1989
Sa isang masukal na kagubatan...
May isang mag-anak na masayang naglilibot sa gubat. Nagbabakasyon sila dito at the same time ay nagcacamping sa mga designated cabin sa may bukana ng lawa.
Masaya silang naglalakad nang may dumaang paro-paro malapit sa kanila. Naakit ang bata sa gandang taglay nito. Sinundan niya ito hanggang sa nawala siya sa paningin nila.
Nalibang siya sa panonood nitong lumipad sa ere. Kinuha niya ang kanyang kamera at kinuhanan ito ng mga larawan. Tinignan niya ito at natuwa sa kanyang nakita.
May nakita siyang magandang bulaklak at kinuhanan niya ito ng litrato.
Habang naglalakad ay iniisa-isa niyang tignan ang mga kuha niyang litrato. Bawat isa dun ay may angking ganda na tanging siya lamang ang makakapagpatunay. Hindi niya namalayang mahuhulog na siya sa pampang hanggang sa humakbang siya at dun nahulog.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!" Sigaw niya.
Hindi niya halos maikilos ang kanyang mga binti dahil sa sobrang sakit dulot ng pagkahulog nya mula sa taas. Hinimas niya ito at may napansing gasgas sa may kanang tuhod nito.
"A...aaa...aray!" Pag-iyak niya sa sakit na ininda nito sa tuhod.
Pinilit niyang bumangon kahit na naghihina ang dalawa niyang tuhod. Kahit na masakit ay tiniis niya parin yun upang makahanap ng paraan para makauwi sa kampo. Ayaw niyang mag-alala ang mama at papa niya. Kinuhanniya ang kanyang kamera at inilagay iyon sa sling bag na dala niya.
Habang naghahanap ng daan patungo sa kampo ay wala siyang kamuwang-muwang sa lugar na napuntahan niya. Hindi niya alam na ang banging pinagbagsakan niya ay teritoryo ng mga mababangis na lobo.
Tahimik na nagmamasid ang mga gutom na lobo na nagtatago sa likod ng mga puno at halamanan. Nanlilisik ang kanilang mga mata dahil sa pagkasabik nila sa pagkain hindi nila inaasahang dumating sa kanilang lungga.
• • •
Pabalik na sana sila sa camp ng biglang napahiwalay ang anak nilang babae. Napansin na nila yun nung nasa may labasan na sila.
Dalidali silang tumawag ng tulong mula sa kampo at tumungo sa gubat upang hanapin ang anak nila.
"Reese! Asan ka? " Tawag ng mama niya sa kanya.
Naghintay sila ng anumang sagot ay nabigo sila at pinagpatuloy ang paghahanap sa ibang parte ng gubat.
"Reese! Reese asan ka na?!" Pagtawag naman tatay niya. Yung ibang mga tao sa kampo ay naghalughog na sa iba pang parte ng gubat.
"Ms. Reese!"
Sigaw ng mga campers sa kanang bahagi ng gubat.
"Madam! Where naman you uy?!"
Sigaw ng mga bisayang staff ng camp.
"Ngano man ding bataa ning nilaag pa man kabalong maraming mabalasik na hayup dito ee?"
Reklamo ng may edad na staff ng camp. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at nagpatuloy sa paghahanap nito.
" Kabalong naa tay rheuma. Gipauban pa gayud ko nila.Tsk!Tsk!" ( Pinasama pa nila ako. Eh alam naman nilang may rheuma ako.)
Reklamo pa nito.
• • •
Isang bahay sa gitna ng kagubatan...
BINABASA MO ANG
My Doctor's Secret
RandomWhere Love can take me ba Lord?-Reese Reese is a sweet, charming girl who had a crucial accident in her childhood days. She was saved by a guy whom she adored most but his name was unknown. As she step into the next chapter of her life, she met an a...