Chapter 44: Talked

29 4 0
                                    

Mhica


Ano ba ang pinag-uusapan nila kanina? Hindi ko na narinig eh halatang ayaw talaga ni Kyle sa pinsan niya. Ganun ba talaga kalalim ang galit niya sa pinsan niya?

Pagkahiga ni kyle sa kama niya pumikit agad siya at hindi na gumalaw pa natulog na agad siya. Ang guwapo niya talaga lalo na kapag nakapikit. Naaawa ako sa kanya dahil nahawaan ko siya. Kyle, I'm sorry. I'm really sorry.

"Hija, ikaw na lang ang magpasensya sa kanilang dalawa ha" sabi ni doc

"Okay lang po, naiintindihan ko naman" ngiting sabi ko ngumiti lang siya.

"Uncle or Tito Wil na lang ang itawag mo sa akin hija" ngiting sabi ni doc

"Ano po?" kunot-noo kong tanong ngumiti lang siya.

Bakit naman? Oh, baka naman mabait lang talaga sila.

"Hija, ikaw na ang magpasensya dito sa batang to. Habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya at sana wag kang sumuko wag mo siyang sukuan" ngiting sabi niya

Ha? Ano?

Anong ibig niyang sabihin?

"Ano po? Bakit naman po?" kunot-noo kong tanong

"Oh, sige babalikan ko na lang kayo dito mamaya may papasok na nurse dito para kay Kyle" sabi niya

Hindi niya ako sinagot. Bakit?

Tumango na lang ako ngumiti lang siya at lumabas na. Bakit ko naman susukuan si kyle? Hindi yun mangyayari kahit anong sama ni kyle sa akin hindi ako susuko sa kanya.

Hindi nga lang ako aamin sa kanya na gusto ko siya dahil nakakahiya yun at alam ko naman ang sagot niya. Naisip ko lang. Paano kaya kung isang araw mawala ang pagkagusto ko sa kanya? Ano kaya ang gagawin ko? Hindi ko alam. Sana hindi mangyari.

Paano naman yun mawala? Eh, gustong-gusto ko nga siya at mahal na. Impossible ang iniisip ko umiling-iling ako. Ano bang pinag-iisip ko? Dapat stay positive lang ako. Tama, hindi na ako mag-iisip ng negative thoughts.

Bumukas ang pinto pumasok ang isang babaeng nurse ngumiti siya ng makita ako lumapit siya kay kyle at ginagamot si kyle para bumaba ang lagnat niya tulog pa rin siya hanggang ngayon.

Sana gumaling agad siya dahil nagiguilty ako dahil kasalan ko kung bakit siya nagkasakit parang gusto ko na namang umiyak dahil kasalanan lo na naman.

"Ahm, miss nurse puwede ba ako ang gagawa niyan mamaya? Maayos naman ang pakiramdam ko" sabi ko tumango lang siya. Tinuruan niya ako kung paano ang tamang gawin nakuha ko naman agad ang tinuro niya nagpaalam na siya at lumabas.

Wala pala dito yung cellphone ko tumingin-tingin ako sa paligid kung merong orasan at nakakita nga ako it's 5:56pm gumagabi na at mamayang 7pm sila maglalaro ng basketball. Gusto ko talaga makaranas maglaro kahit isang pagkakataon lang. Sana bukas makatakbo ako makasali ako sa running competition.

Nilalagnat pa ako at nakahawa pa talaga ako. Naaawa talaga ako kay kyle na giguilty ako siya na nga ang tumulong sa akin hinawaan ko pa siya. Kanina naalala ko sinalo niya ako ng mawalan ako ng malay bago nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ako ng gisingin nila ako kanina at hindi ko alam ang gagawin ko dahil iba na ang pakiramdam ko kanina ang init-init ko talaga. Kumain na ako kahit wala akong gana.

Ang gusto ko lang matulog ng matulog pagkatapos kong kumain kaninang tanghalian naramdaman ko na parang masusuka ako hindi ko alam ang nararamdaman ko. At bigla na lang ako binuhat ni Kyle na pang bridal style na buhat at nawalan ulit ako ng malay pagkagising ko nandito na ako sa hospital.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon