King's POV
"Jusko! Jusko nga naman po oo! Babae ba yun?" Pabulong kong reklamo.
"Dinaig pa si mayweather kung makasuntok"
Nagskate nalang ako ulit papunta sa dapat kong puntahan. Loko talaga yung babaeng yun! Pagdiskitahan ba naman tong gwapo kong mukha? Aba!
"Brad!" Bati saakin ni Gasper Medina. "Matindi ka ah, bat nadugo yang bibig mo? Sinong kumgat?"
Sira ulong manyak to.
"Ulol! Yung babae dun, ginawa ba namang punching bag ang napaka gwapo kong mukha?" Tsk.
"Ano nanaman bang kalokohan ginawa mo ha hari ng tondo?" Tanong saakin ni gasper habang umiinom ng kape.
"Putragis sabi ngang hari ako ng kagwapuhan eh" eto talagang gas gas medicine na to oh nakalimutan niya pa? Aba!
Natawa nalang si gas gas
"Eh nabundol niya ako. Binunggo niya yung hari ng kagwapuhan. Ehhh, ayun.. Ano.."
"Sinigawan mo, kaya ayun, nasapok yang pagmumukha mong inidoro" pagpapatuloy ni gasper sa sinasabi ko.
"Hoy! Ikaw ang mukhang tae!" Umalis na nga ako at nagpunta sa kahit saan.
Naglakad lakad nalang ako, tinamad na ako mag skate, wala namang kwenta to, wala akong ka jamming.
Habang hawak ko ang board ko, nahagilap ng aking napakagwapong mga mata si Cassandra Ruiz, ang liniligawan ni danilo ford for 2 years. Matinde diba?
Nakita ako ni cassandra, nginitian niya ako at ganon din ako sakanya. Linapitan niya ako. Mukhang may sasabihin kaya tumigil muna ako sa paglalakad.
"King, where's Dan?" Tanong niya
"Aba, malay ko ba kung saan nag susuot ang alaga mong unggoy."
"King!" Mahinang pasigaw niya
"Hehehe ewan. Baka kasama si Pika." Tumango siya at pinagmasdan ang paligid.
"Okay then, I have to go na, bye king!" Umalis na siya at nginitian ko naman.
Ohmygas per medina nagugutom na ako.
Pumunta ako sa cafeteria ng university. Konti palang ang tao.
Umorder ako ng Pizza at Iced Tea. Sht all time favorite. Tapos binuhos ko pa yung hot sauce sa pizza! Yeah baby!
Pagkatapos ko kumain, dumeretso ako sa building A at nag ikot ikot. Putspa naman! Yung best friend kong unggoy di mahagilap eh! Si Mister Danilo Ford.
Wala tuloy ako kasama. Pwede ba ikaw nalang? Hahahahahaha PANIS!Habang naglalakad ako, may tumawag sakin, si Christian Black. Kaya lumingon lingon ako para hanapin si pipty shades of black.
"Yo!" Sigaw niya
"Oy." Sabi ko
"Parang ang lumbay ng baby namin?" Putik bakla ba talaga to si black?
"Kingina mo bakla" sabi ko
"Oy gago ka mas bakla ka boy!" Pang iinsulto ni pipty
"Diyan ka na boy! Ulul" tapos iniwan ko siya magisa dun.
Pero sinundan ako ng baklang to aba. Malandi!
Bala ka diyan.
Sunod lang.
Sige lang.
Hindi niya ata nahalata na kanina pa kami ikot ng ikot sa building A? Hahahaha boombobo!
"Kuya King, where's the photography or whatever room?" Tanong nung babae saakin.
"Anong whatever room?" Sira ba kokote neto? Yung photography room alam ko, eh yung whatever room? Boombobo. Maganda sana pero tanga naman. Hays.
"I mean the photography room" Ayun! San nanggaling naman kasi ang whatever? Maka big english word lang si ati eh. Tsk.
"Sa 3rd floor, turn left and yung pangalawang room yun na yon."
"Thanks kuya king!" Tapos umalis na siya. Ako kasi ang.. Ang tour guide nila eheheheheehhehehehe
**
"Ay salamat! Si Danilo ay nahagip din sa wakas! San ka ba galing?" Tanong ni Pipty shades.
"Kasama ko si Pika, we finished our paperworks para naman chill na kami ngayong week" yeah baybeh. Busy si manong eh, nagaaral palang yan pero siya na pinapaasikaso ng mga magulang niya ng business nila ng pinsan niyang si Pika Choo.
"Ang lamya ng araw ko dahil wala ka bebe ko" paglalambing ko kay Danilo
"Pucha ayan nanaman tayo sa DanKin Donut loveteam." Pagrereklamo ni Pipty shades.
"Wag ka na mainggit black, sa dinami dami ng babaeng sinulot mo eh nagseselos ka parin samin? Wag na beh. Kay Gasper ka nalang, nagmamahalan na kami ni dan dan hihihi"
"Pucha kadiri mga sira ulo ulul! Sigaw ni Pika.
"mishu bebe qu, sleep na me, suot ko gift mo hihihihi mwa!" sabi ko kay danilo
"Gagu ka king" aray!!! Pinagtaksilan na ako ng honeybunch ku. Huhuhu
BINABASA MO ANG
Our Love Game
Romance"This game you have started should be finished as soon as possible" -Queen Bhi