Chapter o3

701 23 7
                                    

o3

Ok. This time hindi ko na alam kung paano ako magrereact. I mean. NAMAN. Si Ate KC na abot langit ang paghanga ko at si Gelo na alagad nung Chace na yun na kinasusuklaman ko e...IN A RELATIONSHIP?

Nakakagulat kasi parang hindi naman mga tulad nung alagad ni Chace ang type ni Ate. Alam niyo namang hinahangaan ko yung si Ate e. So siyempre ang ineexpect kong magiging boyfriend niya e yung hahangaan ko din at gugustuhin kong maging katulad ng magiging boyfriend ko in the future.

PERO HINDI! Yung taong kasama sa grupo na kinasusuklaman ko pa ang boyfriend niya. haay. Bumaba ba ang tingin ko kay Ate KC? siguro. ewan. hindi? oh well...

To: Alagad ni Chace

Message: Tlga? ganu na kau ktgl? galing nmn.

Galing naman? San naman galing yun? Pambihira ka nga naman, KC o.

From: Alagad ni Chace

Message: 1 yr n kmi sa sept. ms mglng ang tadhana. db ikw ung hinahi ko sa corridors? hnd mo nmn aq pnpncn. :(

Ok. inaamin ko napangiti ako dun. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako. Kaya nagreply pa ulit ako sakaniya. tapos nagreply siya sakin. Tapos nagreply ako ulit at nagreply ulit siya.

In short, nagtext text na kaming dalawa. Pagtingin ko na lang sa orasan...

"What? 11:30 pm na?" Usually dapat tulog na ko sa mga oras na 'to. tsaka paubos na rin load ko. Hindi naman kasi ako nagsusubscribe dun sa mga pausong Unli unli e.

To: Alagad ni Chace

Message: oist. gud nyt na. paubos na load q e.

Pumikit na ko nun at nilapag yung cellphone sa tabi ng unan ko. Hindi ko na ineexpect na magrereply pa siya kasi nag good night na nga ako. ibig sabihin, direct ko nang sinabi sakaniyang ayaw ko nang magtext. tsaka wala naman na rin talaga akong pantext sakaniya e.

Pero patulog na ang diwa ko nun nang biglang magvibrate pa ulit ang cellphone ko. Napabuntonghininga pa ko't nasabi sa sarili kong ang kulit ng alagad ni chace na 'to. Pero pagtingin ko sa cellphone ko...

SMART Buddy: you are loaded with 35 pesos worth of load.

at may kasunod pa yang message.

From: Alagad ni Chace

Message: Wlng load? xur ka? hihihi. i-unli mo. dali.

Ugh. Nakakainis naman 'to. ang kulit. pinaloadan pa ko. Medyo nahiya naman ako. Wala sigurong magawa 'to sa buhay niya't pinagtitripan ako. pambihira.

To: Alagad ni Chace

Message: bkas nlng. an2k nq. promise, mgttxt aq bkas.

tsk. anu ba yan. napapromise pa tuloy ako. Ba't kasi pinaloadan niya ko e? Parang tuloy obligasyon kong itext pa siya ngayon.

From: Alagad ni Chace

Message: promise mo dn ppncnn mo nq sa skul. hihi. ge, gd nyt! mwah!

Watda? Lasing ba 'tong kausap ko? May topak ata talaga sa ulo yung tropa nitong si Chace. Pambihira.

Natulog ako. Friday nung araw na yun kaya Sabado kinabukasan. Buti na nga lang e. Kasi walang pasok. At least hindi ko pa makikita yung may pagka siraulong yun. Yun nga lang, medyo buong araw lang naman akong tinetext.

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon