Chapter 39

43 1 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 06-02-2018)


--

NAKARATING NA rin ako sa court na hingal na hingal. Grabe ba naman kase. Para naman akong hinabol ng mga aso at pusa sa sobrang bilis na tumakbo.

Dala ang lunch box ko, nagmamadali na akong pumasok sa loob ng court. Pagdating ko napansin ko ang team na nagpupulong-pulong sa isang tabi. Nandun si kuya Chseter, si Gab, pati na rin ang ibang kaklase ko at mga players sa team.

"Hey! Guys!"

Napatingin sila sakin at halatang nagulat after ko sila tawagin. Lumapit ako sa kanila at binaba ang lunch box na dala ko malapit sa upuan nila.

"Ally, buti naunahan mo pa si coach," sabi sakin ni Kuya Chester bago niya ako apiran.

"Oo nga eh. Loko 'yung isang yun eh!" tinuro ko si Gab, at nanisi pa? "Grabe naman kasi si Gab eh, kung maka-urgent, wagas. Kumakain nga ako eh," sagot ko saka napakamot sa ulo.

"Sorry ah, kailangan ka lang kasi namin," sagot niya bago tumawa.

"Wow lang ha... hindi naman ako mawawala eh," pabiro ko sa kanila.

"Ally, hindi sa team, kay Gabby lang," pang-aasar sakin ni Harry bago tumawa. Si Gab naman, napayuko at parang natawa. Hay nako, pati ako kinikilig na sa inyo eh, lalo na kay Gab.

"Kaya ka tinawag nun, miss ka niya."

Napayuko na lang ako sa kilig. Pilit sinubsubsob sa pagkakayuko ang nararamdaman ko, sobrang cheesy naman kase, mukha rin namang corny. Nako nako Ally!

"Hay nako, mga pang-aasar niyo mga loko!" suway sa kanila ni Andrei. "Ganyan na agad ang buntad niyo kay Ally. Mahiya naman kayo oh, nag-iisang babae lang siya dito. Respeto po!"

Napabuntong-hininga na lang ako. Salamat Andrei pinagtanggol mo ako! Hayyysss!

"Team, buti nandito na kayo!" tawag na ni coach Basco na naglalakad na palapit samin. "Prepare yourselves for a serious meeting."

"Yes coach!" sagot naming lahat.

"Gonzaga, lahat ba present?" tanong ni coach sakin.

"Yes po coach, present po lahat," sagot ko.

"Okay, prepare a sheet of paper miss, then record all the details on our meeting. Okay?"

"Yes coach," sagot ko sabay labas ng papel at inihanda si ballpen. Okay, how will this meeting supposed to be?

Later on, nagsimula na ang usapan. They are talking about the plans and schedule ng practice para sa nalalapit na InterHigh District Meet. Lahat ng mga bagay na dapat ayusin, kabilang na sa mastery sa mga basic moves sa offense at defense, pati na rin ang ilan sa rebound, kailangan nang i-practice. Nag-assign na rin si coach ng mga pwesto ng mga players, kung center, forward o point guard. Habang sinusulat ko ang mga details, biglang tumabi sakin si Gab. He suddenly observed the details na sinulat ko.

"Pangit ng sulat mo," paasar na bulong niya sakin.

"Shut up," bulong ko sa kanya as I continued to write all the details.

Napatawa siya sa sagot ko, "Ikaw talaga, baka naman may binabago ka diyan ah!"

"Talagang may magbabago kung iniistorbo mo ako."

Natahimik itong katabi ko. Nakinig na lang siya sa mga sinasabi ni coach. I only sighed.

--

"Hey, tabi-tabi tayo dito oh!" sabi ni Andrei saming lima nina Gab, Harry, Mart at JB. Katatapos lang ng meeting at eto na ang time para mag-lunch. Nasa isang corner kami ng upuan sa court, nakaupo at hinahanda ang lunch.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon