Hahayaan kitang gawin ang lahat ng gusto mo. Hahayaan kitang magmahal ng iba. Hahayaan kitang pumili ng iba. Lahat yan ikaw ang masusunod pero hindi kita hahayaang masaktan ng iba dahil mahal na mahal kita.
Minsan akala mo kaibigan lang ako at nandito ako para sayo bilang tagapayo lang. Akala mo hindi ako nasasaktan kapag binabanggit mo sya. Pero naisip mo rin ba kahit minsan na kaya ako nandito kasi mahal kita?
Dati ginawa kong biro ang mahalin ka. Pinaniwala kita at ikaw naman si TANGA ,naniwala agad. Pero ngayon narealize ko na ako pala ang TANGA kasi yung biro ko, sa puso ko, totoo na pala.
Yung mahal ko hindi na ako kinakausap, hindi na rin ako pinapansin . Anong gagawin ko? Ayokong mawala sya pero sya na rin mismo ang lumalayo. Tulungan mo naman ako oh. Ano bang gagawin ko sayo?
Minsan napaisip ako. Bakit kaya ikaw pa ang napili kong mahalin? Siguro dahil mabait ka, lahat ng mga katangian na gusto ko ,sayo ko nakita. Pero napakalaki kong Tanga ! Hindi ko man lang nakitang may mahal ka na palang iba.