Seenzoned lang ako (one shot)

6.8K 371 97
                                    

" Bakit mo ako sineenzone ha? ha?" nanggagalaiti kong tanong hinawakan ko pa siya

" Nasaktan ako nung sineenzoned mo akoooo" niyugyog ko naman siya at nagbigay nagmamakaawa na mukha

"Kahit simpleng 'hi' lang , di mo maibigay? Walang hiya ka!" pinalo ko naman siya

" Ang manhid manhid mo! Di ka manlang nasaktan dun?huhuhu" unti-unti akong napaupo sa harap niya at umaktong umiyak

" Okay,cut!" sabi ko at tumayo naman at tinignan ang aking mukha sa salamin. Ang salamin po ang kinakausap ko pa kanina pa hindi si crush kahit gusto kong sabihin yun. Wala akong mukha na maihaharao kapag sinabi ko yun dahil tatago ang mukha ko edi ang weirdo! Di joke lang!

" Ang galing mo talaga! Best actress kana!" nagapprove nalang ako at tinignan ang repleksyon ko sa salamin ng aking kwarto

*pop*

Mabilis akong napalingon sa laptop ko nung may biglang nag-pop na message sa messenger ko sa facebook at agad na lumapit sa laptop at napatingin kung sino ang nagmessage

Mikka Santos

Napasimangot naman ako nung ang nakita kong pangalan ay kah bestfriend, psh. Kulit!

Mikka
Seenzoned?

Dahil sa chinat niya sakin ay sineen ko nalang siya at napasingkit ng mata. Hmp! Bahala ka

Mikka
Ui joke lang! Toh naman di mabiro

Aba, talaga lang , masakit kaya maseenzone

Lagi nalang, minsan nga eh nagdadalawang isip pa akong ichat siya kasi naman lalaki siya , dapat siya mauna. Pero ang tanong, crush ka ba niya? Hindi. Kaya no choice, ako nauna magchat

By the way, Im Joanna, the feelingera na wala nang pag-asa. Bakit walang pag-asa? Dahil lagi nalang ako seen. Hi ? seen. Kumusta ka? Seen. Puro nalang seen. Pero atleast napan-seen
Ohdiba? Yiieee!

Joanna
Tingin mo, kailangan ko nang gumive-up

Mikka
Wag!

Joanna
Bakit?

Mikka
May surprise ako sayo bukas!

Joanna
Bakit ? Di ko naman birthday bukas at di naman ako patay o ano

Mikka
Bakit, kailangan bang may birthday o mag mamatay?

Joanna
Hoy! Kaloka ka, bakit mo naman isusurprise ang patay, baka magising yun! Tanga mo talaga

Mikka
Hala! Ikaw lang nagsabi niyan!

Ako daw? Siya nga yang nagchat nang ganun eh! Blaming others talaga. hmp!

Sineen ko nalang siya dahil walang patutunguhan to, puro talaga kalokohan. Haay , ewan ko nga bakit ko yan naging bestfriend, matino naman ako

Naglog-out nalang ako at in-off ang laptop. Tapos tumalon ako at humiga sa kama

Haaay , kelan kaya niya ako mapapansin . Makatulog na nga lang!

Maaga akong nagising at napapunta sa eskwela. Plano ko kasing matulog dun kasi kung sa bahay ako matutulog, panay ingay na naman si mama kaya dito nalang

Dumiretso agad ako sa classroom at agad na napamukmok sa desk ko. Haay , seenzoned nalang lagi kaya nas mabuti na munang matulog. zzzzz

Napagising ako nang dahil sa ingay. Nagkusot ako ng mata at napatingin sa ginawa nila

" Oi! Gising ka na pala. Kanina ka pa tulog-mantika dyan. May ipapakita si mama gamit ng power point projector" ganyan talaga si maam kapag marami na siyang kailangang isulat, mas minabuti nalang magprojector

Ahh, yan pala ginagawa nila ngayon kaya maingay. Napatingin tingin nalang ako sa paligid at napakunot ng noo dahil di ko siya makita

" Wala ba si Martin?" bulong ko kay Mikka kaya napatingin siya sakin at ngumiti " Wala eh, absent" napa-pout nalang ako at napatango tango

Sayang naman, gusto ko pa naman magconfess ng harap-harapan kasi nagconfess ako kagabi pero seen lang pala ang reply niya sakin, di pala reply , seen lang pala dapat sa akin. Shucks!

Nagsimula na ang pagplay ng projector at napakunot ako ng noo at pilit na intindihan at magloading ang mga piniplay ng projector

Messages from my crush

yan ang unang lumabas
huh? yan ba topic namin ngayon? bakit naman magdidiscuss si maam ng crush for inspiration

hi

di makita ang pangalan dahil blur o ano, mukhang sinadya tapos hi ang sunod na lumabas

may sasabihin sana ako

teka! parang pamilyar yang sinusulat nung crush niya ah

gustong-gusto talaga kita

Napahiyaw ang mga tao kaya napatingin ako sa kanila. Karamihan kinikilig, ang iba naman ay nakangiti, ang iba nga ay nakatingin sa direksyon ko kaya napalingon ako. Ako ba tinitignan nila?

Di ko nalang sila pinansin at napatingin ulit sa piniplay ng projector

..Martin

Napalaki ang mata ko, ako ba ang nagconfess niyan? ako ba ang crush ni Martin?

Mas lalong humiyaw at naging maingay narin ang classroom

ang nagconfess ay si...

Mabilis naman ako tumakbo at hinarangan ko ang piniplay dun sa may pader na maputi pero sa tingin ko, makikita parin nila

crush..

Yan ang nakita ko nung napatingin ulit ako sa piniplay kaya napahinga ako ng maluwag at maglalakad na sana pabalik ng upuan pero may nagsalita

" Ikaw ba ang nagconfess, Joanna?" nakakalokong ngiti na tanog ng lalake kong kaklase kaya ngumiti ako pero peke at umiling. Sipain kita dyan eh

" Eh bakit mo hinarangan?" tanong ng kaklase kong babae

" Baka, baka kasi di pa alam ng babae tapos pinagtawanan niyo na siya atsaka baka mahiya yun" sabi ko nalang sa kanila at nandun pari ang kaba

" Sino ba sa tingin mo ang babae, Joanna?" aish! ang daming tanong! Hindi naman ako ang nagplay o gumawa niyan para maproject haaay

" Ewan" nagkibit-balikat nalang ako at umupo na sa aking upuan. Buti wala nang tanong

Sineen ko lang siya, dahil...

yan ang nakita ko sa projector na nagpakunot ng noo ko

nagsulat din ako at rereplyan ko sana...

sorry,

napalunok agad ako nung unang salita palang at napayuko

naging torpe ako..

napahiyaw ang mga tao kaya napatingin ako, ano naman kung nagig torpe siya, duh?

gusto kong sumagot ng i love you...

*lub dub*

Agad na tumibok ang puso ko sa sulat na yun at hindi na kailan man narinig pa ang hiyawan nila kundi ang mabilis na tibok ng puso ko

pero naglog-out na siya :'(

oo, naglog out agad ako, sineen mo ako eh! aish! kung sana di ako agad naglog-out. Pero, ako ba?

Nagulat nalang ako nung bigla nang nag-off at tapos na ang pinoproject kaya napakunot ako ng noo. Yun lang?

Pero rinig ko parin ang hiyawan nila. Ano bang nangyari sa kanila? Aftershock? May kilig kilig pang naiwan?

" Mahal kita"

*lub dub*

Napatingin lang ako sa kanya at ngumiti nung sinabi niya yun malapit sa tenga ko o sa kanan na balikat ko

" I love you" yan nalang nag minouth ko

Oneshot: Seenzoned lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon