CHAPTER 1Simple lang ang buhay ni Alfie di man sya lumaki sa marangyang pamilya, ngunit relihiyoso, Mabait, Masipag at may galang sa mga nakakatanda sa kanya. Kabaliktaran sa Kambal nyang si Ariel., Mayabang, Walang Galang sa mga matatanda at masama ang ugali.
Magkasundo ang magkapatid sa ibang bagay, ngunit may mga bagay ding ginagawa si ariel na taliwas kay alfie. Sobrang magkalayo talaga silang dalawa ng pag uugali.
Malawak ang kanilang lupain na minana pa ng mga magulang nila sa kanilang mga nasirang lolo at lola., Na sya nama ngayong pinagtatamnan nila ng mga iba't-ibang klase ng gulay at prutas, na kanila namang ikinabubuhay at pinagkukunan ng pangangailangan sa araw-araw.
May mga bakahan din sila, mga manukan, at kambing na syang tatay nya ang nag aasikaso. At ang kanila namang nanay ay sya namang nasa bahay upang mag asikaso sa kanilang magkakapatid. Lima silang magkakapatid, si Alex, ang panganay habang si Althea naman ang pangalawa, pangatlo naman si Andrea, at Pang-apat si Alfie at sunod si Ariel.
Magulo ang magkakapatid pagnagkakasama minsan masaya din, ngunit di maiiwasang magkagulo dahil sa inggitan.
"Althea ikaw muna bahala sa mga kapatid mo, at pupunta muna kami sa Bukid upang bisitahin ang mga trabahador natin sa Prutas at gulayan."Ok po tay, ako na bahala sa kanila. Mag-iingat po kayo sa daan. "Dugtong pa ni Althea.
"O sya sige, at kami ay aalis na. Wika ng kanyang tatay. Habang naglalakad ang dalawa, sa halos lahat ng tao sa bayan ay abala sa paghahanap-buhay habang, ang iba naman ay tsimis ang naririnig nila.
Di nila alintana ngunit usap-usapan sa kanilang barangay ang bagong lipat na babae, kaakit-akit ang ganda at mukhang ito'y dalaga pa.
Ito ay di nagsasalita at tila'y tahimik lang ito. Maraming gustong manligaw ngunit, ni Isa'y walang nagtagumpay dahil sa ito'y nagtatago sa kanyang bahay. Ayaw makipag-usap ninuman. At tila'y parang takot sa araw at liwanag. Di hamak na ubod ng pagkamahiyain ang naturang babae.
Madilim na ng sila alex at ang kanyang tatay ay nakauwi, dahil sa di inaasahang paglalakbay animo'y isang malaking ibon ang di nila inaasahang sasalakay sa kanila habang naglalakad sa daan.
Madilim at ang kanilang dalang ilaw ay di gaanong maliwanag upang maging sapat para makita nila kung anong klaseng ibon iyon. Nanginginig si alex sa takot. "Tay wag mo ko iwan, natatakot ako. Takot at nanginginig na wika ni alex. Di kita iiwan anak wag kang mag-aalala uuwi tayong ligtas sa bahay. Sagot naman ng kanyang tatay.
Alas-otso na gabi ng sila Mang Karding at Alex ay nakauwi ng kanilang tahanan. Di pa din naaalis sa itsura nila ang takot dahilan para sila'y tanungin ni Aling Rosa, asawa ni Mang Karding na nanay nila Alfie at ariel.
"Oh, Karding ba't ginabi ata kayo ng uwi at parang takot na takot kayo, "Alex ayos ka lang ba anak?"" Ba't parang takot na takot kayo ano bang nangyari? May nangyari ba sa inyo sa daan?" Nag-aalang tanong ni aling Rosa.
"Di ko makakalimutan ang gabing ito habang naglalakad kami sa daan ni alex sa kalagitnaan ng gubat, "May biglang umatake sa' min animoy isang malaking ibon at di naman namin makilala kung anong klaseng hayop ito sa laki ng ibon."Inatake nya kami habang kami'y naglalakad. "Di ko alam kung anong klaseng nilalang iyon. Sadyang mabangis at tila gusto kaming lapain. Ang katawan ay hati at Wala syang paa. Wika ng kanilang tatay na nanginginig pa. Si Alex ay hindi makapagsalita, tulala at takot na takot sa kanyang nasaksihan.
Kinaumagahan sa barangay, nagkakagulo ang mga tao dahil sunod sunod sa mga hayop nila ang nilalapa ng di pa nakikilang hayop o anuman wasak ang tiyan at nawawala ang laman loob nito. Sila'y nababahala na baka maapektuhan ang kanilang kabuhayan at itoy maubos ng di pa nakilalang hayup na sumasalakay.
BINABASA MO ANG
HORROR BOOK
Horror"Kakayanin mo kaya kung ikaw ay mapunta sa mundo ng kababalaghan?"