Venice
"Oh Ano?!Naayos mo na na yung mga files ng estudyante dito?"mabilis na tumango ang Principal.Good,magsisimula na ule ang larong 'Who should we bully?'Sa paaralan na toh ay kaming apat ang batas.Walang kwenta ang mga teacher o principal.Heh!Subukan lang nila,mawawalan sila ng trabaho.Linibot ko ang tingin sa Opisina.Naghahanap ng magbubuhat ng daan daang papel.Ayon,isang babae na natutulog na sa sofa.Pwede pala yun.
Sinipa ko yung sofa ng malakas.Tss,ayaw mong magising ah.Sasampalin ko na sana siya.Ngunit napahinto sa ere ang kamay ko dahil sa lamig ng boses niya.
"Don't even dare"nakapikit na saad niya.Sa isang iglap lang din ay nakatayo na siya sa harapan ko at ang walang emosyon na kulay berdeng mga mata ay nagpatindig ng balahibo ko.Who is she?
Kumurap siya at sinuklay patalikod ang kanyang buhok patalikod at dun ko na nakita ng buo ang kanyang itsura.
Ang babae kaninang umaga.Lumunok ako at pilit na magsalita.Nakaka-intimidate ang aura niya para bang sinasabi na 'Respect me'.
"Y-you!carry those p-papers a-and then follow me"pinatapang ko ang boses ko.Tumango lang siya at dumiretso sa lamesa at kinuha ang mga papel.Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa HQ namin.
Dire-diretso kong binuksan ang pinto.Bumungad sa akin ang naglalaro ng Chess na si Quince at Lala.Napairap na lang ako.Nagmamarunong na naman ang pinsan ko.
"Quince wag kang trying hard alam naman nating lahat dito na wala kang utak"sabi ko dito.Ngumisi lang siya hindi dahil sa natutuwa siya kundi sa pagkainis.
"akala siya meron!"at padabog na tumayo."at sino naman yang kasama mo...teka yan yung kaninang umaga ah"sabi niya ng napansin yung babae.Nakatingin lang toh kay Quince na walang kaemosyon-emosyon.Weirdo.
"Hoy ikaw ilagay mo nga yang papeles dun...dun sa center table"bastos hindi man lang ako liningon.Tss sana siya ang mabunot namin sa laro.Diretso lang siyang naglakad dun.
"Tulungan na kita"sabi ni Lala sa kanya umiling lang siya bilang sagot at naglakad patungo sa center table.
Nabaling ang atensyon ko sa pinto na unting-unting bumubukas at iniluwa nun ay si Hades.Magulo ang kanyang buhok at ang mga mata niya.Napabuntong hininga ako,pagtitigan mo ay para kang nalulunod masyadong malalim.
"HADES!"tawag sa kanya ni Lala.Tiningnan siya ni Hades.Hindi,yung babae sa likod ni Lala.Nagtitigan silang dalawa.Anong meron?Walang bumawi ng titigan kaya gumawa na ako ng paraan.
"Babae lumayas ka na"tumango lang ito at naglakad palabas.Si Hades naman ay napatingin sa akin at pinaulanan ako ng matalim na tingin.Sabi ko nga hindi na dapat ako nangialam.
"Tss"at lumabas din si Hades ng HQ.Sa gilid ng aking mata ay ang panlulumo ni Lala at ang pagkinang ng mata ng babaero kong pinsan.
"She's.....SHE'S COOL!MY IDEAL GIRL!"napailing na lang ako.Sa buong buhay ko na kasama siya ay dalawang tao lang nasabihan niya ng ganyan.Ung batang Lala(na first love niya kaso after that incident nawala na ang pagkagusto niya dito kaya batang lala ang tinutukoy ko) then that Weirdo.
Nawalan na talaga siya ng taste.
"The way he looks at her...........*sigh*he never look at me like that.It was like that girl is only that matters to him"isang luha ang tumulo sa mata ni Lala.I need to comfort her.
"Lala he also look at you the way he did to that girl.Remember when we were kids?"umiling lang siya at lalong umiyak.Oh shez wala nga pala siyang maalala.Wrong Choice of word.
"You don't know anything"un lang sinabi niya at pumasok sa kanyang kwarto.Her voice was cold and irritated.
Naalala ko tuloy ung unang pagkikita namin nina Lala.Una kong tingin sa kanya ay isang batang pulubi.Gusot gusot ang damit,mayroon pang mga butas at ang suot niya ay masyado ng madumi.Umiling ako.Past is past.
Naglakad ako sa papunta sa isang statwa.Statwa ng isang kuneho.Kilala bilang B-Rabbit.Tinaas ko ang paa nito kasabay nun ang pagbukas ng isang 'secret passage'.Tinahak ko ang madilim na tunnel.
Habang papalapit ako ay naririnig ko ang malakas na hiyawan at ang amoy ng alak tsaka ang usok ng sigarilyo.
This is the dark side of our Academia.
Hindi lang pagt-train ng bussiness ang ginagawa dito kundi mapalakas din ang kakayahan ng mga estudyante dahil once na maging isa kang maimpluwensyang tao ay marami nang magtatangka ng buhay mo.
This is our life in Abyss.
Umupo ako sa isang sulok ng arena at pinanood na lumaban ang mga schoolmate ko.Isa lang ang dahilan kung bakit patuloy silang lumaban.Yun ay dahil sa kapangyarihan pag nasa tuktok ka at yun ang tinatamasa namin nina Quince ngayon.
Si Drei na kalaban ang isang schoolmate naming lalaki na hindi ko kilala.'
Malakas si Drei isama mo pa ang mga ginagawa niyang pandadaya na hindi mahahalata ng mga ordinaryong tao.Ung kalaban niya mukhang lampa pa.
Napatingin ako sa isang sulok.Ung babae na naman,tahimik lang itong umiinom ng isang alak.Wala ding pumapansin dito.
Pagkatapos niyang lagukin ung alak na iniinom niya ay binato niya ang wine glass papunta sa ulo nung lampa kahit nakatalikod siya dito.
"What the!"rinig kong bulaslas ni Drei.Ang lahat naman ay napatingin dun sa babae.
"Sorry,gusto ko lang namalaman niya"turo niya dun sa lampa"alamin niya ang pwesto niya.Lalaban pero walang binatbat..."nagkibit balikat siya at umalis na.Anong bang meron sa kanya?Abnormal yata ang taong toh at hanggang ngayon ay wala akong makitang emosyon sa kanya.
Sinundan siya ni Drei hanggang sa hindi ko na sila makita.Lagot ang babaeng yun hah istorbohin ba naman ang laban ni Drei..
---8----,-----,---//,-----,------,------,-----,---
KONNICHIWA MINNA PLEASE SUPPORT THIS STORY
BINABASA MO ANG
Killer's Wish
ActionLavender Smith' life is like a puzzle. But the problem is, the pieces of the puzzle are missing! She doesn't wanna solve the puzzle but it is inevitable. Unavoidable.