o2
I was like: O.O WHAT THE HELL?!
Naman kasi. Why on earth would he text me? Tsaka paano niya nakuha ang number ko? Teka. Close ba sila ni Emerald?
Bago pa man ako tuluyang magpanic kung rereplyan ko ba ang alagad ni Chace na kulugong ito, e may nagtext na naman sakin. Pag tingin ko, yung isang unknown number naman ang nagtext. And it read:
From: +6391573****
Message: KC! Ate KC ‘to. Kamusta ka na?
Ooh.This time, napangiti ako sa text message na narecieve ko. Sa totoo lang, bukod sa pagiging ate sakin ni Ate KC, sobra din kasi ang paghanga ko sakaniya. Ang bait kasi niya tapos ang ganda ganda pa niya. O diba?
So siyempre nireplyan ko si Ate KC. Medyo nagchika chika ako sakaniya. Nangamusta lang din. Medyo nalimutan ko na nga na may isa pa palang nagtext sakin.
At dahil hindi ko naman alam kung anong irereply ko doon sa isa pang nagtext sakin at ayaw ko rin namang masabihang rude o kaya snob, nireplyan ko na rin kahit labag sa kalooban ko.
To: +6391087****
Message: Ah. OK.
That’s when I realized something. Sa buong araw, si Emerald lang ang nanguha ng number ko and she haven’t texted me since then. Instead, may 2 unknown numbers ang nagtext sakin. Yung isa si Ate KC at yung isa…yung alagad ni Chace. But Ate KC at yung alagad ni Chace are two very different persons at parang ang layo ng connections nila pareho kay Emerald.
ugh. Naguguluhan ako.
1 New Message
ayan na. May bagong mensahe na naman. And it’s from…
From: +6391087****
Message: ahehe. Kilala mq?
WTH? What kind of question is that? Nakakainis naman. Ang ikli ikli at ang cold cold na nga ng reply ko sakaniya nagawa pa niyang magreply ulit sakin. Hindi ba obvious na ayaw ko siyang kausap? But still… I replied.
To: Alagad ni Chace (Oo. Sinave ko na nga. Andumi tignan pag number lang e)
Message: cnu bng tga skul ang d nkkkilala sau?
Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko. Baka kasi lumaki lang ulo nito sa sinabi ko. E kaya lang yun naman talaga yung totoo e. And you know? HONEST. ME. HAHAHA. LOL.
Pansamantalang nanahimik ang cellphone ko nun. Medyo tinaob ko tapos tinago ko sa ilalim ng unan ko kasi nakahiga ako pero hawak ko pa din. Ayaw ko nang katext ‘tong alagad ni Chace na ‘to pero inaantay ko naman yung reply ni Ate KC. pfft.
at muli, nagvibrate ang cellphone ko sa kamay ko. Excited pa ko ng tignan ko yun dahil feeling ko si Ate KC. Tama naman. Si Ate KC nga. Pero si Gelo din. tss.
From: Ate KC
Message: ok lng nmn aq. pnkuha q s frnd q ung # m. cge.
talk 2u nxt tym. knkuha na ng mom q fone q e. bye!
aww. Medyo nalungkot naman ako na hindi rin kami masyadong nakapagchikahan ni Ate KC. Parang nakadalawang text lang ako para sakaniya e. Pero at least ngayon sure na ko na siya nga yung nagpakuha ng number ko kay Emerald.
Yun nga lang…Paano nakuha nung alagad ni Chace yung number ko? Watta mystery.
From: Alagad ni Chace
Message: ayiee. knilig aq. kilala nia q. kmsta nmn?
Ok. Tumaas lang naman ng bonggang bongga ang kilay ko sa mga nababasa ko sa cellphone ko. Ang kulit nito. Close kami? Close kami? FC amputik e.
To: Alagad ni Chace
Message: pano mo nkuha # q?
Last na tlga ‘to. Pagtapos niyang magreply diyan, hindi ko na siya rereplyan. In the first place hindi ko naman siya gustong katext e. Nagreply din naman siya kagad.
From: Alagad ni Chace
Message: Ah. pnkuha skn ni KC. e hnd q nmn alm kng cnu ung KC rn na tga gr6 kya pnkuha q ky Emerald. kbabata q kc un e.
At ayun. Nakuha ko na ang kasagutang gusto kong makuha. Pero… Magkakilala sila ni Ate KC? Magkababata sila ni Emerald? Siya yung nagpakuha ng number ko kay Emerald? What?
To: Alagad ni Chace
Message: oh. mgkakilala pla kau ni Ate KC?
Like what I’ve said. Yung alagad ni Chace at si Ate KC are two VERY different persons. hindi ko lubos maisip na magkakilala sila at mukhang close pa dahil sakaniya pa nag-utos na kuhanin yung number ko. Ang hindi ko lang inaasahan e yung mas magugulat pala ako sa mababasa kong reply niya.
From: Alagad ni Chace
Message: Oo nmn. gf q xa e.
Anu daw?
BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romantik...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...