o5
Si Gelo ang nagturo saking maging makata. ;)
Mahilig kasing bumanat yun ng mga malalalim na salita. Then eventually, malalaman kong galing lang pala sa kanta yung sinabi niyang yun sakin. Pambihira. Hehe.
Siya rin ang dahilan kung bakit ako nahilig sa music. Drummer kasi yun. Tapos marunong din siyang maggitara. Kasali nga siya sa isang banda e. At dahil malawak ang kaalaman niya sa music (na pinagkukunan niya ng mga pambanat niya), nahawa na rin ako sa pagkahilig niya sa music. Wag mo lang talagang pakakantahin. PROMISE! WAG.
Malaki ang impact ni Gelo sa buhay ko. Marami kasi siyang naicontribute sa pagkatao ko sa kasalukuyang panahon. Pero sa lahat ng naituro niya sakin, isang bagay ang nangingibabaw.
Siya kasi ang nagturo sakin kung paano magmahal.
Pero kung akala niyo e naging kami na matapos nilang magbreak ni Ate KC, diyan kayo nagkakamali ng malaki.
Weeks after their breakup, may bagong girlfriend na siya.
At yun ay si Megan.
Nainis ako nun sakaniya. Hindi kasi niya sakin sinabi agad na sila na. Well, hindi ko rin naman kilala si Megan. Hindi naman yun taga school namin. Kahit nga siya hindi niya kilala yun dahil sa text lang naging sila.
“Naiinis ka nga lang ba o nagseselos?”
Kung minsan, nakakainis magtanong si Kim. Kung minsan kasi tagus-tagusan yung mga pinagsasabi niya e. Ni hindi nga pumasok sa isip ko yung tanong na yun. But since she already asked…
Nagseselos nga ba ako?
Nakilala ko din naman si Megan. Naging close pa nga kami.
Eventually e pinakilala din siya sakin ni Gelo.
“Tae ka. Nasasaktan ka lang tumanggap ka na ng manliligaw?” Isa pa ‘tong si Ann. Barado kung barado kung mambara e.
Siguro nga nasasaktan ako. Nasasaktan ako na hanggang ngayon e best friend lang niya ko. Siguro nga nasasaktan lang ako dahil witness ako sa pagmamahalan ng mahal ko at ng mahal niya.
Siguro nga nasasaktan lang ako kaya nung…
“Uhm… KC. Ano. Uhm… Pwede bang manligaw?”
Dumating si Raymond sa eksena e hinayaan ko lang.
Kahit wala naman akong nararamdaman para sakaniya.
Kahit alam ng utak ko kung para kanino ang pagtibok ng puso ko.
But Gelo and Megan did not last long. Ilang buwan lang brokenhearted na naman ang best friend ko. Ilang buwan lang single na ulit siya. Ilang buwan lang, ako na lang ulit ang babae sa buhay niya.

BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romance...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...