Paano ba magmahal?
Masaya bang mainlove?
Paano kung masaktan lang ako?
Kailangan bang masaktan pag nagmamahal ka?
Di ba pwedeng happy nalang palagi? Yung walang problemang tinatahak. Walang ibang iniisip.
Sa pagmamahal ba kailangan talaga ng trust?
Araw araw na may communication?Tingnan nalang natin kung paano ko malalagpasan ang mga challenges sa tinatawag nilang Pag Ibig.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Kung mahal mo ipaglalaban mo. Yan na lang yung huling narinig ko mula kay Amy. Si Amy ay matalik kong kaibigan. Nagmahal sya ng todo't nasaktan. Nag walk out na naman sya dahil nga sinermonan ko na naman.
Ako nga pala si Jess. Jess Miranda. 23 years old. Baka akalain nyong ako ang bida sa storyang ito. Di po ako, si Amy po. Si Amy Ramirez. 23 years old din sya, pero mas matanda sya sa akin ng 2 months. Medyo complicated sila nung boyfriend nyang si Jackson. Si Jackson Park. Half Korean ito. LDR sila ngayon ni Amy. Doon kasi nakatira ang family ni Jackson sa Korea. Madalas itong pumupunta ng Pilipinas. At dahil nga LDR medyo nagkakalabuan silang dalawa. Wala na masyadong communication sa isa't isa.Amy's POV
Hoooy! Babaeng nanenermon! Jess!
Napalingon si Jess sakin na tila bang nagtataka.
Oh bat ka bumalik? Kala ko umalis kana?
Jeeeeeeeessss! :'( Ano nga? Jeeeeeeeeeessss! Mas lalo ko pang nilakasan ang pagtawag ko sa kanya para maramdaman nya kung gaano talaga ako kalungkot.Jeeeeeeeessssssss! Ano nga? Sagot ni Jess na parang naiirita na.
Naaalala mo ba yung panahon na mahal na mahal pa namin yung isa't isa? Naaalala mo pa ba kung paano nya ako niligawan? Tanong ko kay Jess habang naiiyak.
Tssss. Ammmy! Lasing ka na! Uwi na tayo. Ihahatid nalang kita sa bahay nyo. Baka pagalitan pa ako ni Tita Maris nito eh. Sabi ni Jess sakin habang inaalalayan akong makaalis sa bar. Oo nasa bar kami, nakatanggap kasi ako ng text sa pinakamamahal kong nobyo.
Ang sabi lang naman nya sakin makikipaghiwalay na daw sya. Ayaw na nya daw sakin. Sawang sawa na daw sya.Hooooy Amy! Tawag sakin ni Jess.
Ano ba? Tumahimik ka nga! May ikukwento pa ako sayo.
Naalala mo pa ba nung 5 years ago. Nung una kong makita si Jackson sa school natin? Tinanong ko si Jess, pero parang ayaw nyang makinig. Kahit ayaw nyang makinig ikinuwento ko parin.Throwback 5 years ago.
Ammmmmy! Tumigil ka nga muna! Yan! Nasasaktan kana naman! Paulit ulit ko ng sinasabi sayong wag ka masyadong maniwala sa sinasabi ng Kent na yun! Pasigaw na sabi ni Jess sakin.
Napatigil ako sa pagtakbo at unti unting humarap kay Jess.
Oh ngayon Jess, tama na lahat ng mga hinala mo! Tama ka na naman at mali na naman ako! Yan naman ang parating nangyayari diba? Kay James, kay Christian, at ngayon kay Kent na naman. Nagkamali na naman ako! Kailan pa ba ako makakakita ng matinong lalake ha? Kailan? Sabi ko kay Jess na naiiyak.
Amy?
Jess! Sabi ko kay Jess bago pa sya magsalita.
Jess, iwan mo muna akong mag isa. Please lang. Sorry kung sinigawan kita. Sorry.
Sabi ko kay Jess at umalis.Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin. Iniisip kung ano ang idadahilan sa mga magulang ko. Gabi na kasi. Yung parents ko strict sila. Di nga nila alam na nagkaroon ako ng boyfriend. Bawal pa ako nun sabi ng mama ko. Dapat maka graduate muna daw ako ng college bago ako magka bf. Hahaha. Matigas talaga yung ulo ko no. Kaya iniiwan ako. Kasi matigas ang ulo ko.
Ammmy!
Ayy! Ayy! M-m-ma ma! Sabi ko kay mama. Nanggugulat kasi eh. -.-
Bat gabi ka na naman umuwi ha?
Ma? Kasi nga naman hinabol ko pa yung boyfriend ko na iiwanan ako.Ano!? Boyfriend?! Amy! Sabi ko naman sayo ipinaghihigpit ko na bawal makipag relasyon! Sabay hampas ni mama sa braso ko.
Ayy! Ma! M-m-mali po yung iniisip nyo.
Anong mali? Ha? Sabi mo iniwan ka ng Boyfriend mo! Ha? Sige ipaliwanag mo kundi uupakan kita!
M-m-m-m-mama. Kasi po, yun po dapat sasabihin ko sa mama ni Jess. Nakita kasi ni Tita Marie na may kasamang lalake si Jess kaya yun gumawa kami ng palusot sasabihin ko sana sa mama nya na akin yung lalaki. Basta ma. Ipapaliwanag ko nalang sayo. Papasukin mo muna ako. Sabay himas sa braso ni mama.
Oh sya! Sya! Ge! Mag kwento ka ha.