Author's Note: Haia...! I'm with another Songfic again! The song is "Payphone" by "Maroon 5". Naisip ko ito habang kumakain kami sa isang fast food chain kanina. Eh alam niyo naman ako, si Conan ang laging nasa utak... :D Tapos biglang pinatugtog yung "Payphone"... Yun!
Bagay kasi sa situation nina Shinichi at Ran yung kanta... Sana agree kayo... >.<
Anyways, sana magustuhan niyo!~ :)
Detective Conan / Case Closed : Payphone
"I'm at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you...""Kelan kaya uli tatawag si Shinichi?", tanong ni Ran sa sarili habang nakaupo sa upuan at nakangalumbaba sa study table niya sa kwarto.
Si Conan naman na napadaan sa kwarto niya, narinig iyon kaya napagdesisiyunan niyang pumasok.
"Si Kuya Shinichi?", napaharap si Ran sa direksyon niya.
"Ikaw pala Conan!", masaya niyang bati. "Kamusta school?"
"Ok lang naman Ate Ran.", sagot ni Conan ng nakangiti. "Ano pong meron kay Kuya Shinichi?"
"Eh paano ba naman kasi, mag-iisang buwan na siyang hindi tumatawag... Ganun ba talaga siya ka-busy at halos kalimutan na niya ang childhood friend niya?!"
Biglang kumunot ang noo ni Ran.
Si Conan naman, nag-iisip ng sasabihin.
"Paano naman kita makakalimutan! Araw-araw kaya tayong nagkikita?!", sabi niya sa isip niya. "Hindi na rin sumasagi sa isip ko na tumawag... Lagi kaya tayong magkausap! Hayz... Kung pwede ko lang sabihin..."
"B-Baka naman busy lang po talaga si Kuya Shinichi ngayon..."
"Hayz...", tinalikuran niya si Conan at bumalik sa pagngalumbaba sa table niya.
"Sige Ate Ran, maglalakad-lakad muna ako sa labas ah?"
"Ingat ka ah...", sabi ni Ran ng hindi lumilingon. "Huwag kang papagabi."
"Opo!", tapos lumabas na si Conan ng kwarto ni Ran.
--
Maya-maya...
Tumunog ang cellphone ni Ran na nasa harapan niya.
Agad siyang napatigil sa pagngalumbaba sa gulat...
"Huh?"
Kinuha niya ang cellphone niya at sinagot ito.
"Hello?"
"Ran.", salita na nanggaling sa kabilang linya.
"S-Shinichi?!", gulat na sabi ni Ran. "N-Napatawag ka?"
"Na-miss kita.", sagot niya. "Masama bang tumawag sa childhood friend ko?"
"Bakit ngayon ka nga lang pala tumawag ulit?!"
"Oy, oy, huwag ka namang magalit... Marami lang akong inaasikaso ngayon..."
"Hay nako... bakit kasi hindi ka na lang bumalik eh... napakalaki na talaga ng pagbabago mula noon hanggang sa mga oras na ito..."
"Where have the times gone
Baby it's all wrong, where are the plans we made for two?"
BINABASA MO ANG
Detective Conan / Case Closed : Payphone
FanfictionNapapaisip si Ran kung kailan tatawag muli si Shinichi sa kanya. Eh tumawag na si Shinichi... Tungkol saan naman kaya ang mapag-uusapan nila? Another Songfic by: ConanChan ♥