1

130 8 2
                                    

Callie's POV


Nandito ako ngayon sa bahay ng isa sa mga tinuturuan kong bata, napaka ganda ng buhay na meron si Andrea, may komportableng buhay sya kagaya ko noon. Nakakainggit lang kasi buo sila ng pamilya nya.

Naalala ko pa noong buo pa ang aming pamilya, sabay sabay din kaming kumakain kagaya nila Andrea.

Iniwanan ko muna si Andrea habang nagkukulay ito. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya nila Andrea kasi isa sila sa tumulong sa akin noong panahong walang wala din ako. Mabuti nalang at nakilala ko sila at bilang bayad ko sa kanila, bolontaryo kong tinuturuan si Andrea ng mga school activities nya.

18 years old palang ako ng matuto na akong magtrabaho sa kung saan saan, nagtinda ako sa palengke, naging helper ako sa karinderya para lang maitawid ko yung pang araw araw na pangangailangan ko. Natutunan ko na hindi pala ganon kadali mamuhay mag-isa.

"Hija magsnacks ka muna." Sabi ni Ginang Gonzalez, Mama ni Andrea.

"Maraming salamat po Tita." Sabi ko at naupo ako sa dinning chair nila. Habang nagkukwento si Ginang Gonzalez, hindi ko maiwasang mag-isip at alalahanin ang nakaraan ko.


"Lumayas ka dito! Hindi kita kailangan sa pamamahay na ito!" Rinig kong sigaw ni Daddy kay Mommy.

Alam ko namang ayaw ni Daddy kay Mommy kaya madalas nyang napagbubuhatan ng kamay si Mommy at kung minsan napagbubuhatan din ako ni Daddy. Hindi ko alam bakit nagbago na naman si Daddy, nitong nakakaraang araw maayos naman sya at madalas naman kaming nagkakasabay sa pagkain namin ng dinner. Wari ko ay napadami ang inom ni Daddy ng alak kaya nagkakaganito si daddy.

"Ano bang gusto mong gawin ko?" Umiiyak na sabi ni Mommy.

Narinig ko na may kumalabog ng malakas kaya nagulat ako at napatakbo ako patungo sa kwarto nila Mommy at Daddy. "Tinatanong mo kung anong gusto ko ha Amira!" Malakas na sigaw ni Daddy, naririnig ko din na parang humihiyaw si Mommy sa sakit.

"F*ck Amira! Alam mo kung anong gusto ko na gawin mo! Ang gusto ko MAWALA KAYO!" Malakas na sigaw ni Daddy.

Habang nakikinig ako sa pag-aaway nilang dalawa hindi ko na namalayang umiiyak na din pala ako. Napapatanong ako sa isip ko ano bang nagawa ni Mommy para tratuhin ni Daddy si Mommy ng ganon.

"Yang si Callie? Baka nga hindi ko anak yang batang yan! Pinaako mo lang ata sa akin yan! Hindi ikaw yung gusto ko na maging ina ng magiging mga anak ko! Yung bestfriend mo ang gusto ko at hindi ikaw!" Malakas na sigaw ni Daddy. Puro hikbi ni Mommy ang naririnig ko, sinubukan ko na pumasok sa kwarto ngunit naka locked ang doorknob.


Alam ko na anak ako ni Daddy dahil ilang beses na din nila akong pinapaDNA test, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nagdududa pa din si Daddy.


" Peter alam natin na anak natin si Callie, bakit ba hindi mo sya matanggap tanggap?"





"Because she's one of the reason kung bakit hindi na kami magkasama ni Olive!"

"Bullsh*t! Matagal ng patay si Olive!Kami yung nandito ni Callie bakit ba hirap na hirap kang kalimutan yung babaeng yon!" Sigaw ni Mommy at narinig ko na sinampal ni Daddy si Mommy.

"Daddy open this door! Don't hurt my mommy!" Malakas na sabi ko habang umiiyak.

"Shut up Callie! Go back to your room kung ayaw mong masaktan kita!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll be homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon