BAHAGHARI

8 1 0
                                    


"Makinig ka sa sarili mo!", singhal niya.

"Tulungan mo ako, pakiusap." habang pinipigilan ang sarili sa labis na paghikbi sa harap niya.

"Alam kong matagal mo nang alam ang nangyayari!" duro niya saakin.

Naguguluhan akong napapailing, "akala ko ba magkakampi tayo?" pagak na usal ko.

"kakampi mo ang sarili mo."

Gulat akong napalingon sa kinaroroonan niya, "Alam mong hindi ko kaya, paano mo nagagawa saakin 'to?" hindi ko na kaya pang pigilan ang mga lumandas na luha sa aking mga pisngi.

Nakita ko kung paano siya nagitla sa nasaksihan. Tama, umiiyak ako, nasasaktan ako. May nararamdaman ako.
Naguguluhan ako sa lahat.

Agad din niyang nilihis ang naaawang emosyon sa mata niya, determinado pa rin siya sa gusto niyang gawin ko.

"Hindi ka pamilyar sa daan, alam ko." ani niya.

"Ni ang umapak ay hindi ko kaya, natatakot ako sa mga susunod na mangyayari."

"kahit na lumilinaw na ang lahat saakin, hindi ko pa rin matanggap na isa ako sakanila." Tiningnan ko siya nang deretso sa mga mata, "hindi ko sila kinasusuklaman at nirerespeto ko kung ano sila."

Nagbaba ako ng tingin sapagkat hindi ko na siya kaya pang tingnan, "Isa lang naman ang alam kong daan at iyon ang alam kong makakabuti saatin. Tigilan na natin 'to nakikiusap ako sa'yo." nakikiusap na sambit ko.

"Oo! noon ay sinabi ko sa'yong gamitin mo ang utak mo sa lahat ng pagkakataon. Pero, may puso ka. May puso ka.  Humihingi ako ng kapatawaran sa pagsasawalang-bahala ng nararamdaman mo. Ngunit, iba na ngayon hindi lang isang daan ang nakikita natin." inis na singhal niya.

"Natatakot akong kamuhian nila ako, ang mga kaibigan ko, ang mga magulang ko- si mama at si papa, alam mong hindi nila ako matatanggap!" hindi ko napigilang isigaw sakan'ya.

Naging maamo ang kaniyang mga mata. nakikita ko ang awa sa mata niya, nakikita kong pinapakita niyang-naiintindihan niya.

"kailangan mo nang harapin ang sarili mo, hindi ang mga mapanghusgang mga tao. Wala kang dapat patunayan sa iba kun'di sa sarili mo lang."

Muli siyang nagsalita, "Hindi na tayo makakatakas. Wala ka nang takas."

Gulat akong napatingin sa aking pigura sa salamin. Napagmasdan ko kung paano lumantad ang naguguluhan kong mukha at muling kinausap ang sarili, "Hindi ko kayang umapak sa BAHAGHARI." isa akong duwag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BAHAGHARIWhere stories live. Discover now