******
Pagka-gising na pagka-gising ko. Mukhang ayaw ko nang lumabas ng kwarto ko. Mugtong-mugto na kasi ang mata ko kakaiyak kagabi. Yan ang napapala mo Ninako, ang masokista mo kasi! I thought to myself.
Ang pangit na tuloy ng mata ko! Kainis naman kasi! Bakit ba kasi pinapaiyak lagi ako ng mga tao sa paligid ko?
Baka nga pagna-sobrahan ako dugo na ang lalabas dito eh.
"Ate Ninako! Kakainin na daw, bumaba ka na dyan!" Narinig kong sigaw ng pinsan kong si Xailenne, 14 na sya.
Mabilis pa sa alas kwarto akong nagtago sa kumot ko. Eehh naman kasi! Ayaw ko ngang bumaba!
"Ate Ninako! Buksan mo na kasi! Alam kong gising ka na, dahil narinig kitang sumigaw kanina! Ate! Ate! Ano ba?!" Nakow! Mukhang nagagalit na sya.
Ang shunga mo naman kasi Ninako, bakit ba kasi may pasigaw-sigaw ka pag nalalaman? Shet lang talaga!
"Ate! Ate! Ate! Ate! Wag ka na kasing magtulog-tulungan! Ate Ninako!" Narinig kong mas lumakas ang pagkatok nya, "sisirain ko tong pintong to, sige ka! Pagkabilang ko ng tatlo!"
As if naman kaya nyang sirain yun, bata pa kaya sya at babae pa.
"Isa!" Narinig kong mas lumalakas ang pagkatok nya. Pero wapakels pa rin ako, hindi nya kaya yun.
"Dalawa!" Malalakas na katok na ngayon, sa tingin ko naman ay sinisipa na nya. Teka... mukhang sisirain nya na nga talaga?!
"Tat-!" Sisigaw na sana ako ng 'bababa na nga!' nang marinig kong napatigil si Xailenne. "Ako na ang bahala..."
Nanlaki agad ang mata ko at sinilip kung sino yun. Nagmukha na ako ditong sisiw na ewan, mukha ko lang kasi ang nakalabas sa kumot.
Pero yung boses na yun... "Ninako, buksan mo na ang pinto..." Mabilis pa sa alas kwarto ko binuksan at niyakap agad ang taong nasa labas.
Naramdaman kong nag-stiffed sya pero wala akong paki. Ang mahalaga ngayon ay nayayakap ko na ulit ang bestfriend ko. "Ninako..." narinig kong sabi nya.
Alam kong mag-m-mukha kaming mag-syota sa posisyon namin ngayon. Pero, ano naman? Namiss ko sya ng sobra eh!
"Ninako, bitawan mo ako." Biglang nagbulas ng kusa ang mata ko at inangat ko sa kanya ang tingin ko.
Maluha-luha na naman ako. Halos hindi ko na makita ang mukha nya dahil nag-tu-tubig na ang mata ko, "Dylan, pansinin ko na ako. Please... nami-miss na kita."
Hindi man lang sya tumitingin sakin at tinanggal nya ang braso ko sa pagkakayakap sa bewang nya. Bumaba na siya at nakipag-usap sa mga kaibigan at punsan ng pamilya namin. Tumulo na nga ang luha ko.
"LQ?" Halos mapatalon ako sa gulat ng makita kong katabi ko na si Xailenne. Nawala tuloy ang lungkot ko sa gulat sa kanya. "LQ nga? Ayiiee! Kaya pala ayaw mong bukasan ang pintuan mo eh."
I nearly laughed at the idea that my cousin thought Dylan and I are lovers. Nawala tuloy ang lungkot ko dahil kay Xialenne.
"Hindi 'no! Baliw ka na ba Xai? Alam ng buong mundo na bestfriends lang kaming dalawa, or more like mag-kapatid ang turingan namin. Yun lang talaga!" Sabi ko sa kanya.
Ngumisi naman sya sakin, "mag-kaibigan o magka-ibigan?" Saka sya tumawa. Nawala naman ang luha ko at napasimangot na lang ako sa kanya.
Tumigil naman sya sa kakatawa at nakangiting tumingin sakin, "pero sa totoo lang, bagay kayo ni kuya Dylan. Pinapaubaya ko na sya sayo kahit na sya ang greatest crush ko." Nakangiting sabi nya at tumakbo na pababa, "magkita na lang tayo sa baba!"

BINABASA MO ANG
This Unrequited Love (short story)
RomansA love that is never meant to happen... *** Mahal mo siya. Mahal ka niya. Congrats. Ako na nga ang talunan. Ako na nga ang hindi mahal. Ako na nga ang nasasaktan. Pero alam niyo ba? Nararamdaman niyo ba ang sakit? Hindi, diba? Kasi hindi niyo nam...