ko siya pero sa totoo laang ay siya ang pinakasuccessful. Siya ang nag-umpisang magpaginhawa ng buhay namin kaya proud na proud ako. Kaya ikaw, huwag na huwag mong apakawal-an ang anak ko. Inasabi ko sa'yo, magasisi ka. Kumbaga, jackpot ka kay bunso."
Napangiti ako habang pabulong niya akong kinakausap. He sounds so proud of Ara in the way that he want me to realize how lucky I can be with her.
"Isa pa, mataas ang pride n'yan. Kapag umayaw 'yan, ayaw talaga. Kapag may gusto 'yan, agawin niyan lahat para makuha iyong gusto niya. Kapag sinaktan mo naman 'yan at sinabi mong maalis ka at aiwan mo siya, baka ihatid ka pa niyan. Ang ibig kong sabihin, anak, ay hindi pa kita ganoon kakilala kaya ayaw kong sabihin at husgahan ka agad na ikaw lang ang suwerte kay Yane. Medyo tagilid ang oras natin ngayon e dahil paalis na kayo pero sa nakikita ko naman, mukhang parehas kayong suwerte ni Yane sa isa't isa."
BINABASA MO ANG
Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)
Romance"My mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?" ©️ 2022