ako si ivan dela torre, mula imus cavite. ako ay 28 na taong gulang, at gumraduate na sa kolehiyo ng may diploma sa medics.
eto ang aking talambuhay, dahil pag ako'y namatay na, maalala ako ng aking mga magulang bilang ang kanilang paboritong anak.
sa ngayon, may nakilala akong binibining napaka ganda, mas maganda pa sa tala at sa buwan ng pinagsama.
ang kaniyang pangalan ay di ko sasabihin sa ngayon, upang protektahan ang kaniyang privacy.
ako rin ay nasa competisyon ng pagsusulat, pero sa ngayon wag muna nating intindihin yun.
time check muna tayo, 9:09 na ng umaga at wala pa kong agahan.
kaya kong magsalita ng apat na lingwahe, kaya't mag expect na kayo na ako'y papalit palit ng language dito.
ako ay nagsusulat nito upang malaman ninyo ang aking isipan sa aking araw araw na buhay, at sana lamang ay maintindihan nyo ko.
di ka nila maiintindihan. wala namang nakakaintindi sayo eh. tigilan mo nalang to. masamang ideya to.
shush! di ka naman kasama sa konbersasyong to bigla kang susulpot d'yan!
isipan mo ko. ako yung consciousness mo. ako yung pumipigil sayo na umamin na dun sa babaeng yun!
as i said, DI KA KASALI SA KONBERSASYONG TO! UMALIS KA NGA!
eto na eto na aalis na ko.
and by the way, aamin na rin naman ako mamaya. di na ko takot noh.
weh di nga? sige nga puntahan mo nga sya sa bahay nya kung talagang di ka takot.
sige ba! game on!
at maya't maya ay pumunta nga sya sa bahay ng binibining iyon, ngunit and kaniyang isipan ay nagmamadali paring takutin siya..
ivan. wag mo tong gawin. baka masaktan ka lang sa dulo. wag nalang.
di na ko takot. hayaan mo na ko.
Kumikibok na ang puso ni ivan. at sigurado naman akong di nya pagsisisihan to. diba?
to be continued..