PRE-WRITING:
A fairytale with a taste of reality.
o1
Grade 5.
Kung tama ang pagkakaalala ko, grade 5 ako nung unang encounter ko sakaniya.
Ayaw na ayaw ko talagang nakikiride sa uso. Parang kung ano yung “in”, yun ang kinasusuklaman ko. Ewan ko ba. Weird lang siguro talaga ako. Pero kahit naman yung best friends ko hindi rin nakikichuchu sa mga what’s in and what’s not. Kaya rin siguro kami ang magkakasama. May mga sariling mundo kasi kami while everybody else?
“OMG.” nalaglag ang panga nung isang grade 5 student na taga kabilang section. Nanahimik lahat ng studyanteng nakatambay sa corridor.
“S-sorry.” tinignan ng leader nilang si Chace yung babae. Nabunggo kasi siya nung babae. After ilang seconds, inalis rin niya yung tingin niya dun sa babae at nilagpasan lang siya kasunod ng mga alagad niya.
Grabe. Hindi man lang nagsorry. Kalalaking tao. Hindi man lang magpakagentleman. tss.
Dumaan rin sila sa harap ko. Pinagmasdan ko lang naman sila. Kung pwede nga lang in-unleash ko na ang pagkaamazona ko sa mga ‘to kung hindi lang talaga masisira ang reputasyon ko. Pero napatingin sakin yung isa sa mga alagad ni Chace. Di ko naman alam kung sino yun.
“Tss. Kala mo kung sino.” Si Sam. Yan ang numero unong anti sa tropa nila.
“May araw din yang mga yan.” Second the motion naman ang drama nitong si Ann na palaban.
“Yaan niyo na. Alam niyo namang sikat sila e.” si kim naman hindi ko maintindihan. Minsan anti siya sakanila, minsan naman pinagtatanggol niya sila.
Pero… Sino nga ba yung mga kumag na yun?
Well, kung akala niyo e sa TV lang makikita ang F4, sa teleserye ng buhay ko rin e present sila. May additional pang isa. O diba? Bongga! Pero siyempre hindi F4 ang tawag ko sakanila dahil walang originality yun. Kaya para sakin, sila ang one and only….
*drum rolls please*
EPALOGS! wahahaha.
Si Chace lang naman ang kilala ko sakanila dahil laging binabanggit ng classmates kong mga babae. Yung iba, unknown na sakin. Pero lahat sila grade 6 students. Mga feelers naman kasi. Mga gwapo daw kasi sila’t pinagkakaguluhan ng elementary at high school girls. Pero para sakin, hindi naman sila ganun kagwapo o maappeal. Nabubwisit lang ako pag nakikita ko sila. Oh well.
4th quarter exams nun. Recess tapos kataka-takang nagkakagulong nagkukumpulan ang mga kaklase kong babae sa may pinto ng classroom.
“Ayy! Kinikilig ako!”
“Totoo ba? Andiyan daw sila?”
“Oo! Nakadungaw sa bintana!”
Tss. ALAM NA. Malamang lamang tropa na naman ni Chace yung inaatupag ng mga yan.
Tinapos ko lang yung kinakain kong Eggnog tapos lumabas ako ng classroom para magtapon. Siyempre sa kabilang pinto ako dumaan dahil battlefield na yung kabilang pintong pinagkukumpulan ng mga kaklase ko.
“KC!” Si Emerald. Taga kabilang section pero friend ko. Nginitian ko siya tapos lumapit ako.
Pero bago pa man ako tuluyang makalapit sakaniya e…
“Hi!” Napahinto ako sa paglakad. Pati ata paghinga ng mga classmates kong babae na nagkukumpol sa pinto, napahinto rin. Tinignan ko yung naghi sakin. Alagad ni Chace. Todo ngiti pa ang dimuho. Automatic tuloy na napataas yung kanang kilay ko.
“Hmp!” With matching pag-irap pa yan nung alisin ko yung pagkakatingin ko sakaniya’t nagpatuloy ako papunta kay Emerald.
“Wooh! Nice one, Gelo!”Kantsaw nung group of boys na classmate ata nung alagad ni Chace. Yung mga kaklase ko namang girls, nagbulungan.
Tss. Big deal?
Ifast forward natin ang panahon. Grade 6 na ko. Senior year ng elementary. Woot! Woot! Pero parang wala namang nagbago sa school ko.
“Nagawa niyo yung homework sa gen math?” tanong ni Sam pagkalabas na pagkalabas namin sa CR.
“May homework?” Naku naman. Ba’t di ko na naman alam?
“Tsk tsk.Hindi mo na naman nagawa noh?” napangisi na lang ako kay Ann.
“Pakopya?”Siyempre pakokopyahin ako niyan.
That’s what friends are for, diba? Hehe. Pero sa kalagitnaan ng conversation namin e napadaan kami sa room ng mga 1st year at…
“Hi!” Oo. Yung alagad nga ulit ni Chace na napag-alaman kong Gelo pala ang pangalan.
Mula nung last day ng grade 5, lagi nang naghahi yun kung nagkakataong nakadungaw siya sa bintana pag nadaan kami. Oh well. Dedma lang naman kami ng mga kaibigan ko.
One fine day, habang naglalakad pauwi, may isang school service na dumaan sa gilid ko. Ang lapit nung sasakyan sakin kaya parang destiny na napatingin ako sa taong nakaupo sa passenger’s seat na sakto rin namang napatingin sakin.
Parehong nanlaki ang mga mata namin. Dahil mabilis ang sasakyan at naglalakad lang ako, napangiti, napalingon, at napakaway na lang siya sakin sabay sabing,
“KC!!!”I did the same.
It was Ate KC, friend ko. At oo, magkapangalan nga kami hindi typo yan. :) 2nd year High School na siya at dati siyang nag-aaral sa school ko. Pero ngayon hindi na.
Kinabukasan, galing ulit kami ng mga kaibigan ko sa CR. Dadaan na naman kami sa room ng 1st year. Nakadungaw na naman ang bwisit sa bintana. Tss.
Pero dumaan kami. Andun siya. Pinanood niya kaming dumaan pero hindi naghi. Nakapagtataka naman ata?
“Oi KC! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.” Si Emerald. Bigla na lang kaming hinarang.
“Bakit?”
“Ah. Kukunin ko lang number mo.” Weird. Hinanap niya ko para lang kunin ang number ko? Oh well. Binigay ko na lang din.
I totally forgot na kinuha ni Emerald yung number ko for the rest of the day. Pano, sobra akong nagtaka nung may dalawang unknown numbers ang nagtext sakin kinagabihan. Medyo nainis pa nga ako kasi di naman ako maghilig magtext. Kinailangan ko pa tuloy magpaload para lang tanungin kung sino yung mga unknown number na yun.
at aba. Ang bilis magreply nung isa.
From: +6391087****
Message: gelo p0h.
At nag-error ang screen ng cellphone ko.

BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romance...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...