"Hwag ka na ngang umiyak hayaan mo yung lalaking yun." Ginulo niya yung buhok ko at saka siya ngumiti. Humiga ako sa damuhan nandito kami sa likod ng hospital, dito niya ako dinala. Pinunasan ko yung mukha ko—Tama nga naman, bakit ko iniiyakan yung lalaking yon.
"Pero nakakapanibago yung mokong na yun niregaluhan ka pa nga niya nung Christmas party natin, naaksidente lang ay ganun na ang pakikitungo niya sayo. Well, ayos na rin yun para solo kita!" Tumawa siya ng malakas.
Tumagilid ako ng higa para humarap sa kanya. Ngumiti ako at marahang pinisil ang ilong niya.
"Pabor sayo yun a." Nakangiti kong sabi at saka pumikit.
So—ngayon naman ay ipinagtatabuyan niya ako ulit? Ha! Yun ang gusto niya? Sige lang! Akala niya ipipilit ko ang sarili ko—ulit? Nagkakamali siya.
"Anong iniisip mo? Ngumingiwi ka na dyan." Niyakap niya ako.
"Pinarusahan lang kita sa isip ko." Biro ko sa kanya saka gumanti din nag yakap sa kanya.
"Bawal ang PDA dito!!" Napalayo ako bigla kay Clint at tumingala para makita ung sumigaw.
"Loko ka Nathan!" Kinurot ko yung paa niya at natatawa siyang lumayo sa akin.
"Sabihin mo lang kung nagseselos ka." Tumayo si Clint at binatukan si Nathan.
"Talaga! Ako lang ang pwedeng yakapin ni Gabbi no. Diba Gabbi myloves!" Niyakap niya agad ako kaya napailing na lang ako sa ginawa niya.
Nagpunta kaming tatlo sa ICU dahil nagrereact na daw ang katawan ni Cheska at anytime pwede na siyang gumising. Tumingin ako sa loob pero agad ding nag-iwas ng tingin doon—nasasaktan ako. Sana pala ay hindi na ako sumama dito sa loob.
Si Mama—nakabantay pa rin hanggang ngayon sa kanya. Nangangayayat na siya—haaaaaay.
"She's worried. Intindihin mo siya." Lumingon ako sa tabi ko—ang Daddy ni Cheska.
"Y-es Sir. Im worried too—napapabayaan na niya ang sarili niya." Sumulyap ako kay Mama na ngayon ay inaayos ang kumot ni Cheska.
"Hwag ka sanang magseselos kay Cheska. Siya ang tunay na anak kaya hwag ka ng makihati pa."
Natigilan ako sa sinabi niya—sa oras na to ay gusto ko siyang sigawan! Pero pinapaalala ko sa sarili ko na MAYOR ang kaharap ko.
Umalis siya sa tabi ko at pumasok sa loob ng ICU.
Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi na niya kailangang ipamukha na si Cheska ang tunay na anak—sampal na nga yon sa mukha ko ngayon!
Naglakad ako palayo doon dumaan ako sa Fire Exit pero agad akong napasandal sa hagdan ng hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Ganun na lang yon? Ako ang malalayo? Ako ang papaalisin? Ako ang mawawalan? Mama ko rin naman siya pero ano nga bang laban ko sa tunay na anak diba?!
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...