IRINA
It's been two years, nakatungtong na ako sa hayskul at heto alas cuatro na ako naka-uwi kasi gawa ni Ma'am Lim, lagi na lang pa-impress kay Ivan na halatang sila lang naman ang nag-uusap kapag Math subject na. Maigi na lang din nakakopya ako kay Kim kung hindi yayariin na naman ako ng matandang tukluban na 'yon.
"Irina!"
Ano na naman kailangan niya? Mang-aasar kasi pinaglinis ako? Grrr...
"Irinang binge!"
Humiyaw ka riyan hanggang sa mawalan ka ng lalaugan, pake ko saiyo.
Bibili pa ako ng bigas saka delata para tipid, ah! Dapat pala makabili ng itlog para mas super tipid!
"Aray!"
"Kanina pa kitang tinatawag bingeng babae."
"Bakit ka namamatok?" Kung hindi ko lang crush 'tong punggok na 'to sisipain ko na 'to eh!
"Sasabay kasi ako."
"Ed sumabay ka? Ano kailangan pa kitang i-holding hands diyan, ano ka bata?" Kakairita eh!
"Bakit ba init ng ulo mo ha?"
"Feeling close at may pag-akbay ka pa? Alisin mo nga 'yan?" kinapitan ko ang kamay niya saka inalis sa balikat ko.
"Nainis ka kasi pinagtritripan ka na naman ni Ma'am. Bakit ka kasi hindi gumawa ha, at umaasa ka sa pangongopya? Nahuli ka tuloy,"
So iyon lang talaga sasabihin ng kumag na ito? Kung alam lang niya ang ginawa sa akin ni Ma'am Lim...
Tiningnan ko ang hambog, "Purkit Mathematician ka Sir Ivan, at pinaka! Pinakapaborito ni Ma'am ay wala kang kahirap-hirap sa subject niya."
"Gagawa ka lang ng takdang aralin Irina—"
Inalis ko muli ang pagkaka-akbay niya sa akin.
"Umuwi kang mag-isa mo!" hiyaw ko na nagmabilis na akong lumayo sa kanya.
Dumiretso akong South Emerald na kung saan nagkita kami ni Nicole roon, maaga siyang naka-alis kasi isa rin siyang Mathematician kagaya ni Ivan, dapat sila magkatuluyan eh!
Bumili na ako ng dapat bilhin habang si Nicole iyong gusto niyang ipangpasalubong sa kanyang ina ang kanyang binili. Pagkabayad, inilagay ko ang bigas mismo sa pack bag kong itim.
Takte! Ayaw magkasya!
"Miss oh, panyo," abot ng lalaki na nagwowork sa tindahan ng isang panyong kulay krema kay Nicole.
Nagagawa ng mapuputing babae malimit tinuturing ng mga lalaking parang prinsesa...minsan nakaka-inggit ang mga kagaya ni Nicole, maputi, maganda, magaling sa akademya, habulin pa ng mga manliligaw. Paano kaming hindi maputi? Basura na lang or option na lang ganoon?
"Iyong ako nahihirapan tapos ikaw iyong parang hirap na hirap," wika ko na naayos ko naman na ang bag ko.
"Tulungan na kita Ma'am," saad ng isa pang lalaki.
Kung kailan...
"Huwag na kuya salamat!" agad akong umalis na hindi ko na rin pinansin si Nicole.
BINABASA MO ANG
Imperfect
General Fiction[OLD] Sa paglipas ng taon, nanatili si Irina bilang siya ngunit tanging pinagkaiba lang sa noong hayskul siya at ngayon ay lumalaban na siya pabalik. Malimit na biktima si Irina ng bully na hindi niya aakalain sa ikalawa niyang kurso'y hindi lang es...