Chapter 52

2.9K 70 6
                                    

Athena's Point of View:

Nang malaman kong si Ezra ang pumatay kay Kyle, gusto ko na lang gawin sa ngayon ay patayin s'ya. Sa tagal kong naghanap sa mga taong pumatay kay Kyle, nasa paligid ko lang pala at naghihintay. Wala akong ideya sa totoo lang at hindi ko rin naisip na si Ezra ang pumatay kay Kyle. Sa loob ng taon kong naghihintay at naghahanap, hindi ko man lang naisip si Ezra. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang patay na estudyante sa harapan ko. Ito na naman, ilang beses na nangyari ang bagay na 'to.

"Kagaya nung mga estudyante na namatay, wala rin s'yang kamag-anak. Hindi rin namin nakita ang mga taong nangangalaga sa kanya dahil nakatira lang s'ya sa isang maliit na apartment," sambit ni Rina.

"Tinignan rin namin ang tama ng saksak sa kanya at katulad sa iba, samurai ang ginamit ng mga taong hindi natin kilala," sambit ni Sky.

Tumango ako at hangga't maaari ay sinasamahan namin ang mga estudyante kung saan sila pupunta o mag-isa lang silang aalis. Tinignan ko sila at kagaya ng ginagawa namin, tinawagan namin ang dalawang tauhan ko para linisin ang kalat. Ayaw namin na may bakas pa dahil ani ni dean, 'wag daw kami mag-iiwan ng bakas dahil ayaw niyang manatili sa utak ng mga estudyante ang mga nangyari.

"Punta lang ako sa locker," ani ko at ngumiti sa kanila. "Salamat."

"Trabaho at responsibilidad namin 'to, Athena. Malapit ka ng bumalik sa empire palace, kailangan na naming maghanda pagkatapos mong manganak," ani ni Alexander.

Ngumiti na lang ako at hinaplos ang tiyan ko dahil kahit anong tanggi ko na hindi alagaan ang bata, napamahal na ako dito. Tuwing gabi s'ya ang kausap ko kapag pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Naglakad ako papunta sa locker at natigilan nang makita si Kiro, naalala ko na naman ang sinabi niya kanina. Ako na ang umiiwas sa kanya, ako na ang lumalayo dahil ayaw kong balikan s'ya ng mga taong naging kalaban ko. Dumaan ako sa gilid niya, takot pa na madikit sa kanya dahil pakiramdam ko ay iinsultuhin na naman niya ako.

"Why do you have wounds on your body?" tanong niya.

Natigilan pa ako at napatingin sa kaliwa at kanan. Dalawa lang kaming nandito kaya tumikhim ako.

"Nadapa lang," sagot ko at agad na kinuha ang mga gamit ko.

"Nadapa?" sarkastikang tanong niya, hindi pa rin ako tinitignan. "Galing, nadapa."

Hindi ako sumagot at agad na sinirado ang pinto ng locker ko. Bumuntong hininga ako at napatingin sa kanya, natigilan ako nang makitang nakatingin s'ya sa akin. Kumurap ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa mga mata niya.

"You look fat, ugly, and stress," aniya at nagtaas ng kilay.

Natigilan ako, pakiramdam ko umakyat lahat ng init sa pisngi ko. "Iniinsulto mo ba ako? Kasi kung oo, hindi ako natutuwa."

He smirked. "Are you pregnant?"

Nalunok ko ang sarili kong laway at napaawang ang labi ko sa tanong niya. Nagsimula akong kabahan sa tanong niya ngunit tumawa ako, oo, tumawa ako nang malakas.

"Ako, buntis?" Tinuro ko ang sarili ko at natawa kahit kinakabahan. "Kung mabubuntis man ako, sisiguraduhin kong hindi ikaw ang ama."

"As if I want to be the father of the killer's son," aniya at ngumisi.

I froze. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at hindi ko alam kung masasaktan ako o maaawa sa anak ko. Umiwas ako ng tingin at napalunok nang maraming beses bago tumawa nang mahina.

"Kung magkakaroon man ako ng anak sa 'yo, sisiguraduhin kong hinding hindi mo makikita ang anak mo." Tsaka ako naglakad palayo sa kanya dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko.

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon