Epilogue:

1.1K 23 0
                                    

(Ara Portia's)

"Tangina, love. Come here!" Sigaw ko.

We are at our house. Sa bahay ko ngayon. We decided to go and live here. Only the two of us for a month now. Gusto ni Kurt na bumili ng bagong bahay but that isn't a necessity. Dalawa na ang bahay namin kung ganoon. I have my own, he has his own, and another one for us? Sobra na kaya ayaw ko na.

"What?" He asked.

Dumating na siya ngayon sa kwarto. Nakakunot ang noo saka nakatingin sa akin. He is eating his chips while half naked. Ganito siya palagi rito. Palaging half-naked and blessing my pretty eyes with his gorgeousness. I am not even complaining though. I am complaining kapag nagsusuot siya ng damit. Not because I only want him always lingering around the house half naked, but he is using all my extra-large shirts. Siya na ang sumusuot e napakarami naman niyang pera para bumili ng sarili niyang damit.

"Wala na akong T-shirt. Basa na lahat at nandoon sa sampayan. Maliligo pa naman ako."

"Oh, sorry about that." Napangiwi siya. "I can't help it. They suit me well and they smell so good. Bakit ba? Para kang mamatay diyan."

I looked at him annoyed. Siya pa talaga ang may ganang magalit ha? Agad tuloy akong nakakuha ng unan at ibinato iyon sa kaniyang direksyon. Nasalo naman niya iyon nang natatawa.

"Hoy, love. Huwag lang tayong aabot sa pagiging battered husband ko ah."

"You are not even marrying me. Tss."

"We'll be married next week, and we are living together for a month now. We are more than a husband and a wife now. Magkakababy na nga tayo, e." 

"Heh! Tanghali na. Nagluto ka na?"

"Aba inaalila mo talaga ako? Ha?" He hissed at me. Tiningnan niya ako na mukhang naiinis saka napailing. "Bahala ka nga riyan. Naiinis ako sa'yo."

He walked away while I cannot stop smiling. He is so cute. Apparently, dahil ayaw ko ng mood swings, I turned the table just fine. Nanghingi ako ng tip kay Mama kung paano malipat sa kaniya ang paglilihi. It's a simple one though at hindi naman alam ni Kurt. Now, siya ang naglilihi. Kahapon, asim na asim ako sa kinakain niya. He craved for bagoong and mangoes. Mabuti nga at saktong nagpadala sina Mama and it is the season for Indian mangoes.

"Love, joke lang, e!" Sumunod na rin ako sa kaniya.

Naabutan ko siya sa sala. Nakaupo roon at nagmumukmok. Nakatingin din siya sa nakabukas na tv pero alam ko namang wala roon ang atensyon niya. Naghihintay na naman ito ng suyo ko.

"Love, it's just ten o'clock. Magku-quick bath lang ako tapos magluluto na rin ako. We have fresh seafood there. Want soup?" Sambit ko nang tumabi ako sa kaniya.

Umunan ako sa kaniyang balikat pero mabilis siyang umiwas sa akin pero makikita pa rin na inaalalayan niya ako just in case matumba ako at mabagok na naman. He looked at me annoyed.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon