AKMA na sana akong tatayo, nang mapatingin ako sa aking panty. Namilog ang mata ko at bigla ko na lang naramdaman na kumabog ng napakabilis ang puso ko sa kaba.
Sa sobrang takot ko, si lolo ang naisip kong tawagin. Dahil kapag may sugat ako sa tuhod, si lolo ang gumagamot at naglalagay ng betadine.
Hindi ko mawari kung saan galing ang dugong iyon. At kung ano ang dahilan ng pagkasugat sa pagkababae ko.
"Chai, apo? Kanina ka pa tawag nang tawag. Anong nangyari sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya na may pag-aalalang tono sa boses nito.
Inangat ko muna ang panty ko kasabay ang short, tsaka ko binuksan ang pinto. Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si Auntie, may dala-dala itong dahon ng saging.
"Na ano ka day?" pagtatanong ni Auntie Felicidad.
Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa'kin. Simula ng pagpasok ko sa pasilyo hanggang sa pagtawag ko kay lolo Felimon.
"Ay sus, kang bata ka! Akala ko ano na ang nangyari sayo."
Pinapasok uli akoni Auntie sa cr para raw banlawan ang panty kong may konting dugo. Pagkatapos ko raw ay ipahid ko ito sa aking mukha, para hindi raw ako tubuan ng tigyawat.
Ganun pala 'yon? Ano naman ang koneksyon ng tigyawat at pagreregla? Ang layo nga ng pagitan.
Sa una, parang ayaw kong ipahid 'yon, kasi nga galing sa private part ng body mo, tapos ipapahid sa mukha?
Nakakadiri isipin sa totoo lang. Pero naisip ko rin, kung hindi ko 'to ipahid, baka magsisisi rin ako sa huli.
Wala namang sigurong masama kong sundin ko na lang ang sinabi ni Auntie. Kalaunan ay ipinahid ko na ito, nang marahan sa aking mukha.
Nang makalabas ako nakita kong busy si Auntie sa paghahalo ng niluluto niyang biko. Napalingon siya sa gawi ko at sumenyas siya para sumunod ako sa kanya. Sumunod ako, papuntang hagdan.
Ano kayang gagawin namin dito, tatalon? Hindi pa naman siguro nababaliw si Auntie, no?
"Tumalon ka day, nang tatlong beses"
"Bakit po?" nag-aalinlangan ako sa sinabi ni Auntie.
"Para tatlong araw ka lang magregla."
Sumunod ako sa sinabi n'ya para matapos na kami kaagad. Akala ko 'yon lang, pero meron pa pala. Pinaupo niya ako sa dahon ng gabi, para raw hindi ako matagusan kung may regla ako.
Wala pang isang minuto akong nakaupo, nilagyan niya ng maliit na bulak sa ibabaw ng ulo ko, para raw hindi sumakit ito kapag ako ay may dalaw.
Andaming pamahiin sa Pilipinas, akala ko meron pa tapos na pala. Pagkatapos sa paglilihi ni Auntie sa'kin, inabutan niya ako ng limang piso, pambili ng napkin.
Isa ito sa naging experience ko, na nagpakabog ng labis sa aking puso at nagdulot ng labis na pagkapraning ko sa sandali iyon.
BINABASA MO ANG
Unang Karumlan ni Inday
Romance"... paglaki mo. Huwag kang magbo-boyfriend." "Boypren? 'Di ba, boypren kita?" Ang pagsasalitan ng usapan ng dalawang makababatang sina Marifern at Antonio. Ito ay kuwento tungkol sa batang babae na si Inday Marifern. Simula nang siya'y nasa kamusmu...