"Hi. Gusto ko na sana makipagbreak na. Recently kasi narealized ko na hindi ko pala talaga kayang pagsabayin ang love life at pagaaral ko. Sorry honnie but I think it would be better for us to enjoy life separately. Always take care. Goodbye."
Two years na since nung last na natanggap ko yung letter na yun mula kay Jiro [ex ko]. Two years na kaming walang communication. Wala na din akong balita sa kaniya. Sinusubukan kong tawagan yung number niya pero tanging ang walang kapaos-paos na operator lang ang sumasagot at nagsasabing 'cannot be reached'. maging sa fb ay hindi ko rin masearch ang pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit. Pero nung araw na matanggap ko ang sulat na iyon, hindi ko maitatanggi sa sarili ko na magkahalong lungkot at inis ang naramdaman ko. Bakit biglaan? bakit wala kahit paramdam manlang? Ang pinakanakakaasar pa ay yung way ng laman ng sulat niya na may "Hi" pa sa unahan at yung paraan ng pagkakasabi niya na nakikipagbreak na siya, akala mo nagaaya lang kumain na para bang andali dali sabhin na "ok sure, San ba?" na dapat eh "o sure, break na tayo"
Marami siyang pangako sakin, maraming marami. Malaki ang tiwala ko sakaniya dahil na rin siguro sa pagkakakilala ko sakaniya na mabuti siyang tao at hindi niya magagawang saktan ako. Dalawang taon na, pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong babalik siya. Umaasa pa rin akong tutuparin niya yung mga pangako niya. Pero wala eh. Sabi nga sa commercial ni John lloyd, "Buti pa ang multo, nagpaparamdam at ang sisiw ay inaalagaan.''
Two and half years na at nakilala ko si Mirko. Gwapo naman siya, mabait at matalino. Sa katunayan nga, marami siyang admirers eh. Pero ako? Deadma. Heto at tanga pa rin na naghihintay sa sa taong hindi naman nagsabing babalik. Para lang akong nagaantay na my maglakad sa harap ko na blue na pusa, lumipad na pink na uwak at magkaroon ng purple na pating. Siguro sa tulong nga ng Science baka posible pang mangyari yon. Pero sa buhay pagibig ko na to? Kahit pa siguro gamitin ng 1oootimes ang e=mc2 ni Einstein ay malabo pa rin sa channel 93 ng tv'ng walang cable ang chance na meron ako. -___-
Niligawan ako ni Mirko. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili niya gayong napakaraming nagkakagusto sakaniya na mas magaganda sakin. Seryoso daw siya sakin. Matagal tagal din siyang nagtyaga sa pangdedeadma ko. Pero hindi rin nagtagal, nasanay na rin ako sa presensya niya at bandang huli ay sinagot ko din siya. Mag-iisang taon na din kami at aminado ako na hindi naman siya mahirap mahalin. Mahal ko na si Mirko ngayon. Naging in-a-relationship ang status namin sa fb at maraming nagulat at nagsabi "Akala ko tanga ka pa rin sa ex mo, pero magaling kang pumili"
Ilang araw matapos maipost sa social networking site ang relationship namin, isang Jiro Villanueva ang nagmessage sakin. Jiro. Kapangalan niya yung ex ko. At booooom! Naalala ko, pinaaayos nga pala niya yung surname niya sa sa birthcertificate niya nung mga panahong kami pa. Kaya siguro hindi ko siya mahanap sa fb dahil binago na niya ang pangalan niya.
DUG DUG DUG. Kinakabahan ako. Ang bilis ng heart rate ko. Hindi siya si Jiro. Hindi siya. Hindi niya na ko naaalala. Hindi. Hindi. Imposible. :[
"In a relationship ka na Jaira.. Hindi mo ko inantay. Hindi ka nagtiwala na babalik ako, Bakit hindi ka naniwala sa mga pangako ko? Mahal kita Jaira, Hanggang ngayon. Siguro hindi nga talaga ikaw ang para saakin. Nalulungkot ako kasi akala ko magagawa mo. :[ Sayang at ilang linggo nalang at uuwi na diyan ulit ako. Yung P.S ko dun sa huling sulat ko natupad ko na-- Pero mukang huli na pala.
Paalam jaira, Mahal na mahal kita..."
Tumulo nalang ang luha ko bigla. Pero anong P.S yun? Hinanap kong muli yung sulat na huling binigay niya. At halos humagulgol ako dahil sa loob ng sobre ay may isang papel pa pala.
"P.S Antayin mo ako Hon ah? three years lang. Magaaral akong mabuti para paguwi ko diyan sa Pilipinas, wala kanang kahati ng atensyon ko. Saglit lang yun! Wag kang magalala dahil kahit wala muna tayo, walang papalit sayo dito sa puso ko. Mahal na mahal kita.."
Umiyak nalang ako ng umiyak dahil sa pagsisisi at sa katotohanang mahal ko pa talaga siya. At sa pagkakataong ito, Wala na. Dahil tuluyan na talaga siyang nawala.
"In a relationship ka na Jaira.. Hindi mo ko inantay. Hindi ka nagtiwala na babalik ako, Bakit hindi ka naniwala sa mga pangako ko? Mahal kita Jaira, Hanggang ngayon. Siguro hindi nga talaga ikaw ang para saakin. Nalulungkot ako kasi akala ko magagawa mo. :[ Sayang at ilang linggo nalang at uuwi na diyan ulit ako. Yung P.S ko dun sa huling sulat ko natupad ko na-- Pero mukang huli na pala.
Paalam jaira, Mahal na mahal kita..."
Mali ka Jiro. Dahil nag-antay ako. Nag-antay ako :[
