"Oh, hey!" Si Mom ang nagbukas ng gate para sa amin ni Ara.
We just got here after the long hours of sitting inside the car seats. Nakaalis na rin sina Manong Lucio at dumiretso na sa pag-uwi. Mas nauna pa ngang naihatid si Leigh at ang dalawang bodyguards. Luckily, just like what Ara have expected it, there's no heavy traffic so we got here on time.
"Hi, Tita! I missed you!"
"Me too! Glad you're safe."
Nagyakap si Mom at si Ara habang ako ay naiiling lang na nakatingin sa kanila. It seems like I am now invisible. Taga-bitbit ng maleta namin ni Ara. My Mom did not even ask me how I am feeling. Her eyes are all on Ara. They even had a little whispering moment that made my Mom gasped for a second and then they both laughed after. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero sigurado akong masaya iyon. Excitement kasi ang makikita sa mukha nila.
"By the way, Tita, pywede bang dito muna ako matulog-"
"Why are you asking her that? You don't need to ask her. I brought you here." Agad kong putol kay Ara na ikinatingin nila nang sabay ni Mom sa akin. "Isn't that obvious? Kahit dito ka pa tumira, you do not need to ask her."
"Wow walang manners." Mom said. "Buti pa si Ara mayroon. Kaya mas gusto ko na si Ara kaysa sa'yo, anak. If ever you two get into another fight, ikaw mismo ang papalayasin ko rito sa bahay tapos si Ara ang papatirahin ko rito."
"Wow walang puso."
"Tss. Bilisan n'yo na. Is that all the things you two have? Nag-enjoy ba kayo sa island? I want to hear your stories."
"Detailed po?"
"Love! Stop talking to her. Baka saan pa mapunta iyan."
"I don't know about the details, but I am curious."
Mom and Ara both laughed ignoring me again. Wala na akong ibang choice kung hindi ang mauna na sa pagpasok sa bahay matapos isara mismo ang gate. Naabutan ko naman si Kianna na nakapamaywang sa may pintuan habang tinitingnan akong papasok ng bahay. Bahagya pang nakataas ang kaliwang kilay.
"So, the cheater is already here." She said.
"Cheater?"
"Yeah, cheater." She hissed. Hinarangan pa talaga ang pintuan. "You said you're going to buy me a bag. Well, Mom cancelled it. She personally cancelled my order. Sinumbong mo ako, right?"
Nangunot ang noo ko sa kaniya. Umiling nang naiinis saka hinayaan siyang magmaktol doon sandali sa mga bagay na wala akong alam.
"Tss. Sirang-sira na reputasyon mo sa akin, kuya. Hindi na kita papagkatiwalaan sa susunod. You said you're going to buy me a bag. Pinaghirapan kong malaman kung saan mismo ang address ni Ate Ara para sa'yo. Para sa ikakasaya mo, kuya. Pero anong ginawa mo? Trinaydor mo-"
"Hindi ka titigil?"
"Tss. Heto naman joke lang, e. Mom cancelled my order. Hindi kita papadaanin sa pintuang ito hangga't hindi mo sinasabi kay Mom na bilhin ko 'yon-"
BINABASA MO ANG
Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)
Romance"My mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?" ©️ 2022