Chapter 18

1.9K 27 3
                                    

Lumapit ako ng kaunti upang marinig ko sila, saka ako nagtago sa may halaman upang hindi ako makita.

Ano ba ang dapat kong malaman? Bakit ayaw sabihin ni Raven sa akin? Mukha tuloy akong chismosa na nakikinig sa usapan ng iba.

"Beatrice, please. Leave my wife alone." Pilit na pinapahinahon ni Raven ang kanyang boses.

"But she deserves to know the truth! If you don't want to tell her, I'll tell your parents about her," banta nito kay Raven. Nakita ko naman ang reaksyon sa mukha ni Raven ang gulat.

Wait? Parents? Matagal nang wala ang mga magulang ni Raven. Nababaliw na ba itong si Beatrice?

"Fuck, Beatrice, don't do that! You already know what will happen!" Maramdaman mo sa boses nito na parang kinakabahan ito.

"Then divorce her," she said authoritatively.

What the hell? Divorce? This girl is out of her mind. Nakulangan yata sa sampal ko, at kailangan ko pa yatang dagdagan. Ang kapal naman ng mukha niya para sabihan ang asawa ko na i-divorce ako. Tang ina!

"No way!" malakas na sigaw ni Raven.

"Then I'll tell your parents. Your freaking liar, Achlys. You said you were busy at work. But I was shocked to learn that you had already married. You're a fucking jerk. You lied to me. You lied to your family. You're selfish! You hurt me!" umiiyak na sabi ni Beatrice habang pinaghahampas nito ang dibdib ni Raven.

"I'm sorry, Beatrice." Pinipigilan ni Raven ang kamay nito. Napahagulhol naman sa iyak si Beatrice at napaupo ito sa may damuhan.

"I keep waiting for you. I am completely honest and devoted to you. I don't even allow men to court me. I'm still holding on to your promises that you'll marry me! But everything turns out to be a lie. You're married to that woman! You already know what the consequences will be if your parents find out. You can't hide her forever!" humihikbing sabi ni Beatrice.

"Achlys, you're a fucking asshole. I trust you! I love you so much. B-But you hurt me. It hurts so much." Tinuro nito ang dibdib niya, basag na ang boses nito.

Hindi naman pumasok sa utak ko ang aking narinig. Papakasalan niya dapat si Beatrice? Iyong tungkol sa magulang ni Raven, buhay sila at tinatago niya ako? Bakit nagsinungaling sa akin si Raven? Kaya pala galit na galit sa akin si Beatrice. Unang-una pa lang ay inagaw ko na sa kanya si Raven.

Fuck!

Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit sobrang sakit?

Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi nila marinig ang aking hikbi.

Fuck! Ganito pala kasakit kapag may tinago iyong asawa mo. Shit! Hindi ako makahinga sa sakit. Kaya ba laging umaalis siya para makita si Beatrice? Kasi naghihintay sa kanya ito? Tang ina... ang sakit.

"I'm sorry, Beatrice."

"Stop saying sorry. Divorce that woman! I give you everything, Raven. I trust you. Please don't make my pain worse. It hurts like hell!" sumisigaw na sabi nito.

'Don't listen to her, love. Please...' mahina kong sabi, pero alam ko naman na hindi niya ito naririnig.

Fuck! Ano ba 'to? Nagsisi na tuloy ako at hinanap ko si Raven. Ang sakit ng mga narinig ko. Mas masakit pa ito kaysa mabaril.

Fuck! Sana panaginip lang ito. Mas gugustuhin ko na lang matamaan ng bala o masaksak kaysa rito.

"I can't," umiiling na sabi ni Raven. "I'm sorry." Lumuhod si Raven upang magpantay sila ni Beatrice. Hinawakan niya ito. Para akong naonood ng pelikula, mas masakit lang ay asawa ko ang pinapanood ko.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon