"Oh mare, handa ka na ba sa binyag ni Maxim Andrea?" nakangiting tanung ni Arbie kay Dilyn.
"Oo naman ako pa!" sagot ni Dilyn.
"Look mo yon oh! Hindi na naalis ang tingin sayo!" tudyo ni Arbie kay Dilyn.
Nakatingin kasi si Cj kay Dilyn na halos hindi na kumukurap.
"Wag ka maingay mare!" kinikilig namang awat ni Dilyn kay Arbie.
"Oo na sige na ikaw na ang inlove!" ani Arbie saka sinabayan ng tawa.
Napapangiti si Arbie at Aj habang pinag mamasdan ang dalawa sa 'di kalayuan, sina Dilyn at Cj parang kaylan lang ganuon sila noon ni Arbie, binyag din noon ng anak ni Jocelyn at Nessah parang nauulit lang ang eksena ngunit kay Cj at Dilyn naman.
"Akina muna si Maxim friend." ani Dilyn kay Arbie.
Nag kakawag naman ang bata na gustong sumama kay Dilyn.
Humagikgik pa ito ng maabot ni Dilyn ang mga kamay ng bata.
"Wow! Ang sarap siguro ng pakiramdam na may kinakalong na baby na matatawag mo na iyo talaga!" ani Dilyn at pinag hahalikan ang kalong na bata.
Hindi naman natiis ni Cj na lapitan ang babaing nag patibok ng kanyang puso.
"Hi, you look great sa suot mo, saka bagay sayo ang may baby na!" bati ni Cj.
"Talaga? Gusto ko na nga ring mag ka baby eh!" sagot naman ni Dilyn.
Napahinto si Cj sa narinig kapag dakay may naisip na kapilyuhan.
"Eh di kung gusto mo gumawa na tayo, gusto ko na ring mag ka baby eh!" ani Cj.
"Naku ikaw ha! Bakit hindi ang mga girlfriend mo ang buntisin mo ng mag ka baby kana!" ani Dilyn ngunit bakit pakiramdam niya tutol ang kanyang kalooban sa sinabi.
"Ayaw ko sila, gusto ko kung mambubuntis lang din naman ako duon na sa taong alam kong responsable at mamahalin ang mga anak ko, alam kong ganun ka payag ka ba?" tanung ni Cj.
Halos masamid si Dilyn sa mga binibitawang salita ni Cj.
"Anu ba tol naka score ka na ba?" tudyo ni Aj na lumapit sa kanila.
"Tol naman hindi pa nga ako nag uumpisa score na agad, hindi ba pwedeng sagutin muna niya ako?" ngising sagot ni Cj.
Napahagalpak naman ng tawa si Arbie, para namang kamatis ang mukha ni Dilyn sa labis na hiya.
"Wala ka pala kay Aj eh Cj, ang kapatid mo dinaan sa bilisan bakit hindi mo gayahin?" nakangiting suhestyon ni Arbie.
"Hoy mare mag tigil ka baka gusto mong makurot ang singit!" ani Dilyn.
------
"Asan na ang mga magulang ng bibinyagan at hinahanap na ng pari!" ani Jocelyn.
"Andito na kami papunta na kami sa loob!" sagot ni Aj at kinuha kay Dilyn ang bata at pumasok na sila sa simbahan ng sabay sabay.
Napaigtad naman si Dilyn ng biglang hawakan ni Cj ang kanyang kamay.
"Tabi na tayo sa upuan!" ani Cj habang tangan ang kamay ni Dilyn.
Kinikilig naman si Dilyn sa ginawa ni Cj at halos ayaw ng bitawan ang kanyang kamay.
Sa madaling salita, binakuran ni Cj si Dilyn, ni walang mga binata na makalapit sa dalaga na nais sanang makipag kilala dahil hindi umaalis si Cj sa tabi nito at hawak pa ang kamay.
Masaya si Cj, hindi pa siya nakakapag tapat ng totoong nararamdaman kay Dilyn ngunit masaya parin siya pagkat narardaman niyang mahal din siya nito.
Sa 'di kalayuan ng kinaroroonan nila Cj at Dilyn, may nag babaga ang mga matang nakamasid sa dalawa.
"Boss, anung gusto mong gawin namin?" tanung ng tauhan nito.
"Sa ngayon hayaan muna nating mag enjoy sila, nasa akin parin ang huling halakhak pagkat may hawak akong alas, hindi ako makakapayag na mauwi lang sa wala ang mga pinag hirapan ko, halina kayo!" utos nito sa tauhan upang paandarin ang sasakyan.
Palabas naman sila Dilyn at Cj ng mahagip ng paningin niya ang palayong sasakyan.
Biglang siyang kinabahan at halos nagpanginig sa buo niyang katawan.
"No hindi siya iyon, baka pareho lang ng sasakyan!" bulong ni Dilyn na siya lamang ang nakakarinig at pinakalma ang sarili.
"Are you okay? Nanginginig ka?" nag aalalang tanung ni Cj.
"I'am okay nakalimutan ko lang kumain kanina kaya nanginginig ako, sa gutom!" sagot ni Dilyn at sinabayan pa ng pag tawa na hindi naman umabot sa mata.
Hindi naman iyon napansin ni Cj pagkat hinanap nito ang panyo sa bulsa upang punasan ang pawis ni Dilyn sa noo.
Pauwi na sila sa Hacienda ng biglang may humintong sasakyan sa harapan ng daraanan nila, buti na lamang agad nakapag preno si Cj.
BINABASA MO ANG
CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee Rhy
RomanceTeaser "Ang problema ay hindi tinatakasan oh tinatakbuhan, ito ay hinaharap upang masolusyunan" Si Dilyn Elmo, ay naninilbihan sa pamilya Alarcon bilang yaya ng kambal na anak nila Ella at Daniel Gregorio. Maganda, mabait at laging masayahin, at nak...