One Side Only (One Shot)

269 22 27
                                    

Oo.. masakit.. 

Gusto mo siya.

Gusto mo na magustuhan ka rin niya.

Kaso di naman gusto ni pagkakataon. 

Anong magagawa mo?

Nganga na lang. 

It's really tough when the feeling isn't mutual. 

Kahit anong ipiliit mo, kung hindi pwede, hindi pwede kaso aminin mo nang makulit talaga ang puso mo at hindi makaintindi ng salitang "hindi pwede".

Mahirap kapag walang nagbabalik ng pagmamahal sa'yo. Para ka na ring nagmahal ng isang bato. Even if you did everything, you'll still get no response. Masaklap. 

Mas madali nga lang kung lagi siyang nasa malayo. At least kahit papaano, nakasanayan mo nang pagpantasyahan siya kahit ganoon lang at naitatak mo na sa isipan mo na hanggang pangarap mo na lang siya. 

At least alam mo na kung hanggang saan ka lang dapat.

Pero papaano naman kung malapit sa'yo?

Mas mahirap kapag yung taong yun, nakasanayan mo nang laging nasa tabi mo. Dahil nga nagmamahal ka, though one sided only, you misinterpret his actions. Simpleng actions lang niya, nilalagyan mo na ng kulay. Kahit walang meaning sa kanya, sa'yo sobrang meaningful. Nagkakaroon tuloy ng idea sa utak mo na baka may nararamdaman na rin siya para sa'yo. 

Tandaan,, assuming really hurts.

Well, ganoon talaga. 

Hindi sa lahat ng pagkakataon, makukuha mo ang lahat ng gusto mo. 

We know that everything has a reason but that reason really hurts us.

Maraming tanong gaya ng bakit hindi pwedeng ako? Bakit siya pa ang nagustuhan niya? Anong meron siya na wala ako? Hindi niya ba ako napapansin all this time? Panget ba ako? 

Endless questions. Minsan kahit ilang taon na ang lumipas, di mo pa rin nalalaman ang kasagutan. 

Pero isipin mo na hindi naman sa lahat ng pagkakataon, puro pain ang naramdaman mo. Kahit papaano, nagkaroon ng kulay ang mundo mo. Kung di dahil sa taong yun, hindi ka sisipagin bumangon araw-araw, di ka magkakaroon ng interes para mag-online at i-check kung naka-online siya, hindi mo maiisipang mag-load, hindi ka gaganahang pumasok sa school o opisina, hindi makukumpleto ang araw mo, at higit sa lahat, hindi mo mararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso mo. 

Though one-sided lang, at least, normal ka! Normal kang tao na nagmamahal at na-a-attract sa kapwa mo. 

At dito, LIBRE KA MAGMAHAL. 

Yun nga lang, di ka masusuklian but despite of that, sa talambuhay mo, natuto kang magmahal. 

Basta tandaan mo lang ang number one rule sa one-sided love. 

NEVER EXPECT THAT PERSON TO LOVE YOU BACK OR ELSE YOU MIGHT HURT YOURSELF MORE. 

Pero wag mo hayaang maburo ka na sa ganyang klaseng pagmamahal. Darating din yung time na makakalimutan mo yung feelings at magagawa mong pagtawanan na lang yung mga kadramahan mo sa lovelife mo. 

Darating din yung time na may magmamahal sa'yo. 

At sa time na yun, wag ka magsawang iparamdam kung gaano mo kamahal ang taong yun. 

TIWALA LANG.

THE RIGHT PERSON WILL COME TO YOUR LIFE ACCORDING TO GOD'S PLAN :)

One Side Only (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon