Sandwich
"Mommy!" Sigaw ko sa telepono nang sa wakas ay sinagot na ni Mommy ang tawag ko.
Simula kahapon pa ako tumatawag sa kanya pero panay ring lang ng kanyang cellphone at hindi niya ako sinasagot. Kaya naman naisip kong i-message sya na nag-away kami ni Leo at iniwan niya akong mag-isa sa bahay. Kahit na ang totoo naman ay narito lang si Leo ngayon dahil may one week off sya sa trabaho para raw sa honeymoon kuno namin.
"Nadia, are you okay? Bakit kayo nag-away?" Nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin. Pero hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Mommy, you lied to me. Kayo ni Tita Elena." Reklamo ko sa kanya. She remained silent for few seconds then her gentle voice rolled over in the line again.
"Sorry, anak. I just want you two, to be happy. Alam namin ni Tita Elena mo na mahal ninyo ang isa't-isa." My mouth pinched by what Mom said. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang aking isasagot. Dahil totoo naman, bago pa man namin malaman na kami pala ang ipinangako ng mga magulang namin ay mahal ko na si Leo. Iyon nga lang, hindi ako sigurado kung minahal ba talaga niya ako.
"Bakit kayo nag-away anak? Nagkasakitan ba kayo?" Tanong niyang muli.
"No, Mommy. Hindi po talaga kami nag-away." Pag-amin ko dahil ayaw ko ring mag-alala sa amin si Mommy at Tita Elena.
"Ah ganoon ba, anak." She said absentmindedly.
Then she spoke again. "I hope you'll forgive me, Nadia. Kami ng Tita Elena mo." Malungkot na sabi ni Mommy.
"Okay na po ako, Mommy. I'll hung up the phone now. Ingat po kayo ni Daddy." Pagpapaalam ko at saka pinatay ang tawag. Pagkaraan ng tawag ay bumaba ako sa kusina para kumain. Naabutan ko si Leo roon na nakaharap sa stove at mukhang nagluluto. Nakatalikod siya sa akin at soot niya iyong isa sa mga itim na band shirts niya na nilagyan ko ng bleach kahapon.
Lumakad ako palapit sa pantry at saka ako kumuha ng sliced bread at chocolate spread. Makaraan ay lumapit ako sa pwesto niya para kumuha ng bread knife at wooden chopping board sa kitchen drawer. Nang mapansin ni Leo ang presensya ko ay kaagad niya akong nilingon at binati. "Good morning, love." Masayang sabi niya. Inirapan ko lamang siya.
"Love mo mukha mo!" Iritableng sabi ko. Tinawanan lamang niya ako at saka ginulo ang aking buhok kagaya ng nakagawian nya noon. Kaya naman hinampas ko ang braso niya, makaraan ay lumakad ako palayo sa kanya at saka ako umupo sa stool at inilapag ko sa countertop ang mga kinuha ko.
Binuksan ko ang sliced bread at saka naglatag ng dalawang piraso sa sangkalan. Makaraan ay kinuha ko ang bread knife at saka ko hiniwa ang crust ng tinapay. Ayaw ko kasi ng lasa noon kaya tuwing kumakain ako ng sliced bread ay tinatanggal ko ang nakapalibot na kulay brown na naroon.
Nang natabas ko na ang dalawang pirasong tinapay ko ay kinuha ko na ang choco spread para palamanan iyon. Iyon nga lang ay hindi ko iyon mabuksan dahil napakahigpit ng pagkakatakip noon. Kaya naman bumalik ako sa pantry para kumuha na lamang ng ibang palaman. Pero ganoon pa rin. Mahigpit pa rin ang takip. "Bakit ba ang hirap buksan!" I yelled in annoyance. Lalo akong nainis nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Leo.
"You!" Sigaw ko at saka ko siya hinarap at dinuro-duro. Hindi na nya napigilan pa at tumawa na sya ng malakas.
"Ikaw ang may gawa nito no? Admit it!" I yelled while pushing him. Hinawakan niya ang magkabilang siko ko para patigilin ako sa pagtulak sa kanya.
"Love, ikaw ang nauna. You bleached my shirts." Sagot niya, hindi pa rin maalis ang ngiti niya sa kanyang labi.
"Don't call me love! Jerk!" Sigaw kong muli at saka pinagsusuntok ang dibdib niya.
Hindi niya ako inawat kaya naman napatingin ako sa kanya. Our eyes locked for a split of second before I looked down but he lifted my chin to face him. "I just want you to need me, Nadia. Bakit ba palagi kang galit sa akin?" He asked real soft. His eyes brimmed with sadness.
Gusto kong matawa sa tanong niya. Bakit ba palagi siyang umaaktong inosente sa ginawa niya sa akin?
"You better asked Travis!" Sigaw ko sa kanya at nag-martsang umalis sa kusina. Pumunta na lamang ako sa living room at saka ko binuksan ang smart tv na naroon.
"Gago ka!" Sigaw ko, pero hindi ko alam kung narinig niya ang aking sinabi. Hindi na ako nakakain pa dahil nga hindi ko nabuksan ang mga palaman. Nanonood na lamang ako ng movie sa Netflix. Ilang minuto lamang ay nakita ko si Leo na pumasok rin sa kwarto. May dala siyang tray na may lamang sandwich, pineapple juice at dalawang maliit na mangkok.
"Kumain ka na." Pagyaya niya sa akin at saka niya inilapag ang dala niyang tray sa center table. Makaraan ay umupo siya sa tabi ko. Nakita kong limang sandwich ang naroon at may iba't-ibang palaman. May choco spread, cheese spread, mayonnaise, strawberry jam at peanut butter. Dalawang piraso lamang na tinapay ang tinabasan ko kanina pero ang lahat ng tinapay na nakahain ngayon ay wala ng crust.
Pagkatapos kong kumuha ng isang sandwich ay kinuha ni Leo ang isang maliit na mangkok na puno ng pinagtabasan ng tinapay. Nakita kong sinawsaw niya ang mga iyon sa mangkok na may coco jam at saka niya iyon kinain. When he noticed that I was watching him, he put down the bowl on the table then he draped one of his heavy arms over me and pulled me closer to him. "Eat now love before I eat you." He lowered his voice to a conspiratorial whisper that tickled the skin on my neck and ear.
I know my cheeks tinted pink because of his shameless remarks. "Manyak!" Sigaw ko at saka ako lumayo sa kanya. Pero muli niya akong hinaltak palapit sa kanya at muling siyang nagsalita.
"Hindi pa kita namamanyak, Nadia. Ngayon pa lang." He said huskily as he cupped my face. He pressed his nose against mine then he kissed my lips.
BINABASA MO ANG
Pulang Panyo
RomanceWARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh my..." She gasped, lost for words, teary-eyed. "Marry me again, Nadia. Willingly this time, love." S...