Chapter 1

37 1 2
                                    

"Devorah..." bigla akong napadilat ng marinig ang isang misteryosong boses.

"Devorah, halika..." tumingin ako sa paligid ng kwarto ng mapatigil ang tingin ko sa salamin sa tokador.

"Devorah..." tumayo ako at lumapit sa salamin.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking kamay ng bigla itong nabasag at napaupo ako. Nanglaki ang mata ko ng biglang may babaeng naka baro't saya (traditional clothing of the early pilipinos [ panahon ng kastila.]

"Devorah..." dahan-dahan itong lumapit sa akin. Unti-unting nagbago ang itsura nito. Puno ng dugo ang dati'y malinis at desenteng tignan na damit nito. Bigla itong sumigaw at tumakbo.

Napatayo ako at tumakbo palabas ng kwarto ko. Madali akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa pinto. Ngunit pagbukas ko nandoon sa harap ko ang babaeng humahabol sakin. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso. Nakakapanghilakbot ang mga mata nyang itim na itim bigla syang nagsalita ng ibang lenggwahe. Napasigaw ako sa sakit ng pilit nyang ibaon ang kanyang matatalas na kuko sa braso ko. Nabigla ako ng bumuga sya ng dugo at napasok napasok lahat sa bibig ko.

Pinipilit kong makawala pero masyado syang malakas. Isang mala halimaw na nilalang ang ngayo'y unti-unting pumapasok sa aking katawan.

"Devorah, tayo ay iisa!" Sigaw nito at...

"Devi! Devi! Gising!" Napabangon ako at napasigaw. "Devi, kalma!" Napatingin ako sa paligid ko.

"Ate meg." Napahinga ako ng malalim. Masamang panaginip lang pala.

"Binangungot ka na naman. Ang hilig mo kaseng manuod ng horror. Sige na. Bumangon ka na dyan at magayos. Bumaba ka na ha. Breakfast is ready." Sabi nya at lumabas.

Napahiga ako. Nakakapang lata. Napatingin ako sa salamin sa bandang kaliwa ng kwarto ko. Buo naman.

Bumangon na ako at naghilamos.
"Adik ka talaga Devi. Nuod ng nuod ng kung ano-ano. Ayan, binangungot ka tuloy." Natatawa kong sabi sa sarili ko.

Pumasok na ako sa banyo para maligo.

Anyways, My name's Annika Devorah Perez, model, dancer, theater actress, lead singer and guitarist ng banda, sporty, obsessed sa horror and creepy stuffs, top student and popular. Kinda adventurous din.

Inayos ko ang sarili ko at bumaba. My summer's not boring kase minsan may photo shoot, minsan may play, madalas jamming together with the band, minsan nagvovoleyball or tennis. Madalas nasa mall kami ni ate meg.

"Good morning everyone." Bati ko habang pababa ako ng hagdan.

"Good morning sweet heart. Happy birthday!" Niyakap ako ni mom.

"Aww... thanks mom." I kissed her on her cheeks. "Where's dad?" Tanong ko.

"He's at the garden hija. Pagwala maybe he's at the pool side." Sabi ni mom.

"Happy birthday miss Devi." Bati ni Rowena. Maid namin. Medyo creepy sya and never kong nakitang ngumiti. Palagi syang seryoso. And I admit, madalas namin syang pagtripan.

"Devi, happy birthday hija." Napatingin ako sa pintuan.

"Tita Venz!" Patakbo akong pumunta at yumakap kay tita.

"Aw... missed me?" Napatawa naman kami ni tita.

"Sigi po. I'll go to dad muna po." Sabi ko at pumunta sa garden.

"Dad?" Wala si dad sa pool side at sa garden.

"BOO!" jumpscared! Napasigaw ako sa sobrang gulat.

"Dad!" niyakap ako ni dad.

"Happy birthday my princess." Sabi ni daddy.

"Thanks dad." Sabi ko. Umupo kami ni dad sa bench. "Dad, si ate nasaan?" tanong ko.

"Umalis na si ate mo kanina pa. Mga alas tres ng madaling araw. Mahimbing daw yung tulog mo kaya hindi ka na nya ginising." Nanlaki ang mga mata ko.

"Seriously dad?!" Tanong ko ulit.

"Yes hija. Why?" Tanong ni dad.

"Sya yung gumising sakin kanina eh!" Sabi ko.

"Alam mo anak, ang weird mo na." Tumawa si dad. But it's true!!

"Dad! It's true!" Sigaw ko.

"Hija... tara na nga. Sa loob na tayo. Naarawan ka na naman." Tumawa pa si dad.

Ang weird. Kanina lang kausap ko pa si ate ha.

"Devorah!" Napatingin ako sa paligid ko.

"Dito!" Nagulat ako ng biglang may bumato mula sa likod ng puno.

"Sino yan?" Tanong ko.

"Lumapit ka ng malaman mo." Psh. Tumayo ako. At naglakad palapit.

"Con? Ikaw ba yan?" Pagtingin ko walang tao. "Sino ka? Nasaan ka? Stop fooling around!" Sigaw ko.

Kinilabutan ako ng makarinig ako ng mala demonyong tawa galing sa likuran ko.

•~• TBC •~•

Devorah's NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon