o6
Alam niyo yung malas?
Ako lang naman yun e. Paano, 2 weeks after magsimula ang school, nawala ang cellphone ni Glenn. Nung mga panahong yun, hindi pa uso sakin ang gamit ng internet at tanging cellphone lang ang communication namin.
Tapos nawala pa.
Bumalik na rin kami ulit ni Gelo sa dati. Hindi ko nga alam kung paano nangyari yun e. Basta narealize ko na lang, parati na naman kaming nagkukulitan at inuumaga sa pagtetext. Narealize ko nalang…
Nahuhulog na naman ako sakaniya.
Eto na yung point sa buhay ko na nasa highest peak na yung pagkagulo ng puso’t damdamin ko. Yung tipong para na kong baliw dahil mapapangiti ako sa kilig dahil kay Gelo tapos bigla akong malulungkot at maeemo dahil maaalala kong may Glenn na naghihintay sakin.
NAKAKAINIS.
Nakakainis lalo dahil parang wala akong choice. Parang wala akong choice kundi magstick kay Gelo dahil walang Glenn. I’m so weak. I know.
“HAPPY BIRTHDAY SAM!!!”
Its sam’s 13th birthday. Sleep over yun so dun kami sa bahay nila matutulog for the night. Alam ko namang dapat akong magsaya sa araw na ‘to dahil nga birthday ng isa sa mga best friends ko pero takte kasi e.
Nagparamdam si Glenn.
Nagtext siya via Chikka. Pero dahil sa saktong nasa kotse ako nung mga sandaling yun at talagang sakto pa ding wala akong load, hindi ako nakapagtext agad.
TRAFFIC pa. ayun e. TRAFFIC.
Mga after 45 minutes pa bago ko narating yung bahay nina Sam at after 15 minutes pa bago ko nakapagpaalam sakanila para magpaload sa pinakamalapit na loading station.
Result: wala na kong natanggap na reply galing kay Glenn.
Pero may isa pang nakakaasar na pangyayari e.
Sa sobrang nakakaasar…BASTA.
“Happy Birthday, Sam!” Si Russelle, classmate din namin.
At ang kasunod niya?
“Ui grabe, KC! Kasama ko bespren mo kanina.” Si Hannah.
Kailangang sabihin, teh? Kailangan?
Wala man lang happy birthday para kay Sam?
Gusto ko talagang umirap nung mga sandaling yun e. Gusto ko talaga siyang sagutin ng, “So? Ano ngayon? Maganda ka na niyan?” Nakakainis kasi. Alam naman niyang may nararamdaman ako para kay Gelo e. Alam naman niyang ayaw ko talaga sakaniya para kay Gelo. Tapos sasabihin niya sakin na magkasama sila?
Nang-aasar ba siya o nagyayabang?
“Ah. Ok.” Sabi ko lang sa coldest possible way.
Hindi naman na siya nagsalita pa nun at hindi ko na rin naman siya kinausap hanggang sa umalis sila dahil hindi naman sila invited sa birthday ni Sam in the first place.
But later that evening…
From: Gelo
Message: Lbs ka.
Kumunot lang ang noo ko at nagreply.
To: Gelo
Message: Bwl.mgglt mommy ni Sam. No boys allowed.
From: Gelo
Message: aw. d2 p nmn aq sa lbs.cge d2 lng aq pra kunyare mgksma nrn tau. ;)
Sa loob loob ko lang… kailangan talagang may ganun? Kailangan.
Pero deep inside talaga, kinilig ako. Hehe.
Naupo ako nun, nakasandal sa pader. Katext ko lang siya the whole time habang nagkukulitan ang mga kaibigan ko. At ewan ko ba. Para ngang kasama ko siya nung mga oras na yun.
Sinabi ko sakaniya yung nangyaring may kinalaman kay Glenn. Hindi ko na kinwentong nainis ako kay Hannah dahil malamang mag-aaway lang kami niyan. Hindi ko lang din kasi magets kung bakit break na sila pero naglalandian pa din. Oh well…
Pero kinwento ko nga yung kay Glenn.
At yung mga sinabi niya?
Yun talaga yung bumuo ng gabi ko e.
“Isipin mo na lang ako si Glenn. Kahit ngayong gabi lang.”
Sana nga.
Sana nga ikaw na lang yung mas pipiliin ako kesa sa libu-libong babae sa mundong di hamak na MAS sa akin. Sana nga ikaw na lang yung mamahalin ako nang walang hinihinging kapalit. Sana nga ikaw na lang yung tanggap kahit iba ang mahal ko. Sana nga ikaw na lang si Glenn.
Edi sana, hindi ako nasasaktan ngayon.
Sana nga.
Lumipas ang mga araw.
Nagkakalabuan na naman ang friendship namin.
Paano, hindi na masyadong nagtetext. Hindi na rin naman ako masyadong nag-aaksaya ng panahon para antayin siyang magtext.
Nababanas na kasi ako.
Lalo pa nung malaman kong kaya hindi siya makatext sakin e dahil nagpalit ng sim. Sim ng kabilang network dahil nagpalit rin si Hannah. At talagang sinundan mo pa siya.
Tapos ano? Magtetext text ka sakin ng mga messages tulad ng…
From: Gelo
Message: bez! I miss you! Mgtxt knmn. Smart na ult aq.
Kaululan. Bobo ka. Tanga ka. Manhid ka.
Susundan sundan mo yung babaeng yun tapos sasabi-sabihan akong namimiss ako? Tss.
Hindi ko siya nireplyan.
Hindi ko siya tinext.
Isang linggo? Dalawang linggo? Tatlong linggo.
At kahit rin naman nung gusto ko na siyang itext hindi ko na magawa.
Bakit?
Kasi dumating si Milenyo.
Nang bagyuhin ang Pilipinas, pati friendship namin binagyo rin.
Dun na siguro yun.
Oo. Doon na nga yun.
Doon na nagtapos ang pagkakaibigan namin.
BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romance...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...