9

826 23 5
                                    

Jia's POV

What a day! Nakakapagod. Ikaw ba naman ang maglaro habang nagtatawa?? Syempre nakakaubos ng hininga yun no?

Mich: Teka, nasan na si Marck?

Napatigil ako at hinanap ng mata ko kung nasan si Marck. Anong ginagawa niya sa likod ng damuhan mag-isa? Malapitan nga itong lalaking to.

Me: Kamusta naman ang pagdradrama mo jan?

Umupo ako sa tabi niya.

Marck: Pagdradrama ka jan. Hindi ako nagdradrama no. Tsaka anong ginagawa mo dito? Naglalaro kayo dun diba?

Me: Eh pagod na ako eh. Ikaw, ba't ba mag-isa ka lang dito?

Marck: Ahh may kausap ako kanina. Kakaalis nga lang eh.

Me: Sino naman yan? Ikaw marck ha. Baka naman may pinopormahan ka na. Hindi mo lang sinasabi sa akin.

Panloloko ko sa kanya habang kinikiliti ko pa ang kanyang tagiliran. Ginulo lang niya ang buhok ko. "Wala no. Tara na nga don."

Tumayo na kami at sumama na sa kanila. Hindi na ulit ako naglaro dahil nga pagod na ako. Sa halip ay pinanuod ko nalang sila habang naglalaro.

Oh jia, you can be happy for a minute, and pretend that you're okay for a while. But you can't fool yourself all the time.

End POV

Kinagabihan ay sabay sabay silang nagdinner. Syempre nakahiwalay pa rin ang mens sa womens.

"Teka, kulang tayo ah. Nasan si Miguel?" Pagtataka ni Rex habang nakatayo. Nagsimula na ring maghanap ang iba pero si Marck ay tahimik lang.

"Nagpaalam sa amin si Miguel kanina. Bumalik na siya sa Manila. May kailangan pa daw siyang gawin eh." Pagpapaliwanag ni Coach Parley.

Kumalma naman ang iba at nagsimula nang kumain.

Marck's POV

"Oh jia, tapos ka na? San ka pupunta?" Rinig kong sabi ni Mich.

"Grabe Mich, pupunta lang ako ng CR." Sagot ni Jia. Napatawa naman ako kay mich. Masyadong affected.

Lumingon ako kay Jia at mukhang sa cr naman talaga siya pupunta. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Pagkalabas si Jia, sakto naman na tapos na akong kumain.

Inakit ko siyang lumabas para makapagpahangin dahil kami palang namang dalawa ang tapos na. Pumayag naman siya at naglakad lakad kami.

Me: Ahhmm alam kong umalis si Miguel kanina.

Napaharap siya sa akin na halatang gulat. Pero bigla niya ding binawi at nagpatuloy sa paglalakad.

Jia: Oh tapos? Haha hindi mo naman kailangan sabihin, marck. Kung umalis siya, edi umalis siya. Wala naman akong magagawa dun diba?

Me: Wala ka na ba talagang paki-alam sa kanya?

Natigilan siya bigla sa tanong ko. Ilang minuto siyang hindi makasagot sa isang simpleng tanong na oo at hindi lang naman ang sagot.

Me: Hindi mo na kailangang sagutin. Your silence is already an answer.

Napatunayan kong not all silence means yes. Dahil minsan, silence simply means "No".

End POV
__________________________
Kakadating lang nilang lahat sa ateneo galing sa outing nila. Back to reality na naman sila. Nagsimula na silang mag-unpack nung mga gamit nila at nagreready na naman para sa continuation ng klase nila para bukas. After nila magpack, ay nakatulog na agad sila dahil na rin sa sobrang pagod.

The More You Hate, The More You Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon