Ayan nanaman s'ya, panay titig sa'kin habang ngumingiti ng malapad na kay ganda at nakakatunaw pagmasadan. Sa puntong to, wala na talaga. Hindi ko na mapigilan o maitanggi na nahuhulog na talaga ko sa kanya.
Shettt, napasobra ata titig ko pabalik sa kanya, bakit s'ya papalapit sa'kin, hindi na rin s'ya nakangiti, nailang ba s'ya sa'kin? Masama ba tingin ko sa kanya kanina? Hay bahala na!
"Keithh!! Hiii!" bungad ni Alex at sabay ngiti ulit ng malapad, sa ganito kalapit kitang kita na dimples n'ya na napaka cute talaga. Kala ko kung ano na, haa.
"Pansin ko lang kanina ka pa nakatitig sa'kin ah, crush mo'ko nooo" pabirong sabi ni alexa na bigla ko namang ikina bulunan kahit na wala naman akong iniinom na tubig.
"Kulit mo pres, tapos mo na ba yung assignment sa math ha" pabalik kong sabi na ikinahinto ng kanyang paghalakhak at napalitan ng gulat at kaba ang kanyang mukha.
"Hala oo nga pala, pano to next period na natin si ma'am Ocampo" Sambit n'ya ng may pag-aalala
Tipikal na pres namin nga naman oh oh, pero cute naman s'ya ako na bahala HAHAHAHAHA.
"Hay na'ko pres, sa dami ng pinagkaka abalahan mo nakalimutan mo nanaman na may assignment tayo sa math"
"Ay Keith!! Tamang tama, hehe patulong akoo!" Shutaa nakakapanghina naman ng tuhod yan, apaka cute. Pero hephephep, sisingit ko muna kalokohan ko.
"Luh, kaya mo na yan pres laki laki mo nang bulas ehh" sabi ko at sabay naman ang kaniyang pagsimangot
"Sige naaa, libre kita mamayang lunchh, pleasee?" Wala na. Bakit pagdating talaga kay Alex ang hirap huminde, gets ko naman na kahinaan ko na ang magaganda na kasama sa pagiging bading pero sobra natoo, ARGHH
I composed my thoughts before replying to her, "Sige, ahh lika dito pres dito tayo sa seat ko banda, dalhin mo mga materials na kailangan" sabi ko habang itinatago ang pagka kilig ko, yes! makakasama ko s'ya mamayang lunch!
"Yeheyy!! The best ka talaga Keith! Kaya sa'yo ako ehhh" she said as she skipped happily, leaving me embarrassed. Hayy, grabe kana pres.
Bumalik s'ya at sakto na nagding ang bell na hudyat na katatapos lang ng break time.
"Patay, five minutes na lang papasok na si ma'am Ocampo, oh pres kopyahin mo na lang muna. I'll explain everything later, okay?" Sabi ko sabay ng pag ngiti ng maliit sa kanya, na kanya namang ibinalik ng ngiti ng pagkagalak din.
"Okay, good morning class, take out your assignments I'll be gathering them later, along with your activity sheets that I am about to give right now." Pagbungad ni Mrs. Ocampo na binalik lang ng dismayang mga tunog ng mga estudyante n'ya, syempre di ako kasama don, paborito ko ang matematika eh, hehe.
Balik kay Alex na kinakabahan na ng sobra habang kinokopya ang aking gawa.
"Ms. President, asan ka? Kindly distribute these to your classmates so we can start right away." Sabi ni ma'am Ocampo na palingon lingon, hinahanap si Alex.
"Yes ma'am, right away" reply naman n'ya habang nakangiti
"Ako na bahala dito pres, go" Pagbulong ko sa kanya habang nakangiti ng maliit na kanyang ibinalik ng malapad.
"Sabay tayo uwi mamaya, libre din kita ice cream, savior of the day kita ngayon Keith" Sambit n'ya sabay yakap sa akin na aking ikinagulat ngunit ikinatuwa. Grabe sana walang makahalata na pulang pula na'ko. Pres kasi daming alam, may payakap pa.
Matapos ipamahagi sa lahat, umupo ulit s'ya sa tabi ko. Teka, asan na si Edrix, s'ya naka-upo dito ah. Bigla ko s'yang natanaw sa bandang gitna nakaupo sa upuan ni pres sabay lingon sa'kin at kumindat pa. Aba'y ayos, bff ko na s'ya ngayon.
"Heyy Keith, kiss ka sa'kin pag tinulungan mo ako right now dito" sabi ni pres na nakakaloko.
"weh di nga?" Aba'y uto-uto si gaga, hay na'ko Keith sabog ka nanaman
"Ayaw mo? Edi wag" Bigla ako napasimangot ng kaunti subalit sa halip na ito'y mapansin ni pres nakuha ang atensyon naming dalawa sa kaklase namin sa likod.
"Mamaya na harot, kayong dalawa talagaa. May activity pa tayo no" sabi ng nasa likuran naming kaklase sabay tawanan kami ng mahina, mahirap na sakit pa naman ni ma'am sa puyo pag nagagalit.
Ang saya sana ng lahat ng pangyayari ngayong araw, pero hindi ko pwede bigyan ng meaning lahat ng gestures ni pres, hindi ako pwede mag assume na may pag-asa ako sa kanya kasi Alexandra Jane Castillo, have a boyfriend.
BINABASA MO ANG
Kabaklaan Series (President Of Class II)
Romanceey librong bata po ito pero di pambata pero ayon so wag sana kayo mag expect ng higher than mount everest na tipo ng story anwy OKAY GORA